"She maybe the face I can't forget
Maybe song that summer sings
and chill that autumn brings"Unique
Hindi ko alam kong paano ko pakikisamahan ngayon si Seb. Although ilang beses ko naman siya nakakasama sa condo. Galit pa rin ako sa kanya pati kay dad.
Pero hindi ako ipokrita kung hindi ako magpapasalamat sa lahat ng mga ginawa niya. Nasagot lahat kanina ang tanong na matagal ng tumatakbo sa isip ko sa kanya.
So kaya pala kada nasa peligro ang buhay ko nandyan siya lagi. Siya pala yung bodyguard ko. Hindi ko alam kong sino ang mga kalaban ni dad pero hindi na siya biro at hindi na siya nakakatuwa. Ilang beses na ba muntik akong mamatay kung wala si Seb na laging naka bantay sakin.
Hindi na rin ako maka hindi kay dad kanina ng siya na mismo nagsabi na titira sakin si Seb habang hindi pa nareresolba ang sitwasyon hinaharap namin ngayon.
I felt betrayed sa ginawa nila sakin. Lalo't kay Seb I mean hindi ko rin naman siya masisisi.Inutusan lang din naman siya ni dad.
Grrr.. as in nagtatampo pa rin ako sa kanya pero thanks to her.I feel safe and secure pag nandyan siya parang no worries to think pag kasama ko siya.
She's knocking on my door right now, telling me that our dinner is already prepared. Oh diba, how sweet she is. May bodyguard na ako, may chef pa. Pero, hmp nagtatampo pa rin ako sa kanya.
Bahala siya dyan mamaga ang kamay kaka-katok.
But to my surprise, nilaglag ako ng tyan ko. Na kasalukuyan tumutunog ngayon.
Kahit labag sa loob binuksan ko yung pinto but to my dismay, wala na yung isa. Wait, bakit ba ako na dismayado?.
As usual, since siya yung nagluto ako naman yung nag urong ng pinagkainan namin.
Yung isa ayon. She is watching cartoons again. May pa tawa-tawa pang nalalaman ka tanda na eh isip bata pa rin.
Sinarado ko ang libro na binasa ko dahil ako'y inaantok na. Inayos ko na rin ang sarili para matulog.
Hindi ko alam kong nananaginip ba ako or sadyang mababaw palang ang tulog ko.
I feel the presence of her lips on my forehead. Pati yung pagkasabi niyang, I always forgot to lock my door. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Tamad akong idilat ang aking mga mata o baka part pa rin ng panaginip ko ang scenario na ito pati yung pag ayos niya ng kumot ko. How sweet naman talaga ng babaeng to.
Naka abang na si Seb sa sofa para sabay kaming papasok. Kinuha na rin niya yung mga extra bitbit kong bag. Picky foods lang naman ang laman nun. Mga pagkain na pampatay oras tas mga charger or wires ng laptop na gagamitin sa opisina ko.
I'm wearing a black scrub suit today tas adidas sneakers plus a lab gown.
Gamit namin ngayon ang bulletproof na kotseng pinadala ni dad kahapon. Mabuti na raw ang nakakasigurado kahit alam niyang safe ako kay Seb. Ganun na ba yung tiwala niya sa bodyguard ko.
Sabagay, no doubt ilang beses na ba niya akong niligtas hindi ko na yata mabilang.
Tahimik namin binabaybay ang daan papuntang hospital ngayon. Wala ni isang umimik. Alam ko din naman na nakikiramdam lang din yung isa. Ako, nasa labas lang yung tingin ko hanggang sa dumating kami.
Nasa elevator na kami at pipindutin na lang ang floor ng may kamay na humarang. Si Nouf pala ang bagong surgeon dito. Maganda naman to kaso isa rin higad.
She greeted me for formality but she gave more attention to Seb. See, kakasabi ko lang higad diba.
Umirap nalang ako sa kanila wag sila dito mag landian sa hospital namin at sa harap ko pa talaga. Hindi ko alam pero bakit ako inis sa babaeng to.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
RandomI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...