"I can fill those places in your heart
that no one else can"Seb
Paging, paging the attention of Dr. Mamod, please proceed to the 4th floor nurses station, dalawang ulit kong rinig sa paging system ng buong hospital. Nakakawala naman ng stress ang boses ng pager na yan.
"Seb, pull out ka muna scrub nurse sa OR, absent yung scrub nila ngayon.
"Bakit ako?," balik tanong ko sa head nurse namin.
"Eh sino ba dapat yung chief nurse natin?," pilosopo pero nakangiting sagot ng hn namin.
"Oo siya nalang", gatong ko kay ate Salia hn namin.
At sinapak lang ako na nailagan ko naman. Sige na bilisan mo na at emergency yun sabi niya.
"Sinong doctor ko?, tanong ko ulit.
Si Dr.Mamod, sabi niya. Punyeta bakit siya.
Ayaw ko nun ka work eh nanghahagis ng instruments pag mali ang naibigay mo. Akala mo kagalingan. Pwe at pwet niya.
"Akala ko ba si Dr.Ho?",ate.
May emergency kaninang umaga sa bahay nila kaya off ngayon", si ate Salia ulit.
Nag ready na ako papuntang OR kasi no choice eh. Ruptured Appendicitis daw case namin. Nagpahabol pa si ate Salia na daanin ko na lang daw ng charms ko. As if naman, na talo kami nun ni pahong pahong referring to Dr. Mamod. Oo it means autism. Ako lang nag bansag nun kasi mukha siyang may deperensya. Bwesit naman oo.
Bilisan mo God yung araw na to.Please po.
After how many hours, natapos din. Naka tatlo din kaming sunod sunod na case. Buti mga minor lang kaya 4 at kalahating oras lang ang ginugol. Muntikan pa akong tamaan ng forceps abay malay ko bang anong forceps eh daming uri kaya nun.
In the first place, it's not my fault. See, sabi sa inyo eh nananapon ng instruments yun. Pero at the end of the operation humihingi naman ng sorry yan mga yan. Just that, normal scenario sa theatre/OR minsan. Sanay na kami.
-
Oh divi, divi,divisoria! Sabay pukpok ni kuyang sa gilid ng jeepney. Kasya pa tatlo at aalis na.
Maingay at mausok kong langhap ng hangin sa kamaynilaan. Naman pinas hindi ka padin nag babago. Suot- suot ang aking jeans at polo checkered na red at bitbit ang aking kunwaring envelope na laman ang mga kakailanganin documentos.
Kuya!, sigaw ko sa nag ngangaw-ngaw na barter kanina.
Saan ko po makikita si madam delilah dito?.
Hagod ni kuya sa kabuuan ko.Ah tumbukin mo yung kfc na yan, tas pagdating mo doon, kumanan ka konti may Minda's store na makikita mo. Magtanong ka nalang doon nandun si ate delilah. Pagkatapos ni kuya mag instruct sa akin nagpasalamat naman ako.
Hayop ka Cram ikaw dapat nakakalanghap ng usok ngayon at naiinitan eh. Toka niya kaya ngayon. Si Jeth. Nah senior yun bawal utusan. Joke lang. Abala sa incoming wedding nila ni Shen. So exempted muna siya...sa ngayon.
Pagkadating ko sa lugar na sinabi ni kuya ay agad kong tinanong yung isang babae payat kung sino si madam delilah dito.
"Delilah may aplikante ka!, pasigaw na sabi ni ate.
Maya-maya lang ay lumabas ang medyo may katabaan na babae putok ang pisngi sa blush on na kulay orange, lipstick na pula, malaking bilog na hikaw sa tainga, may tattoo sa magkabilaang braso at may belt bag na may nakasulat na mike na may check.
Typical mamasang o bugaw. Pinalitan na pala ang name nun sa isip isip ko. Halika ka iha pasok ka, mosyon ni delilah sa loob ng mumunting paupahan niya.
Maganda ka naman iha at may tindig halos perfect kana nga eh. So anong dahilan at papasukin mo yung ganitong trabaho?, tanong niya sakin.
Na may kasamang hagod sa kabuuan ko. Seryoso. Simple lang naman suot ko. Kailangan ko po kasi ng trabaho kasi pantustos po sa pag aaral ko pati sa mga kapatid ko ate at binigyan ko pa ng paawa effect.
Nagbawas ho kasi ng trabahante doon sa factory na pinasukan ko nakaraan linggo pa. Kaya napadpad ako dito. Oh siya tanggap kana, sabi niya. At may pahawak hawak epek pa ako at nagpasalamat.
Sinulat niya sa maliit na papel ang address at phone number niya at binigay ko naman ang aking numero at nilabas ang aking kunwaring de-keypad na telepono.
May pahabol pa na kung may kakilala daw ako or mga kaibigan na sing ganda ko dalhin ko daw agad sa kanya. Sayang naman daw ang kita.
Oo sayang din ang oras namin.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
RandomI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...