Chapter 23: Simpleng Tulad Mo

202 16 0
                                    

Chapter 23
Simpleng Tulad Mo

Sarah's POV

Late na ko nakatulog kagabi sa sobrang pagrereview dahil last day na namin para mag unit test ngayon. Buti nalang maaga akong ginising ni manang, hindi ako malelate para sa test namin at tsaka nandito rin kasi sila daddy kaya dapat sabay sabay kaming magbrebreakfast.

Gaya ng nakagawian kapag nandito sila ay nagkamustahan kami habang kumakain. It's our time to catch up with each other.

Pagkatapos ng masayang kwentuhan naming pamilya ay pumasok na ko sa school. Nakangiti lahat bawat madaanan ko pero walang kumakausap sakin. Somethings weird pero isinawalang bahala ko nalang yun mukhang hindi pa rin yata sila makaget over sa nangyari nung intrams. Yun lang kasi ang naiisip ko na dahilan kung bakit ganyan sila.

Buti nalang normal ang kilos ng mga kaibigan ko. Pinanggigilan nila ko sa yakap, normal lang talaga samin 'yan dahil baliw nga sila este kami pala.

Nagbunga naman ang pagpupuyat ko dahil madali kong nasagutan ang mga test. Buti nalang last day na ngayon ng test kaya kahit papaano ay makakapagpahinga na ko.

"Sa wakas nakaraos din!" sabi ni Jem.

"Oo nga. Hay sumakit ang ulo ko kakareview." sagot ni Kiel.

"Okay lang yun atleast alam mong masasagutan mo yung test." sabi naman ni Beryl.

"Anong araw nga pala ngayon?" tanong ni Lucy.

"September 15, Friday. Bakit?" sagot ko.

"Nakalimutan mo?!" Nabiglang tanong ni Frances.

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong.

"A, na shopping day dapat natin." biglang sabi ni Yunie.

"Oo nga no? Tapos na naman ang test kaya tara na't magshopping!" masigla kong aya sa kanila.

"Tama! Sama ba kayo babe?" tanong ni Lucy kay Jem.

"Hindi na kami sasama girls. May sarili kaming lakad e. Di ba 'tol?" sagot ni Seph sabay siko kay Jem.

"Ay, oo nga babe. Next time nalang." pagsang-ayon ni Jem.

"Ingat nalang kayo." bilin ni Errol.

"Enjoy." maikling sabi ni Dylan.

Tumango nalang kami. Alam naman namin ang dahilan boys will be boys ayaw nila ng shopping thingy. Pero ayos na din yun na hindi sila sumama, another girl bonding na rin.

Pagdating namin sa mall pumasok kagad kami sa unang boutique na nakita namin. Wala kaming nagustuhan doon kaya lipat kami ng store. Sa pangalawang store na pinuntahan namin ay wala parin kaming nabili.

"Hmm. Alam ko na kung saan tayo. Follow me girls." sabi ni Frances.

Kaya sumunod naman kami baka doon sa naisip ni Fran ay may mabili na kami.Huminto kami sa store na may pangalang "F6", pagpasok namin ay mga iba't ibang style ng dress at gowns ang nakadisplay.

Nagkanya-kanya na kaming lapit sa mga dress at gowns upang makapili ng magugustuhan namin. Sa dami kong nagustuhan hindi tuloy ako makapili.

"Sarah." tawag sakin ni Fran kaya lumingon ako sa kanya.

"Bakit?"

"What do you think?" tanong niya sakin habang hawak ang isang red cocktail dress with flower embroidery.

"I like it." nakangiting sabi ko simple pero cute ang dress na yun.

"Good. That's for you."

"Thanks. Buti nalang pinili mo ko ang hirap kasing pumili lahat nagustuhan ko." natatawa kong sabi.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon