Arba'a o talatin-34 (Deep)

362 22 0
                                    

"Love moves in mysterious way"

Seb

Nandito ako ngayon sa hospital ni tanda. In his office to be exact, he gathered us. Akala ko ako lang ang pinatawag niya. Good thing is may family gatherings sila ni Raya kaya doon muna siya ng ilang araw. Umuwi din kasi yung kuya niya galing ibang bansa.

Kinausap niya muna ako ng personal about sa mission ko sa anak ni don Bruce. May lead na daw sila pero medyo malabo pa. He will contact me as long as na confirm yung lead nila.

Kasama ko sila Cram at Jeth ngayon. Habang nagsasalita sa harapan namin si Dr.Diyab o tanda.

Of course he congratulated to the newly-wed. Tanda is very aware sa gender orientation namin. He's not against that. Nagtampo lang siya bakit hindi daw siya inimbita. First of all, nasa vacation silang mag asawa kaya wala siya sa kasal ni Jeth. Tsaka wag niya kaming emotan dyan kasi unang-una siyang nakaalam sa kasal nila Jeth.

Matapos kaming kausapin ni tanda nagpasya kaming kumain ng lunch sa shakeys nalang ito lang kasi malapit sa hospital eh. Matagal na din kaming hindi nagsama-sama.

"Kumusta ang misyon mo, Votrex?"

"Okay naman" sagot ko kay Jeth.

"Okay naman ba yung puso mo ngayon?"

Seryoso ko siyang tinitigan. Si Jeth at Cram wala lang seryoso silang ngumunguya.

I smile when I remembered her face and her whole being.Damn, paano ko ba mapipigilan tong nararamdaman ko sa kanya. Bawat araw na lumilipas palala na ng palala ang pagmamahal na umusbong ko para sa kanya.

I'm not a newbie to this feeling.I've been in love medyo mapaglaro pa nga eh. But truly is, pag nahanap mo na siya. Wala ka ng gana sa nakapaligid sayo.Kahit sinong maganda at sexy pa yung kaharap mo. Hahanga lang ang mata mo but not your mind and heart.

"Okay, hindi mo na dapat pang sagutin. Ngiti mo palang alam na namin. Di ba Cram?" Habang malokong ngumiti sa isa.

"Natamaan ka din sa wakas". Tsaka tinap ang balikat ko.

Napapiling nalang ako sa dalawang to. At masaya namin tinapos ang pagkain nasa harap namin ngayon then bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Ako babyahe pa kung saan ako naka destino ngayon.

Nadatnan kong nasa pintuan si coci.Wala yung amo niya ngayon umuwing mansyon so ako muna mag-aalaga sa kanya.

I call her dugyot, kasi ang messy niya pero in a good way naman. Para maiba lang naman. Cute pa din ng pusang to kahit dugyot.

Nilagyan ko muna siya ng cat foods at tubig sa lagayan niya.Just in case na uhawin at gutumin siya.Kakain na lang siya anytime.At nilinisan ang bahay tulugan niya. Hay, may extra baggage pa si Raya na babantayan ko.Tsk.

Tseneck ko muna ang phone ko baka sakaling my message or tawag si Raya. Meron nga. Pina-alala lang sakin yung kuting niya. Wag ko daw patayin at alagaan ko daw, hindi din siya uuwi.

Papasundo na lang siya sakin bukas.

Eh di wow.

Mabuti at nandito si dugyot atleast hindi boring ang gabi ko.Tahimik ang condo pag wala siya. Damn, I miss her.

Dadalawin ko din pala ang condo ko mamaya. Maaga pa naman eh.

At kinuha ko nga ang motor ko sa basement lot ni tanda.Tsaka pinaharurot papunta sa condo ko.

I received a call from Raya..

"Where are you now?"

Kinamot ko muna ang ulo ko bago sumagot. Lakas ng radar ha.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon