Andrei’s POV
Papunta ako sa bahay nila Sarah. Napag-isip isip ko kasi na siguro panahon na para mag move on na ko sa buhay. Akala ko kasi kapag iniwan ko ang mga bagay na nakakapagpaalala sakin ng tungkol sa kanya magiging masaya na ko pero nagkamali ako mas lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko lalo na ang mga nakapaligid sa akin. Anything can happen if we’ll take a chance, kaya nga sisimulan ko na ngayon yung chance na magbago.
“Sandali lang Andrei, tatawagin ko lang si Sarah. Maupo ka muna.”
“Sige po Manang, salamat.”
Ilang sandali lang bumaba na si Sarah mula sa kwarto niya bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Gusto ko lang sana mag-sorry sa nangyari kanina.” Panimula ko.
“Ayos lang yun, naiintindihan ko naman.” Sagot niya. Mahabang katahimikan ang namagitan samin bago ko magsalita muli.
“Si Lira yung nasa picture sa music room ko. She’s my ex-girlfriend, siya ang dahilan kung bakit mas minahal ko ang music. Everything seems so perfect in our relationship but that unfaithful day comes, she broke up with me without saying any reason. She left me hanging. It’s hard for me to cope up, nasanay na kasi ko sa kanya na lagi siyang nandiyan para sa akin at hindi niya ko iiwan. Kaya masakit man sakin iniwan ko lahat ng bagay na nakakapagpaalala sakin ng tungkol sa kanya pati na ang music.”
“Now I understand you better. I was wrong to judge you without knowing what you've gone through. I’m sorry.”
“You don't need to sorry, it's all done now. I'm ready to start a new, will you be a part of it?”
“I'm glad to.”
“Let’s go!”
“Saan?”
“Sisimulan ko na ngayon.”
Hinila ko na siya kahit alam kong di pa nagsisink in sa kanya yung sinabi ko. Dala ko yung motor kaya mabilis kaming nakarating sa bahay.
“Anong gagawin natin dito sa music room mo? Bakit walang laman?” tanong niya pagkadating naming sa bahay.
“Dito ako magsisimula gawin yung pagbabago. Ready ka na ba?” nakangiti kong tanong.
“Oo naman. So what’s the plan?”
“Masyado kasing gloomy ‘tong music room kaya gusto kong baguhin yung wall background.”
“Tama ‘yun, let’s start!”
Dahil biglaan nga ito kung ano nalang maisip naming dalawa ang ilalagay namin. Kulay red na pintura ang kinuha niya samantalang kulay green na pintura ang kinuha ko.
“Wag ‘yan etong green nalang.”
“Ayoko niyan, mas maganda ‘to!”
Sinimulan na niyang pinturahan yung pader at hindi na ko pinansin pero dahil pasaway ako pininturahan ko ng green yung part na pininturahan niya ng red.
“Tsk. Ano ba?!” reklamo niya.
Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpipintura.
“Ah ganon. Ako pa hinamon mo pwes humanda ka!” natatawa niyang sabi.
Kinuha niya yung kulay yellow na pintura at iyon naman ang ginamit niya sa pagpipinta sa part na pinunturahan ko ng green.
“Hoy. Madaya ka! Napinturahan ko nay an e.” natatawang reklamo ko.