Chapter 18
When I Dream About You
Sarah’s POV
Maraming puno at bulaklak, tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig,maaliwalas na paligod na tila isa itong paraiso. Pero na saan nga ba ako? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya naglakad lakad ako baka sakali malaman ko lalo na pag may makakausap akong tao.
Pagkalipas ng ilang sandali may natanaw ako na lalaki, hindi ko makilala kasi nakatalikod siya. Kaya napagpasyahan ko nalapitan,tinapik ko siya sa balikat.
“Seph?!” gulat kong sabi. Anong ginagawa niya dito? Naligaw din ba siya?
“Ash..” malumanay niyang sabi ng nakangiti.
“Alam mo ba kung na saan tayo? Naliligaw kasi ako.”
“Oo, akong bahala sayo sasamahan kita pabalik.”
“Salamat. Buti nalang talaga nandito ka.”
“Alam mo namang hindi kita pababayaan.Umupo ka muna ng makapagpahinga ka.” Aniya sabay gaya sakin paupo sa damuhan sa ilalim ng puno.
Walang nagsasalita samin,pareho naming dinadamang mabuti ang kapaligiran. Ang saya tumira dito napakapeaceful, kung pupwede lang dito na lang sana kami.Mahabang katahimikan pa ang bumalot sa amin ng maramdaman ko na may nagmamasid sa akin. Kaya lumingon ako sakanya at nakita siyang nakatitig nga sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
“Ang ganda mo.”
“Sus,bola pa kaya.”
“Totoo ‘yun. Maniwala ka.”
“Tigilan mo nga ako,Seph..”
Sige hindi ko na ipipilit, pero sana itong sasabihin ko paniwalaan mo dahil ito ay totoo.”
“Ano ba ‘yun?”
“M-mm”
“Ano? Ituloy mo na nga.”
“Ma---hal, mahal ki—“
*Ting! Ting!Ting!Ting!TING!TING!*
“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Panaginip lang?” sigaw ko ng magising sa napakaganda kong panaginip ng dahil sa alarm clock.
“Baaaaakiiiit?????! ‘Yun na e. Malapit niya ng masabi. Sayang talagaaaaaa.” Pagwawala ko sa kama ko.
“Sarah! Anong nangyari?” hinihingal na sabi ni Manang Lita.
“A, e wala lang po. Nagpapractice lang ako Manang. May play kasi kami sa school.” Sabi ko sabay tawa ng alanganin.
“Ganun ba? Akala ko kung ano na. Sige mag-ayos ka na ng hindi ka malate sa school.” Bilin ni Manang bago bumaba.
“Opo.”
**
Pagpasok ko sa school, sinalubong kagad ako nung apat kasama na rin kasi namin si Yunie sa barkada at ganun din naman si Dylan. Ano na namang mangyayari ngayon at sinalubong na naman ako ng mga ‘to sa gate?
“Good morning! What’s new today?” bati ko.
“Meeting.” Sagot ni Lucy.
“For what?”