Itnash- 12 (Rain)

391 19 0
                                    


"Cause there'll be no sunlight
And there be no clear skies
If I lose you, Just like the clouds
My eyes will do the same
Everyday it will rain"

Seb

Hay nakakapagod ang maging stalker sa sunshine ko. Malakas din pala ang senses ng babaeng yun. Muntik na niya akong mahuli sa pagsunod-sunod sa kanya. At ginamitan pa talaga niya akong taktika nung isang araw.

Para hindi mapahiya dumeretso nalang ako kunwari. Pero nag u-turn din ako agad at sinundan ulit siya. Bodyguard ako eh. Siguro sa mga oras na to alam na niyang may bodyguard na naman siya but in a distance. Yun pa sa ngayon ang utos ni Don Bruce.

Maaaring sa mga susunod na araw ay pwedeng magbago. Tulad ngayon nandito na naman ako nagmamasid sa kanya habang kumakain sila ng co-doctor niya. Hindi ba napapagod ang sunshine ko bukod sa pagiging business woman ay doctor pa ito. Mio po! multi-millionaire na nga magulang nito. Lalo pang nag papayaman. Baka ito nga din ang CEO ng hospital na pinapasukan ko sa ngayon.

Oo pansamantala ako ngayon na nasa Tairi Memorial Hospital. Sa tulong ng mag kumpare si tanda at si Don Bruce. Nakapasok ako dito. Wait.. anu-ano pa kayang business ang meron ang pamilyang to. Kaya hinahabol ng mga threats eh.

Si Dra. Unique Raya Tairi ay isang Orthopedic surgeon/ Physical Therapist/Internal Medicine oh saan kapa kay sunshine kana. Bukod sa pagiging doctor may business patong hinahandle. Hay asawahin ko na kaya to.

"Good afternoon doc", galang bati ko sa kanya. Habang nagsusulat kunwari sa patient records at nakatalikod sa kanya.

"Afternoon!", at nagdere-diretsong lumakad papuntang office niya.

As usual the stoic and firm face pagdating sa work. Strict aura is bagay naman sa kanya.Mas lalo siyang naging hot para sakin.

Hindi naman siguro ako kilala nito mula sa pagsunod-sunod sa kanya ng ilang araw, yung sa elevator, about doon sa 4 years ago at lalo yung halikan namin sa batangas na nabaon nalang sa limot yun ni doc.

Maraming beses pa na hindi niya namamalayan na nakikita ko siya aksidente man o hindi.

Naging busy naman ako sa station ko at hindi ko namalayan ang oras ko. Uff..10 mins at out ko na pala. Pa out na din yung isa. I will not shock kasi inayos na to ni don Bruce lahat.

Mula sa break at out niya.Pati na din sa mga extra activities niya. Dapat naka sunod ako. Kumbaga I'm a ghost bodyguard sa ngayon.

Namataan ko na nga siya na papa out na. Habang papalapit siya sa station namin nag busy busyhan ako para hindi niya ako mapansin. Mahirap na ma bisto. Hay kahit tapos na ang duty ni doc amoy yves saint laurent pa rin siya. Ikaw lang talaga ang nagpapakilig ng nerve endings ng ilong ko doc.

Una na ako ate, paalam ko sa nurse doon at sinukbit ang aking backpack. Ingat daw ako sabi niya.

Nasa loob na ako ng aking sasakyan at nag aantay na lang lumabas yung isa para masundan ko. Teka, bakit hindi naka kotse to ngayon sa isip isip ko.

Uff sana hindi traffic ngayon. Kakasabi ko lang nung may nakita akong patak ng ulan sa front shield ng kotse ko. Goodness, pag minamalas ka nga naman oo.

Kasabay ng patak ng ulan ay iyong ngiti na labas dimple ng babaeng binabantayan ko habang sinasalo ng kamay niya yung patak ng ulan. What a smile sa isip- isip ko. Lord, hulog na ang puso ko lalo. Kasabay ng ngiti niya ang iyong pagdating ng lalaking lagi niyang kasama.

Kirot ng puso ko at ngumiti ng mapakla. Kaya naman pala hindi nag dala ng kotse. May date siya. Mas lalo siyang ngumiti ng halikan siya sa gilid ng labi ni mokong. Kasabay nun ay pag iwas ko ng tingin at yumuko. Masyadong masakit sa mata ang eksena yun. Hindi ko mawari pero mas lalo atang kumirot ang dibdib ko.

Lahat ng tanong ko ay nasagot nung dumating sila sa exclusive restaurant. Habang ako tamang sipat lang kasabay ng tunog ng ulan. Romantic isn't it? Sa isip isip ko. Kaya naman pala todo bihis ang sexy niya kaya sa dress na color yellow. Bakat ang hulma ng katawan niya.

Lucky man who is holding her waist, who witnessed her genuine smile, who heard her angelic voice, who touched her hands right now. And what a lucky man who dances with her with the solemn music right now. Just for the lovers only.

Wala na bang ikakasakit to sa ngayon. Imbis na umorder ay lumabas ako at doon nalang sa loob ng kotse siya hintayin.

Pero bago ako lumabas I check first the area.At wala man akong nakitang kahina-hinala. Secure first the treasure. So lumabas na ako ulit bago ko pa i-revive yung puso kong unti-unting namamatay.

I let out a deep sigh bago sila tinignan ulit kung may kakaibang bang kinikilos ang nasa loob. Good thing at mirror type tong resto na to kaya okay lang kahit nasa labas ako magmaman man.

Broken na nga gutom pa. Ayon buti may katabi tong coffee shop makabili ng sweets para naman sumaya saya ako kahit konti.

I ordered a chocolate cake with caramel at doon na lang kainin sa kotse habang nag mamatyag. I need an extra sweets tonight pampawala bigat sa dibdib.

After how many years at least uuwi na din sila. Matatapos na din duty ko sa kanya. Binaba lang si Raya ni mokong sa harap ng condo niya pero medyo malapit naman sa guard.

Pero bago umalis humalik muna si mokong kay Raya. Naka ilang quota na ba silang saktan ako ngayon at tsaka ako ngumiti ng mapait sabay tingin sa gilid ng bintana.

Matapos kong maihatid ng tingin si Raya papasok sa condo niya at alam kong safe na siya doon ay tsaka ako pumasok sa unit na pansamantala ko din uwian sa ngayon.

Ang bigat sa dibdib ng araw na to. Kahit wala akong dibdib.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon