Chapter 29: Everything has Changed

99 10 0
                                    

Happy 3k reads Melodies! Keep supporting!

Lovelove
Serenitylei<3

Chapter 29
Everything has Changed
Sarah's POV

Isang panibagong araw na naman ngunit parang ayokong gumising, ang bigat ng pakiramdam ko. Pero kailangan kong bumangon at gawin ang nakasanayan.

Pinilit kong maging maayos ang sarili ko na tila walang nangyari kahapon. Buti nalang at nagawan ko ng paraan ang pamamaga ng mata ko, ayokong makita nila na hindi pa ako okay. Ayoko kasing mag-alala pa sila.

Pagdating sa school ay isa-isa ko silang binati ng may ngiti tulad pa rin ng dati.

"Good morning Seph." panghuling bati ko sa bagong dating.

"Good morning Sarah." sagot niya. Sarah? Nasaan na yung Ash? Pati ba 'yun kinalimutan na niya? Napangiti nalang ako ng pagak at tumingin sa bintana.

Nagsimula na ang klase, pinilit kong magconcentrate sa discussion upang may maintindihan kahit na hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang nangyari kahapon.

"Sarah." napalingon ako sa kumalabit sa akin.

"Fran bakit?" tanong ko.

"Break time na. Tara na sa canteen."

"Ah, e sge." Ganun pala ko katagal nakatulala at hindi ko namalayang break time na.

Pagdating namin sa usual table namin sa canteen ay nandoon na ang boys ngunit wala pa si Seph.

"Nasaan si Seph?"

"May pinuntahan lang saglit, babalik din yun. Masyado mo namang namiss." sagot ni Kiel na naging dahilan ng tawanan nila kaya nakitawa na rin ako para hindi sila makahalata.

"Speaking of. Ayan na yung prince charming m--o?" sabi ni Harry pero tila natigilan kaya lumingon na rin ako.

Pero sana hindi ko nalang ginawa para hindi ko nalang nakita.

"Sino yung kasama ni Andrei?" tanong ni Lucy.

"At nakapulupot pa talaga sa braso niya." segunda ni Beryl.

Halata mong ganun din ang reaksyon at katanungan na umiikot sa isip ng lahat ng estudyante na nandito sa canteen.

"Siya ba si.." Hindi na natuloy ni Yunie ang pagtatanong ng makalapit na sa amin ng tuluyan sila Seph.

"Sorry naghintay pa kayo. Sinundo ko pa kasi si Lira sa gate." paliwanag niya.

"Okay lang pre. Si Lira na ba talaga 'yan?" tanong ni Jem na tila hindi makapaniwala.

"Of course Jem. The one and only." sagot naman ni Lira na nakangiti.

"Laki ng pinagbago natin a. Hindi ka namin nakilala." pabirong sabi ni Errol.

"Hindi naman masyado. Ikaw talaga Errol napaloko mo pa rin." sagot uli niya na parang kilalang kilala na niya ang mga ito.

"Oh by the way, who's with you guys?" nanunuring tanong niya habang pinagmamasdan kaming nga babae.

"Mga girlfriend nila." sagot ni Seph.

"Si Lucy, girlfriend ko." pakilala ni Jem.

"Si Frances, weird ko." sunod na pakilala ni Errol.

"Etong nasa tabi ko si Yam ko este si Beryl. Eto namang dalawa sa harap ko ay si Harry at Yunie, bagong tropa." pagpapakilala ni Kiel.

"Hi guys! It's nice to meet you." Kumaway naman sila kay Lira habang nakangiti.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon