"I fell in love with you
before the second show"Seb
Napaka himbing ng tulog ni Raya. Hindi ko nalang siya ginising mukhang pagod eh. Tsaka na siguro pag lapag ng eroplano.
Papunta kami ngayon sa Taiwan kung saan gaganapin ang kasal nila Jeth.Doon lang kasi ang pinakamalapit sa Pinas at may legal same sex marriage tas tutungo silang UK para doon mag honeymoon.
Napapayag ko din naman si Raya since may aasikasuhin din siyang business doon. For the expansion of her company daw at para isahan na din.Gusto pa nga atang sumama ni Zac kaso pinigilan niya.
Hindi ko alam kung alam na ba nito kung anong trabaho ko sa buhay niya ngayon. Maybe don Bruce told her or maybe not. Hindi din naman siya nagtanong sakin.
Pero wala na akong paki alam doon. Ang mahalaga magampanan ko ang trabaho ko sa kanya.
Trabaho nga ba.? Tuya ng isip ko.
I need to solve this mission as soon as possible, hindi ko na gusto ang takbo eh. I am playing in a game na alam ko rin na ako ang talo. So bakit pa ako makikipaglaro.
Atlast nakalapag na din kami at yung isa is ready to take off na din.
Nakarating kami sa hotel na magiging venue din ng kasal nila Jeth. Mukhang ako nalang ata ang nahuli.
I saw Cram, Jeth and her fiancée na soon to be wife tomorrow na si Shen. Blooming ang dalawa halatang excited at kinakabahan at the same time. They are approaching specifically in our direction.
"Congratulations to both of you!". Sabay hug kina Jeth at Shen.
"Ah guys, si doktora Unique Raya pala. Doc mga kaibigan ko po. Si Cram, Jeth at Shen tukoy ko sa mag fiancee." Mahabang litanya ko.
Siniko ako ni Cram sa tagiliran ang sakit kaya. Mamaya ka lang sakin.
Nakipag shake hands naman siya sa bawat isa at ngumiti.
Hay natunaw na naman ang puso ko sa ngiti niya. Kalma ka lang heart. Hindi na atin yan.
Pinaliwanag naman samin ni Jeth kung saan ang room namin. Sinadya na din niyang medyo malaki laki ang para samin kasi alam niya na on mission ako. At least hindi na ako mag hirap na mag bantay sa kanya.
Matapos kong mailagay lahat ng gamit namin ni Raya ay tsaka ako humiga sa malambot na kama ko. Sarap sa feeling. Nakakawala ng problema kahit papano.
-
The ceremony went well. Jeth is wearing a women tuxedo as well as with Cram and I. Habang gown naman kay Shen of course. At minty green kay Raya gaya ng motif nila. As usual hindi mawawala ang hagisan ng bridal flower. Hulaan nyo sino nakasalo.
It's Cram.
Kaya natawa ako. Well who's the unlucky woman then goodluck.
My eyes spot especially sa table kung saan nakaupo si Raya. She's gorgeous without makeup but she's even more gorgeous tonight. I can't take my eyes off of her. It's like she has a magnet effect that no one can resist.
At isa na ako doon but sad to say yung ngiti niya ngayon ay hindi laan para sa akin. Para roon sa katable niyang kamag anak din ata ni Shen.
Nakapamulsa akong nilihis ang aking paningin. Sa gawi kung saan nagsasayaw ang dalawang mag asawa.
I'm truly happy for Jeth they love each other. Kontento at natagpuan na nila ang isa't-isa.
Yung siko sa tagiliran ang nagbalik sa muni-muni ko.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
RandomI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...