Itnin'o-ishrin - 22 (Jelly Ace)

385 23 0
                                    



"Killing me softly with her song"

Seb


Nagsusulat ako ngayon, documentation para doon sa patient na ni-rounds ko kanina kasama ang bagong surgeon doctor na si doctora Nouf. Siguro sa sobrang busy ko hindi ko namalayan na nasa likod na pala siya.

Siguro bata ng dalawang taon or tatlong taon si doc sakin around 25 or 26 lang siya. Matangkad, may lahing indiana na mestiza.

"Oh hi doc. Kailangan mo po yung patient records?", I ask her politely.

"No", Sabay wasiwas ng kamay niya. I just want you to ask if you can join me in a lunch". Dugtong niya pa.

I was shocked at first of course, sino bang hindi. Rainbow flag din ba to si doc. Kung oo, eh di welcome to my blog.

Kamot-kamot ako ng ulo. Hindi ko alam kong oo ako or hindi. Kasi may assignment akong binabantayan. Hindi ko pa nakikita yun magmula ng pumasok sa office niya.

"What time po doc?", tanong ko ulit sa kanya.

"As long as you're free, Seb. Do fine with me" nakangiting sabi niya.

Tinignan ko naman yung oras ko. Maaga pa naman 10:36am palang naman. Sabay ko nalang siya sa oras ng break ni Raya.

"Sige, later po doc. Puntahan nalang po kita sa station niyo", galang kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya at nagpaalam na.

Naka eyeroll na tinitignan ako ni Joy. Pag siya daw ayaw ko daw samahan pero pag chicks daw oo agad ako.Nandito na pala tong sawang to. Kabute talaga to bigla bigla nalang sumusulpot.

Nagsitawanan na lang yung ibang nurses sa amin. Sinabihan pa siya ng headnurse namin na maligo daw muna siya ng ilang beses para pumayag daw akong makipag lunch sa kanya. Ayon yung isa bitbit ang patient records at biglang chineck ang assign patient niya. They'll know na I'm into girls and they respect that even sa hospital ni tanda alam nila lahat doon.
Syempre doon kami nagtagal nila Cram at Jeth.

Napailing nalang ako.

Hindi ko naman mahindian kasi doctor tsaka bago lang dito. Baka nangingilala palang. Bago din naman ako dito pero no one can't resist my charm kaya medyo close ko na lahat. Ay may isang tao palang naka resist. At ayon..

Naglalakad na papunta sa ward namin.

I'm staring at her right now. She's wearing a blue scrub suit tas naka sneakers, Calvin Klein na sapatos plus lab gown niya. Nakakunot ang noo ko ng nakita kong hindi naka butones ang lab gown niya. Medyo lumulundag kaya yung breast niya pag naglalakad siya.

Hindi ba nito alam na matakaw siya sa mata ng mga tao.

Hindi ko din napansin na na kalapit na siya at ang sama ng tingin sakin. Ano bang meron sa babaeng ito ngayon. Sa pagkakaalam ko maayos naman ako nagtatrabaho wala din patient na nagrereklamo. Pero yung mata niya kulang nalang lumabas ang kidlat at tamaan ako.

Seryoso. Meron ba tong period ang soon wife to be ko.. pinagsawalang bahala ko na lang. At tinawag ang head nurse namin. Magra-rounds daw siya.

Usually pag nasa mood siya ako ang sinasama niyang mag rounds pero ngayon yung head nurse namin. Ay naku bahala nga siya dyan.

Malapit ng mag lunch kaya pumasok ako sa office ni Raya ng walang katok-katok. Yun busy kaka sulat ng patient information sa papel. Lumapit ako sa tabi niya at binutones ang lab gown niya. Yun nasa loob niyan is exclusive lang sakin. Possessive eh.

I don't know pero gusto ko siyang ipagdamot kahit alam ko naman na very close ang scrub suit na suot niya.

Nagulat siya at first at inikutan lang ako ng mata. Hindi na din siya nagsalita pa at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Hinalikan ko siya sa ulo sabay alis at sinabihang almost lunch na. Sinabihan lang ako ng so daw.

Sungit eh. Pasalamat ka... hay naku naman. Mahirap sabihin.


Nasa sasakyan ko ngayon si doc Nouf syempre nakasunod ako kay Raya ng hindi niya namamalayan. Kasama niyang mag lunch si doc Ricca na isang cardiologist.

Ito lantarang lesbian talaga si doc. Gupit at bihis lalaki. Kung bago kang employee sa hospital akala mo lalaki siya.

Feel ko talagang may gusto to kay Raya eh. Yun yung mga naririnig ko sa ward namin.May itsura din naman si doc ricca. Pero syempre lamang ako no.

Ayos nasa malapit lang din kami ng hospital. Mostly kumain dito mga doctor at staffs galing iba't ibang hospital.

Nakaupo na kami ngayon ni doc Nouf sa tabi ng bintana, dulo nga lang. Para malaya kong nachecheck ang pumapasok at si Raya kung may kakaibang mga gawain sa loob.

Bale nakatalikod si Nouf sa pwesto nila habang nakaharap ako o magkaharap kami ni Raya.

She seems irritated halata sa bagot ng mukha niya. Hindi ba siya masaya na kasama niya yung heartthrob kuno sa hospital nila. Kahit lesbian si Ricca maraming nagkakandarapa dyan. Pwee.. babaero.

Naka order at kasalukuyang kumakain na kami ni Nouf, spaghetti lang naman inorder niya. Basta ako kanin.

Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na may sauce siya sa gilid ng labi niya. So I pick the table napkin and wipe the sauce near her lips.

Binigyan niya lang ako ng hiyang ngiti.

Ngingiti na sana ako pero naging ngiwi ng pagdako ko sa kabilang side nila Raya halos di maipinta ang mukha niya. Kinamot ko yung hindi makati sa batok ko.

Kulang nalang tusukin ako ng tinidor na hawak niya ngayon. Bakit na naman ba.

Hinatid ko si doktora Nouf sa station nila. Dahil binilhan niya din ng ibang pagkain ang kasamahan niya so ako na ang nag bitbit. Tinanguhan ko lang si doc Ricca ng malagpasan ko siya sa single chair nila.

Puro kantyaw lang ng mga co-doctors ang nakuha ko pagkatapos kong ilapag ang supot na binili ni Nouf para sa kanila.May pahabol pang ang bilis ko daw kumilos.

Dali-dali akong nagpaalam ayaw kong ma hot seat ng wala sa oras. At sa walang kwentang bagay.

Naging busy ako sa station namin. Marami din inasikaso na documents si Raya dahil ilang araw din siyang nawala ay... kami pala. Ilang minuto nalang at uwian ko na. Waiting sa next nurse nalang at e.endorse ko sa kanya ang to continue medication at procedure na gagawin pa.

Boses ng head nurse namin ang nagbalik ng diwa ko nang sabihin niyang pinapatawag daw ako ni doc Raya sa office niya. Bakit kaya?, tanong ko naman sa sarili ko. Ah si Raya pala kausap niya kanina sa telepono.

Akala ko naman hahabol pang emergency eh pa out na ako.

Hindi na ako kumatok at dere-deretsong pumasok sa office niya.

Pag kaharap ko mismo sa table niya hinagisan ako ng hindi ko malaman kung ano. Plastic siya for sure. Masakit kaya, tumama sa hindi kalahikang kong dibdib. Seryoso ano bang problema nito ngayon.

Kainin ko daw para magka diabetes at maging sweet pa ako lalo sa lahat ng mga magagandang doctor sa buong hospital. Pagkatapos niyang sabihin yun. Tsaka tumayo at pumunta ng washroom sa office niya.

Ako tulala sa mga pinagsasabi niya. At inangat ang binato niya sakin. Lumaki ang mata ko...

Isang plastic ng Jelly ace candy.

Bata ba ako?!. Tsaka kinamot ang ulo ko.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon