Talatash-13(Blessing in disguise)

345 19 0
                                    


"I loved you dangerously
More than the air that I breathe"


Seb


As usual nasa spot na naman ako kung saan makikita ko ng kabuuan si Raya at ang paligid pati si mokong. Wala akong alam kung anong profile nito ni moks.

Basta ang alam ko lang kasosyo daw niya to sa negosyo si sunshine ko. Mukhang I need a further investigation kay mokong ah.

Hindi ko man din matanong si Don Bruce kung bf niya to or fiancé kasi against naman na sa trabaho ko.Tsaka isa pa nakakahiya kaya sa magiging soon father in law ko. Hay nakakangarap ng gising na naman Seb.Tuya ko sa isip ko.

She's wearing a velvet skirt today tas may ternong stripe black and white long sleeve sa top naman niya. Weew pang model.

Kita ko ang kabuuan ng restaurant kung saan sila kumakain ng lunch ngayon. Nasa gitna sila samantalang nasa pinaka dulo at nasa gilid ako.

Kita ko lahat-lahat kung may kahina-hinala kaya sinadya kong pumwesto dito. Kita ko kung paano iserve ng waiter at nung lumapit na lalaki kanina ang strawberry juice ni doc. Pero wait parang may mali.

Papalapit na si kuyang waiter sana sa table ni doc ng sinadya kong banggain at tabigin ang dala-dala niyang juice at tumilapon.

"Ay sorry po", hinging paumanhin ko. At umalis sa pinangyarihan.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa loob at binilisan habulin ang lalaking naka black suit kanina na lumapit sa waiter.

Palinga-linga ako hanggang naarok ng mata ko yung lalaki kanina at lakad takbong sinundan siya sa papaliko papunta sa isang establishment.

Shit mura ko. Asan yung hayop na yun. Ayon at nakita ko siyang halos patakbong inakyat ang elevator. Damn nawala ang bruho. Muntik na si Raya.

I came back sa resto na parang walang nangyari at kinausap ang manager at yung waiter about sa nangyari.Sure akong may lason yun nilagay nung lalaki kanina na hindi alam ng waiter.Bilis ng kamay ni kumag halos hindi nga namalayan ng waiter at nung mga tao dito.

Mabuti at naging alisto ako muntik na.Sure akong may mga susunod pang mangyayari. Tama nga ang istema ko.They start their tactics now.

Natanaw ko naman na tumatawa pang nakikipag usap si Raya kay mokong. Haist maka order at makakain na nga lang at mukhang anytime they will leave.

Bumalik ulit ng hospital si Raya dahil may schedule siyang for operation ng bandang alas dos ng hapon. Habang ako nakatayo sa aking station at minamanmanan siya kahit sa sarili nilang hospital mahirap na din. Although high tech ang mga cctv dito.

Narinig ko sa paging system ang name niya. Need na siguro siya sa operating room or maybe gumala-gala siya.

Well ako ang scrub nurse niya so bantay pa din kahit malabong may pumasok na goons sa loob ng operating room.

Hinihintay ko na lang lumabas ang kotse niya tsaka ako susunod. I'm using my yamaha r15 para. It's easy to use o gumalaw if ever na may emergency or anything along the way.

Namataan ko na ang kotse niya at palihim siyang sinusundan at alisto ang aking mata. Nasa likod niya ako na hindi halos makita ng side mirror niya basta natatanaw ko lang ang kotse.

Malakas ang senses ni Raya eh. Pwera nalang pag traffic tsaka ako medyo lumalapit o dumidikit.

We're in the middle of the road ng may napansin akong black toyota camry tinted siya hindi ko maaninag kung sino nasa loob pero masama ang kutob ko. Hindi ko man lang napansin to ah. This is danger.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon