Chapter 36: Siguro

67 1 0
                                    

Chapter 36
Siguro
Sarah's POV

"Siguro umiibig kahit di mo pinapansin, magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika'y mapatingin." kanta ko habang naggigitara din. Weekend ngayon kaya nakatambay lang ako sa music room, nagtatanggal ng boredom.

Napahinto ako sa pagkanta ng may nagbukas ng pintuan. "Hey sis!" bati sa akin ni kuya Ian na siyang nagbukas ng pinto.

"Hi kuya! What can I do for you?" tanong ko.

"I just want to bid goodbye to you before I go." sabi niya sabay yakap sa akin.

"I forgot about this day. Buti nalang pinuntahan mo ko. Take care kuya, I will miss you."

"Sure sis. Paano, I'll go ahead. See you next month." Hinatid ko na palabas ng bahay si kuya, nandito na pala si mommy.

"Call me when you arrived there." sabi ni mommy.

"I will mom. Don't worry about me." sagot ni kuya.

"Manang kayo na po munang bahala sa kanila ni mommy." paalala pa ni kuya bago sumakay sa kotse.

"Ako ng bahala dito Ian. Mag-iingat ka." sabi ni manang. Ayaw kasi magpahatid ni kuya sa airport kaya dito na kami nagpaalaman sa bahay.

Pagkaalis ng kotse kung saan nakasakay si kuya ay pumasok na kami sa loob ng bahay. "Mom, sa music room lang po ako." paalam ko.

"Sure hija." sagot niya kaya nagderetso na ko sa music room at tinuloy ang pagtugtog sa gitara.

Nag-eenjoy na ko sa ginagawa ko ng nagbeep ang cellphone ko na nagsasabing may nagtext.

From: Andrei
Ash! Don't forget the dinner later. Mom is expecting you.

"Ngayon nga pala 'yon."

To: Andrei
Thanks for reminding me. See you later. Tell tita that I'll come.

Lumabas na ako ng music room upang magpaalam kay mommy. "Mom, kila Andrei po ako magdidinner mamaya. Tita Cristy invited me. Can I go?"

"Sure. Just send my regards to them."

"Thanks mom."

"I should cook something that you can bring later. What do you think?" suhestiyon niya.

"That's a great idea. Cook your specialty mom, I'm sure they will like it."

Exactly 6 o'clock in the evening when I arrived at Andrei's house. Pagbaba ko ng kotse ay may nakasabay ako sa pagpunta sa gate, no other than Lira. Nangunguna siya sa pagpindindot ng doorbell na hinayaan ko na lamang. I'm not here to compete with her.

Maya-maya lang ay bumukas na ang gate.

"Good evening Sarah! Buti nakarating ka." bati ka agad sa akin ni manang. "Nandito na rin po pala kayo ma'am Lira."

Dere-deretso lang ng pasok si Lira na tila walang pakialam kay manang.

"Good evening din po Manang Lory. Oo nga po, tinext po kasi ako ng alaga niyo na inaasahan ako ni Tita. Nakakahiya naman pong hindi pumunta." sagot ko sa matanda.

"Buti naman at pinaalala niya sa iyo. O siya pumasok ka na roon. Ako ng magdadala niyang dala mong pagkain sa kusina."

"Salamat po." At nauna na ng pumasok si manang paderetso sa kusina habang ako naman ay pumunta sa sala.

"What are you doing here?" bungad sa akin ni Lira. "You are not supposed to be here. Ang kapal talaga ng mukha mo at pilit mong pinagpipilitan iyang sarili mo kay Andrei."

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon