"Don't tell me it's not worth trying for,
You can't tell me it's not worth dying for"Seb
"Celebration!!! Wooh." Sigaw ng nakapalibot saming area.
Nasa harap ko si Jeth at nasa gilid ko naman si Cram na walang ibang ginawa kundi pinag babato ang lahat ng pulutang pwedeng madampot.
"Problema mo?."Lingon ko kay Cram na nakasimangot at paminsan minsan tulala.
"Nothing." While shrugging her shoulder at inabot sakin ang isang basong tequila.
"Maka nothing ka dyan eh halos daig mo pa yung nagpa filler ng labi nakausli ang nguso mo!." Sabay iling ko at tingin kay Jeth.
Sumenyas naman si Jeth sakin ng patay sa gf niya while putting/slashing her index finger on her neck.Kaya ayon sama ng tingin sa isa.
Sila Jeth and Cram unang naging mga kaibigan ko nung na assign ako dito sa Habib Poly Hospital. Ka batch ko sila nung nag uumpisa palang kami bilang isang agent.Pinipili lang nila kung sino ang makakapasok or sasabak sa training.Tulad ko mga agent din sila. Nurse kami kung titignan pero special or Secret Agent kung kinakailangan.
Bilang lang sa daliri ko ang may mga nakakaalam sa agenda namin dito. Sa prestigious at high class na hospital na to sinong mag aakala na sa likod nito ay may ganito palang ganap. Hindi na ako magtataka kung paano napanatili ng malago at namamayagpag ang institution na to. Magaling at mautak si Dr. Diyab yung Medical Director ng Habib Poly Hospital.
Siya yung pinaka boss namin.Taga collect, execute ng mga datus or nag aassign kung sinong agent ang nararapat sa posisyon na dapat magresolba ng kaso.Sa madaling salita siya ang utak ng lahat.
I've been working here maybe almost 5 years na. Kaya kami nag cecelebrate kasi naresolved namin yung matagal na nabinbin ng kaso ng mga palpak ng mga pulis na humawak dati.
Kaya pala nakalusot at usad pagong ang kaso mismong hepe pala ang nasa likod. Ilan buwan din namin minamanmanan ang hepeng yun hayop sa galing mag tago ng ebidensya ang mokong.Pero oo nga naman magiging hepe ba siya kung hindi siya magaling pero well hindi kami secret agent for nothing.We're trained sa iba't ibang bansa para mahasa ang aming mga angking talento.Sa larangan ng iba't ibang weapons.Name it all, pero napagdaanan na namin yan lahat. Pero sa huli bayad at sulit naman ang aming pagod.
"Bok!" sabay taas at kampay ko kay Jeth sa baso niya na isang dekada na atang nakalapag sa mesa na hindi man lang nabawasan.
"Saan area mo niyan next week?"
"Ewan, kibit balikat niya maybe im on Pedia Department."At ni isang lagok ang tequila. Sabay hanap ng lemon.
"Oww, mukhang may maghahandle ng bata ah," asar ko kay Jeth.
"Bwisit!!" ayoko ko ng bata dude. "Well, talk to him habang may oras pa" refer ko kay Dr. Diyab.
"Sus, asa ka naman makikinig yun, sa asawa niya lang ata bukas ang tainga nun", sabay ngising peke niya.
"Then case close kumbaga" asar ko.
Himala tong isa hindi nakikisabat problemado ang loko tingin ko sa gawi ni Cram.Kung hindi ako nagkakamali si Cassy na latest gf niya yung problema nito.Problemado pa siya eh daig pa napkin kung mag palit ng babae to.Sa aming tatlo si Cram yung pinaka babaero.Hindi mo masisi may looks, money at fame din kahit papano.
Actually, lahat kami may ibubuga naman kaso pinagpala lang talaga kaming ibaba ang aming yabang kaya lowkey lang.So it's better to be simple para no hassle. Si Jeth yung pinaka sipang kabayo sa love life. May gf na six years na ngayon ay fiance na pala nag proposed na pala tong kumag last week. Simple dinner lang sa beach kasama family ni Jeth at nung gf niya na si Shen. Tas ayun na nga put the ring on it pinagmamalaking sabi niya sakin nung napag usapan namin kani kanina lang.
Im contented kung anong meron ako ngayon, silang mga tunay na kaibigan ko, pamilya ko ayos na. Gf nahhh, tigilan ako.
"Humanap ka na nga lang ng sayo Seb!", Cram referring to a ghost gf of mine.
"Dami mong kuda sakin eh", sabay bato nung mani na nailagan ko naman.
"Ulol, tigilan ako sa ganyan mo", back talk ko
sa kanya."Sus, sabihin mo napaka high standard ng puso mo. Sa sobrang taas walang height ng babae ang nakakaabot kahit naka heels pa", habang humahawak sa tiyan kakatawa.
Abay loko to ah anong nakakatawa.Bwisit tong Cram na to.Tawanan ba naman ako dahil ni isang nireto niya wala man lang akong natipuhan.Eh magagawa ko ba eh sa ayaw tumibok ang puso ko eh.
"Hoy, gago! Kaysa naman sayo makapalit ka ng babae daig mo pa nagpa commercial ng Jollibee isang tawag lang on the way agad!." Resbak ko sa kanya at inom ko sa basong may laman na alak.
Aba'y loko tawang tawa lang.Aminado ang kumag, iling ko at tungga sa basong may alak. Arghh.. pait! Hindi naman ako broken hearted pero bat parang ako ang may maraming nainom. Weew!
Nakarating ako sa condo na medyo hilo at bangag. God!, remind me na hindi na paghaluin ang JD at tequila next time sama ng tama eh. Kahit hilo, i manage myself to make my milk.Yes a milk, who says that milk is exclusive for babies from 0 month to 6 months nah tigilan ako mas bet ko yung gatas kaysa sa kape. Malamang nagpapalpitate ako kaya more on decaf ako eh.
Pahiga na sana ako but someone is calling.Damn, hindi ba pwede ipagpabukas to tipsy ako eh.Dis oras na ha. Sino kaya tong kuragtong na tumatawag. A crumpled form in my forehead. Si Dr. Diyab naka rehistro sa smart phone ko.
"I need you in my office at 1300hrs sharp tomorrow,Votrex!."
Tas totot na lang narinig ko.Wala man lang hello or hi baba agad. Pinaglihi ata si doc sa iguana or kabute eh,iling ko.
I know tomorrow will be a tiring and productive day because of the call.So better to sign off early kung maaga pa bang matatawag to.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
De TodoI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...