Kamsa'o ishrin -25(Triple Kill)

351 17 0
                                    

"There'll be no sunshine in my life
Until you say your mine
Somebody owns your heart
It can never be mine"


Seb

How ironic that I built my walls in a few days but you can collapse it by snapping of your finger? How come that you can stabilize my mind in an hour but you make chaos in a second?Believe me or not, but I'm head over heels into you. The form of your fingers, the way you sway your hands. The way you walk and talk, the calmness of your voice that always haunts me. The way your eyes smile when you are truly happy. Now tell me? Hindi pa ba ako hulog sa lagay kong to. Tangang huni ng isip ko.

At sinara ang laptop at inalis sa lap ko. Inopen ko nalang ang screen ng tv na konektado sa laptop para makita kung anong pinaggagawa nung isa sa loob ng condo niya.

Mabuti naman at hindi na siya natuloy pumunta sa mansyon nila. Some other time na lang daw. Good thing din at wala doon si Don Bruce baka magisa pa ako pag nagkataon.

Kamusta na kaya ang condo ko. Hindi ko na nadadalaw ng mga ilang buwan na rin. Pero pinapalinisan ko naman sa cleaner doon. Si Cram na din pinapacheck ko kasi wala talaga akong oras. Lalo ngayon todo bantay ako kay Raya ng hindi pa rin niya alam syempre.

Cram is calling...

"Okay.Sige.Thank you at ingat din!." at inend ang call.

Mabuti naman at medyo umuusad usad na yung mission ko. Gusto ko na talagang matapos to na dedehado ang puso ko.

Pero may isa pa palang problema eh. At napakamot nalang ako sa di makati kong ulo. Haist.

Binabaybay namin ngayon ang kahabaan ng daan papuntang mansyon nila. Akala ko ba hindi na muna siya pupunta ngayon. Isinama na niya ako just in case daw na may magtangka sa kanya at least maipag tatanggol ko raw siya.

Ayun naman talaga ang mission ko eh.

"Ah doc may gagawin ka ba next Saturday?", ngiwing tanong ko sa kanya.

"I don't know, why?", balik tanong niya sakin.

"Ah kasi po. Pause kong sabi ahh.. invite ko pa sana kayo umattend ng wedding ng friend ko. A simple beach wedding lang naman." Mahabang litanya ko.

"I don't really know but I will check my schedule first." Explain naman niya sakin.

"Okay po". Sabay cross finger na sana pumayag siya.

No choice ako pag hindi sasama to.Hindi rin ako makakapunta. Walang magbabantay eh.

Patay ako kay Jeth nito pag nagkataon. Next week na ang kasal nila. Wag na daw ako magpapakita sa kanila habang buhay pag wala ako roon.

Nakapasok na si Raya sa loob ng mansyon nila. Makikita mo sa antas ng buhay nila kung gaano sila kayaman. May bahay din naman kami pero mas talaga sa kanila. Semi modern arabs style ang disenyo ng bahay nila lalo akong namangha sa loob. Kahit nasa bukana lang ako ng mansyon nila Raya. Kulang ang salitang amazing kung tutuusin.

Napanganga na nga ako sa labas eh how much pa sa loob.

Iba talaga ang may angkan na multi-milyonaryo.

Hindi na ako pumasok kasi hindi naman ako kilala literally ng magulang niya. Except kay Don Bruce pero ilang pa rin ako. Iba aura nun eh daig pa ang mafia boss. Mas bolero nga lang ng konti kaya hindi ka maiilang pag medyo matagal tagal na yung pag uusap niyo.

I'm wearing my comfortable get up. All black with a red leather jacket as usual na akala mo laging naka motor.

Ngayon ko lang pala napansin bakit medyo marami ata ang naka park na kotse sa labas.

Baka may gathering sila magpamilya at bakit parang familiar yung isang kotse sa labas na kung hindi ako nagkakamali kay ano yun.

Maya maya lang ay nasagot na nga ang tanong ko. Lumabas ang naka suit na babae habang may hawak-hawak na kopita sa kaliwang kamay at todo alalay naman kay Raya papuntang veranda nila. Ah kaya pala todo bihis ang isa.

At bakit naman kasi dito ako nakapwesto. Bukod sa masakit sila sa mata tignan. Tagos pa sa puso ko. Punyetang araw naman talaga, oo.

Dehado na nga talaga siguro ako. Nahuhulog na ba ang loob niya kay Miss bagtik. Damn ayaw kong isipin yun.

Pero yung mata ko pilit silang tinitignan. Kahit salungat ang puso't isip ko. Ika nga sa kanta tuwid man ang tingin, lumilingon ang isip ko.

Kung ako ang tatanungin ngayon. Mukha naman siyang masaya. Yung tawa at ngiti niya na binibigay kay Zac smooth lang habang napapailing na lang ako. Parang may kumikirot sa dibdib ko. Masakit. Parang nanghihina ako sa sakit.

Lalo na yung ilalapit ni Zac yung mukha niya kay Raya.

Lumingon ako sa bandang kaliwa ko. Di ko na rin namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Napapangiti na lang ako. Ngiting masakit. Mabuti na lang at sumabay yung anino ng punong kahoy at medyo natakpan ang mukha ko.

Damn. Ano ka ba self, wala lang kaya yan. Sa isip isip ko at pilit pinunasan ang luha na tumulo na naman. Shit na malagkit masakit ha. Para naman na akong tanga nito.

Sa labas na lang siguro ako mag aantay sa kanya.

Nakapamulsa sa leather jacket ko't tumalikod tsaka lumakad palabas ng mansyon nila. Pupuwesto enough lang na makita ko pa rin siya kahit napakaraming gwardiya ngayon na nakapalibot sa kanila.

Misyon ko pa rin siya.

Tatawag naman yun sakin mamaya. Kanina ko lang din nakuha at ibinigay niya yung number niya sakin ng kusa.

Halos mag aalas onse na ng gabi at wala pa atang balak lumabas si Raya. Baka dito siya matutulog sa mansyon nila.

Kaya pumasok nalang ako sa kotse at doon siya aantayin kung uuwi man siya. Nakita ko ngang lumabas siya kasama si bagtik na hawak hawak pa din ang bewang niya. Sa unahan naman nila kung hindi ako nagkakamali mga magulang ni Zac yun.

Mas lalong tumambol ang puso ko masama itong nasa isip ko. Agam- agam na wag naman sana.

Nakita ko na lang na hinatid nila sila Zac at doon nga namatay ng tuluyan ang puso ko ng halikan ulit ni Zac si Raya hindi lang sa cheeks sa lips pa. Although it's a peck but still it's a kiss.

Double kill. Wala na bang ikakasakit tong gabi to.

Habang hinahatid ko sila ng tanaw. Ay siya namang paglapit ni Raya sa pwesto ko. Na ayon nga hindi muna siya uuwi sa condo niya. So tama nga ang hula ko na dito siya matutulog.

Ano pa bang magagawa ko tsaka umalis sa mansyon nila. No need na siyang bantayan doon napakaraming bodyguard nila. Yun din ang sinabi sakin ni Don Bruce pwede na raw ako umuwi ngayon gabi at bumalik na lang kinabukasan.

Kinabukasan nga ay bumalik ako agad, umaga palang ay nasa labas na ako.Gamit pa rin ang kotse ni Raya.Nag aantay at nag aabang na baka sakaling lumabas na siya.

Raya is calling...

Okay na lang ang naisagot ko at inend agad ang tawag.

Okay dakilang tagasunod at masid na naman ako.

Susunduin daw siya ni Zac at doon siya sasakay. Sa opisina sila dederetso.

At ayon nga nakita kong humalik siya sa pisngi ni Raya bago pinagbuksan ng pinto. Masakit na sila sa mata kahapon pa so binaling ko nalang ang paningin ko sa manibela at nag buntong hininga.

Triple kill.

Durog na ata ang puso ko. Umagang-umaga.

Worst morning ever. Oh tali Seb, bigti na o shot puno mamaya. Sabay patay sa car stereo. Bwesit!


Car stereo:
🎵Ang beer na to o ang pag- ibig ko..🎵

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon