"Im hopelessly devoted to you
Since you push my love aside"Seb
Ilang beses ko na bang pinag-iisipan to. Kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Siguro pudpod na yung swelas ng sapatos ko kakaparoon at parito.
Wrong timing naman kasi eh. Bahala na si batman.
Limang beses ata akong nag buntong-hininga kung ipagpapatuloy ko ba ang nasa isip ko ngayon. First time tong pagpawisan ang noo at kamay ko. Mas mahirap pa to sa tanan misyon ko rati.
"Yes? Anything.?", hindi ko nga alam paano ako nakarating sa harap ng table niya eh.
"Ah doc, magla-lunch kana ba?, ayon na lang ang nasabi ko.
Nagtaka siguro siya na out of nowhere nagtanong ako ng ganun sa kanya.
Sabay tampal sa noo ko nung nakalabas ako sa office ni Raya. Mahirap pala sa isip-isip ko. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko.
Nagaantay nalang ako kay Raya para sabay kaming mag lunch pero mukhang hindi matutuloy. Bumisita si Miss bagtik andoon sa office niya. Akalain mong buhay pa pala yung kumag na yun.
Nakita ko nga silang sabay lumabas ni Raya at nilagpasan lang ako. Ouch ha, nauna kaya akong mag- aya. Pero wala eh hindi tayo importante. Nakalimutan niya atang mag-lalunch sana kami.
So sinundan ko na lang sila kung saang lupalop man sila pupunta. No choice eh. Trabaho ko to na kahit masakit sa dibdib ang makita siyang may kasamang iba.
Hindi ako lumabas at nag take-out nalang para doon kumain sa loob ng kotse. Masyado silang masakit sa mata tignan. Mahapdi sa mata na tipong mag kaka sore eyes ka. Ganoon tipo. Pero kita ko pa rin ang kabuuan nila at ang lugar. Mabuti at na-uuso ang glass wall sa panahon ngayon. Less hassle.
Entrance lang naman ang importante sakin kasi kinakabisa ko lahat ng pumapasok.
Tulad ngayon, may tatlong lalaking pumasok na naka suit at may dalang attached case. Masama ang kutob ko sa tatlong yun. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko't nilapag sa side seat at dali daling bumaba sa sasakyan ko papunta sa resto na kinainan nila Raya. Ngayon ko lang napansin na na hindi ordinaryong attached case ang dala nila.
More on lagayan ng baril. Wala akong paki kung may nasasagi ako sa daraanan. Ang importante maunahan ko sila sa gawi ni Raya.
Buti na lang dalawa ang entrance nitong resto nato. Ma swerte na ako.
"Excuse us!", sabay hablot ng kamay ni Raya.
Alam kong nagtataka si Raya sakin ngayon pati na si bagtik. Hilain ko ba naman ang ka-date lunch niya kuno. Bahala siyang mag-isip at wala akong paki sa pangalawa.
Inakbayan ko ulit siya at sinabihan wag na wag lilingon sa likod.
Dire-diretso lang kami hanggang makarating sa sasakyan ko ng may tumapik sa balikat ko.
Sinipat ko sa salamin ng sasakyan ko kung sino, yung isa sa naka suit pala kanina. Mabuti na lang at suot ko ang aking sunglasses at least hindi halata.
Habang unti unti kong niluwagan ang pagka akbay kay Raya.
Unti-unti akong lumingon sa lalaki at inambahan siya agad ng suntok. Una unahan lang yan. Ayon dumugo ang ilong pero masakit sa kamay ha. Tigas ng ilong ni mamang naka suit.
Matangkad at matipuno ang lalaki na typical goons.
Napaatras lang siya sabay bunot ng baril sa attached case niyang bitbit na may silencer pa.
Pero inunahan ko lang siya sabay flying kick sa kamay niya na may hawak na baril. Hindi ko madadaan sa lakas to mas malaki to kaysa sa akin. So babalian ko nalang o pupunteryahin sa lower extremities niya.
At sabay binaril sa bandang hita enough para hindi siya malakad at sinipa ang baril palayo sa kanya.
I dial Cram number asap.
"I need back up!", at pinatay ang cellphone ko.
Maya maya lang dumating si Cram kasama ang ahensya na pinagkakatiwalaan ni tanda.
Medyo nagkakagulo na din sa loob ng resto. Tinapik ko si Cram at tinanguhan lang ako bilang tugon. Alam na niya ang ibig kong sabihin.
Hinanap ko agad si Raya. Ayon buti nalang nakatago at nakayuko na naman sa sasakyan niya.Thank God at magkatabi lang pala yung sasakyan namin na naka park.
Kinatok ko yung bintana ng sasakyan niya. Ilan minuto rin bago niya binuksan nangingilala siguro.
"Let's have lunch. A real lunch honey". At kinindatan siya sabay baba ng sunglasses ko.Tulala pa din siya at di ko naman masisi.
Sasakyan niya ang gamit namin at ako na ang nag presinta na mag drive.Yung akin mamaya ko na kukunin pag may oras na ako.
Pagdating namin sa lobby ng hospital naging flash report agad yung nangyari kanina sa resto. Mabuti at hindi kami nasali sa balita mahirap na.
At pinundot agad ni Raya yung floor kung saan kaming department naka assign. Total iisang floor lang naman yung station namin at office niya.
-
Bago ko inistart ang engine ng sasakyan ni Raya. I called and talked Cram first. Tatawagan daw niya ako mamaya pag nasa bahay na ako. Hihingi lang akong update sa kasong hawak ko't mukhang marami siyang idedetalye sakin mamaya.
Yes, ako na maghahatid kay Raya sa condo niya or kung saan siya pupunta. Wag na siyang mag inarte nasa panganib ang buhay niya kanina na naman.
Tigas kasi ng ulo. Insensitive pa how come hindi niya naalala na na inaya ko siyang mag lunch kanina at sa iba pa sumama. Maktol ko sa isipan.
Hindi ko nga alam kung kaya siyang ipagtanggol ni bagtik pag nagkataon eh. Eh nanggigigil pa rin ako pag iniisip ko yun.
Sa mansyon tayo. Sabi niya at ikinabit ang seatbelt niya.
Driver na bodyguard pa. At pinasibad agad ang sasakyan niya.
Paano ko kaya maisisingit ang naudlot kong sasabihin sa kanya kanina.
Urong sulong naman ba't ba ako ganito.Mukhang mapurnada pa yun.
Tsk.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
AléatoireI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...