Chapter 39
The Last Something that Meant Anything
Sarah's POV
Natulala ako sa sobrang pagkagulat. Shock was an understatement sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi na kasi sumagi sa isip ko na itetext pa niya ko. Hindi na rin ako umasa na nanaisin pa niya kong makausap ulit.
Alam ko kasi na tapos na ang lahat mula ng talikuran niya ko sa music room. There's no turning back. He chose her.
Hindi ko alam kung dapat ba kong pumunta. Nalilito na ko. Half of me says no kasi baka masaktan na naman ako. But the other half says yes hoping that everything will be ok.
Kahit na nalilito ko sa magiging desisyon ko para bukas ay hindi ko na ito sinabi pa sa mga kaibigan ko. I know they will be hysterical about it.
Mas mabuting ako nalang ang magdesisyon para sa akin lahat ng sisi kung hindi man umayon sa akin ang mangyayari. I wouldn't blame anyone coz I follow them.
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, gabing-gabi na pala. Bahala na bukas.
Kung desidido siyang makipagusap sa akin, pupunta siya doon para hintayin ako hindi ko man sagutin ang text niya.
* *
"Sarah!" pambungad na salita ni Beryl sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.
"Chill Beryl. What is it?" mahinahon kong sagot sa kaibigan kong hyper.
"Let's go out! I miss you!" paglalambing niya.
"I'm sorry but I have plans later."
"What? Where?"
"May aayusin lang ako. Babawi nalang ako sa iyo next time."
"Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" pangungulit pa niya.
"Hindi na. Nakasched na kasi ito. I'm sorry."
"It's ok. Atleast you're going out now. Bye take care!"
"Bye." At binaba na niya rin ang tawag.
It's already 1 o' clock in the afternoon when I realized to text him.
Nakailang beses akong nagcompose ng text message para sa kanya pero binubura ko din naman dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang tamang itext sa kanya.
To: Seph
See you.
Saktong alas kwatro ay nasa greenhouse na ko ng school. Alam kong alas tres ang usapan pero nagdalawang isip pa kasi ko ulit sa pagpunta.
Buti nalang ay nagpapapasok pa ng estudyante dito kahit christmas vacation na.
Wala pang tao pagkadating ko. Hay, siya itong nag-aya na mag-usap kami pero siya pa yata itong late.
Late nga ba? Baka naman kanina pa siya ditong alas tres at nainip na sa paghihintay.
Di ko alam kung ano ang iisipin ko pero napagpasyahan ko na maghintay pa. Sanay naman akong maghintay pero ito na ang huling beses na gagawin ko ito.
Dahil presko naman dito at medyo nakakalibang ay hindi ko na naisip na may hinihintay pala ko. Parang nagpunta lang ako dito para makapagrelax at makapag-isip ng maayos.
Mas dumami na pala ngayon ang mga halaman at bulaklak dito kaya mas lalong gumanda.
Gumagaan ang pakiramdam ko dito, nakakagoodvibes talaga. Kaya pumikit pa ko para mas madama ang katahimikan.
"Ash.." parang may tumatawag sa akin kaya dumilat ako para tingnan kung sino iyon.
"Aze?! Aze ikaw pala." nabigla kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?"
"Actually naglilibot lang but then I saw you here so I came here to check if it was really you." paliwanag niya. "How about you?"
"Hmm.. I'm waiting for someone but I think he won't come."
"I guess it's Andrei." Nginitian ko na lang siya bilang pagsang-ayon.
Nagkwentuhan kami ni Aze sa mga nangyari sa amin nitong mga nakaraan na araw dahil hindi na kami masyadong nagkikita. Kwinento ko din sa kanya yung nangyari sa amin ni Andrei.
"Bakit ka nga pala naglilibot dito?" tanong ko sa kanya.
"I'll definitely miss this school so I take a tour today."
"Why?"
"I will go back to America in a few days. My stay here is over."
"Bakit ang bilis? I thought you'll finish this grading?"
"I really need to go back there coz I've already completed this grading."
"Buti nalang nagkita pala tayo dito mukhang wala kang balak magpaalam e."
"Of course, I have a plan to meet you before I go back there but I'm glad to see you today. And I have to tell you something."
"What is it?" pagtataka ko at mukhang importante talaga.
"I'm sorry for not telling you this. I hope we could still be friends after this."
"Ano ba kasi 'yan? Tell me!" kinakabahan kong sabi.
"Lira is my fiancee."
"What?!"
"Arranged marriage. She flew back here after knowing that. She can't accept the fact that she will marry me. I thought it will be okay for us because we are in a relationship for 2 years but it turns out like this coz she' still in love with him."
Sobra kong nagulat sa nalaman ko at parang ang hirap iprocess sa utak ko. Too much revelation.
"I came here to follow her. Just to be sure she's fine. Then accidentally I met you, I don't know you're related to Andrei and I don't have a plan to be with your group. But I can't resist your charm, you're friendly and caring that I can't afford to lose a friend like you" pag-amin niya.
"You've been good to me at naipit ka lang sa sitwasyon na ito. Of course I'm still your friend." finally nakapagsalita rin ako dahil naspeechless talaga ako sa nalaman ko.
Niyakap niya ko ng sobrang higpit at yumakap na rin ako pabalik. Hindi ko alam kung bakit wala akong sama ng loob sa kanya dahil sa nalaman ko siguro dahil nga naging mabait naman siya sa akin at ramdam ko na lahat ng pinakita niya sa akin ay totoo walang halong pagpapanggap.
"Oh! It's almost 7 in the evening, our conversation take that long." sabi niya ng humiwalay na kami mahigpit na yakap. "And is Andrei still coming?"
Alas syete na pala at ngayon nalang ulit sumagi sa isip ko na hinihintay ko pala si Andrei kaya ako nandito dahil mag-uusap kami.
Pero kanina pa kong alas kwatro dito at hanggang ngayon wala pa rin siya.
Umasa na naman ako sa wala. Naghintay na naman ako sa taong hindi naman pala darating.
"He's not coming anymore. As always." sagot ko kay Aze.
"I hate seeing you like that. He always make you cry. If I can take you away from him I'll do it." sabi niya habang pinupunasan ang mumunting luha na tumatakas sa mata ko.
"You're such a good person, Aze."
"If you want to escape this you can come with me."
Final niyang sabi bago kami tuluyang umalis sa greenhouse.