Chapter 38: Pagsuko

73 1 0
                                    

Chapter 38
Pagsuko
Sarah's POV

I feel so exhausted and numb. Contradicting di ba? Ang gulo ng nararamdaman ko. Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pagkatapos ng nangyari sa music room pero ni hindi pa ko nakakapagpalit ng damit na pangbahay. Kanina pa rin ako kinakatok ni manang para kumain pero wala talaga akong gana.

Sino ba ang magkakagana kumain sa nangyari sa amin? Ang dami na naming pinagdaanan pero mauuwi pa rin sa wala.

Maski pagkakaibigan namin wala na rin. He doesn't want me in his life. Akala ko kapag dumating yung oras na ito makakaya ko, pero hindi pala. Maaaring pagkalipas ng ilang araw makakabalik ako sa ilang dating gawain ko pero hindi na ito tulad ng dati, may kulang na.

Kahit na sobrang pagod na ko sa nangyari hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit lang nagflaflash sa isip ko yung nangyari kanina. Patuloy din ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata.

Ilang oras na ang lumipas pero nananatili pa rin ako sa ganoong pwesto. Nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame.

**

Nakarinig ako ng ingay. Mga babaeng nag-uusap. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napansin kong umaga na pala dahil sa sinag ng araw na lumulusot sa pagitan ng aking mga kurtina.

Hindi ko alam kung paano o anong oras na ko nakatulog, hindi ko namalayan.

Pagod na pagod ako, buong pagkatao ko kaya wala akong ganang bumangon para usisain kung ano ang ingay na 'yon.

Nagtaklob ulit ako ng kumot upang matulog ngunit maya-maya lang ay may humila na nito paalis sa katawan ko.

"I want to sleep. Go away." sabi ko habang nakapikit pa rin.

Imbes na ibalik ang kumot ko ay niyakap nila ko dahilan upang mapadilat na ko ng tuluyan.

Niyakap nila ko ng mahigpit na parang nagsasabi na magiging okay din ang lahat kaya nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Tama na nga iyang pag-iyak mo. Kagabi ka pa daw umiiyak mula sa school ni hindi ka rin kumain. At tingnan mo nga 'yang suot mo? Hanggang ngayon nakaschool uniform ka pa din! Ew!" mahabang litanya ni Fran.

Matatouch na sana ko sa kanya.kaso may 'ew' pa sa huli. Pero alam kong pinapagaan niya lang ang mood.

"Bumagon ka na nga diyan! Maligo ka na rin. Grabe para kang isang linggo na hindi naligo!" reklamo ni Beryl.

"Niyakap yakap niyo ko kanina tapos magrereklamo kayo." sagot ko.

"Shut up and move now! Go!" utos ni Lucy.

Wala akong nagawa kundi bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo nakita kong nakaayos na ang kama ko at may pagkain na sa lamesita ko sa kwarto.

"Natapos ka din! Hay tara na dito let's eat!" aya ni Rynie.

Pagkaupo ko sa sofa ay nilagyan na nila ka agad ng pagkain yung plato ko. May pancake,hotdog,egg at bacon.

"Ang pagkain hindi mauubos kung titigan mo lang." sabi ni Beryl.

Naramdaman ko na din naman ang gutom kaya kumain na ko. Napansin kong parang hindi naman sila kumakain, nakatingin lang sila sa akin.

"Girls, may dumi ba ko sa mukha?" tanong ko.

"Ha? Wala naman. Bakit?" sagot sa akin ni Fran.

"Kung makatitig naman kasi kayo sa akin parang meron. Kumain na nga kayo." sabi ko.

Pagkatapos kumain at ligpitin ni manang ang pinagkainan namin ay parang nagtuturuan sila. Alam ko ang mga ganoong kilos kaya ako na ang nagsimula.

"Magtanong na kayo." Nagtinginan pa ulit sila tsaka palang sila nakahinga ng maluwag.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon