Itnin o' talatin -32 (Reward)

393 19 0
                                    

"Let me be your hero
You can take my breath away"


Seb



Kumain kami ng agahan lahat katabi ko si Cram sa kanan habang sa kaliwa ko naman si Raya. Probinsya style since nasa liblib kaming lugar ngayon.

Inabutan ng kape si Raya nung bagong doktor na Isaac ang pangalan ata. Inabot ko agad kay Raya ang akin at pinagpalit ko. Mahirap na. Habang nakakunot ang noo nung isa na kinindatan ko nalang.

Nakakuha tuloy ako ng mahiwagang eye roll niya. Whatever.

Pasimple kung tinapon ang tinimplang kape ni Isaac at ibinuhos sa may damuhan.

"Hey at umakbay sakin".

"Hey, Thanks dudes sa pagsama dito". At naglakad kami papuntang sakayan para ihatid kami ulit sa pagdadausan ng medikal misyon namin.

Hindi pa kami nag usap ni Cram magmula kahapon kasi halos busy kaming lahat kaka ayos ng dapat gagamitin sa loob ng tatlong araw. Magmula sa tent hanggang sa mga pagkain.

Good thing is nagpadala si don Bruce ng assistant na mga pulis kaya todo bantay kami dito.

"Maliit na bagay" Tsaka isinukbit niya yung backpack niya at sabay abot nung akin.

We all wearing a wash day clothes. Pero may name tag naman kami sa bandang kaliwang dibdib. Ganun din yung mga doktor. In case para hindi malito ang mga tao.

Nakapwesto na kaming lahat sa tent na ginawa namin at maya maya lang dadami ng mga tao.

Naka upo din sa wakas. Sakit sa balakang. Nilapitan ko muna si Raya sa counter niya at inabutan ng mineral water na dala ko.

"Don't accept anything here, aside from me. ..Even coffee." Paliwanag ko sa kanya.

"Why?!" Iritableng sagot niya.

Sus kung hindi ka lang maganda at walang tao dito hahalikan kita eh. Pero sa isip isip ko lang yun. Hindi pa kami medyo okay magmula nung sagutan namin. Pero no choice naman siya.

"Just follow it and don't question me. And one more thing?".. Clueless niyang expression.

"What!"..

"Maganda ka pa din kahit moody ka".

I saw her blushing at dinampot ang kanyang stethoscope sabay hagis sakin mabuti nalang at runner ako.Muntik na.

Nakangiti akong lumayo sa kanya.Patay ako nito mamaya sa kwarto.

Pagkabalik namin sa bahay tulugan na tinutuluyan namin. Nakita kong may dalang pala yung kapitan ng baryo. Nilibing daw niya yung aso nila na namatay lang kanina. Kung bakit, hindi rin niya alam. Bigla nalang daw nangisay at bumula ang bibig.

It's not a coincidence, planado yun.

Sabay sabay ulit kaming kumain ng hapunan. I was scanning sa mga taong nakapalibot dito. Nang nahuli kong titig na titig si Isaac kay Raya.Ow something fishy dito sa bago. Siguro napansin niyang nakatingin ako. Kaya dali-dali siyang yumuko at sumandok ng kanin.

Isaac is a nerd guy. May salamin, nahati pa sa gitna ang buhok niya. Pero may itsura naman tong si kolokoy kung mag aayos. Since nerd guy to malamang matalino base sa mga pananalita.Literal na kumakain ng libro to siguro ng nag aaral pa. Kung tama ang research ni Cram, he is a biochemist too. Kung paano niya napag sabay wala na ako doon. Malamang sa malamang marunong magtimpla ng gamot to.

Interesting huh.

Dalawa lang kami ni Raya sa bahay tulugan namin. Habang magkasama naman din si Cram at yung doktora niya sa isang kubo din. Habang sama-sama yung mga lalaki sa medyo malaking kubo.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon