Chapter 17: Tabi

215 23 11
                                    

 Dedicated sa kanya kasi nagcomment siya sa last chapter :) Sana magustuhan niyo nag update ako kahit na may midterms pa kami.

Enjoy Reading ! <3

Chapter 17

Tabi

Sarah’s POV

This is it. This is the day that we’ve waiting for. Eto na yung huling araw ng Buwan ng Wika kaya ipeperform na namin yung mga inihanda naming performances. Last ang club namin na magpeperform kaya medyo tensed pa. Lahat kasi magaganda ang kinalabasan ng performance kaya dapat kami din ay ganun. We need to prove na magaling din kami, kailangan namin makipagsabayan sa kanila kahit na bago pa lang itong club namin.

“Ayos ka lang?” tanong ni Andrei.

“Oo?”

“Huwag ka ngang masyadong kabahan, pinaghandaan natin ito kaya magiging ayos lang ang lahat.”

“Thanks.” Dahil sa sinabi niya gumaan yung loob ko.

“Sarah, be ready. Kayo na after 5 minutes.” Tumango na lang ako sa sinabi ni Ms.Reyes at sinabihan ko ang mga kasamahan ko para makapagready na din sila.

“Go guys!” Umakyat na yung first group na kakanta at tutugtog  ng Sa Ugoy ng Duyan kasama sila Beryl,Kiel,Yunie at Dylan.

♫Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Maganda yung ginawa nilang arrangement ng song, simple lang pero napaka solemn. Yung lambing ng boses ng mga babae nagbleblend sa mga instruments kaya kapag pinakinggan mo kikilabutan ka talaga kasi mararamdaman mo yung message ng song.

Sumunod na ang group na pinangungunahan ni Lucy,Jem,Frances at Errol na ipeperform ang Bayan ko.

♫Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

Hinaluan nila ng konting interpretative dance yung performance nila na nagbalance naman sa pagkanta at pagtugtog nila. Last performance na ng club namin itong O Ilaw,na medyo masaya na ang tema, at  kami ni Andrei ang namuno.

Ginawa naming musical play yung performance namin,with mathing props pa talaga na kubo. At dahil mababait yung members namin kaya  kami ang ginawa nilang bida.Nagsimula ang kwento na namamasyal ako kasama ng mga kaibigan ko sa baryo at nakasalubong namin ang isang matikas na binata kasama rin ang kanyang mga kaibigan. Siya ay nabighani sa ganda ko at nagpakilala. Ang sumunod na naeksena ay nasa bahay na ko’t gabi na ng makarinig ako ng tunog ng gitara at pag-awit.

♫ O, ilaw, sa gabing malamig
Wangis mo'y bituin sa langit.
O, tanglaw, sa gabing tahimik
Larawan mo, Neneng,
nagbigay pasakit. Ay!

Gising at magbangon
sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing.
Buksan ang bintana
at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo

ang tunay kong pagdaing.

 

Pagkatapos ng kanta ay dahan dahan kong binuksan ang bintana ng aming kubo at nakita ko si Andrei na nakangiti habang may hawak na isang pulang rosas. At dun nagtatapos ang kwento ngunit biglang lumapit si Andrei sa bintanang dinudungawan ko at inabot ang rosas sabay sabing,” Para sa minamahal kong binibini.”

At dahil sa narinig ito ng mga kapwa namin mag-aaral, sila ay nagtilian. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala naman ito sa usapan kaya ngumiti na lang ako.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon