"I would die for you.I would lie for you
Keep it real with you. I would kill for you"Seb
Katatapos lang namin mag meeting nina Don Bruce at tanda. At hindi ko gusto ang magiging susunod na hakbang ng mga kalaban. Mukhang balak nilang ipatumba si Don Bruce or isa sa mga anak niya.
Ang punterya ay si Raya. Mukhang need kong mag doble ingat. Pagkatapos kong icheck ang laptop ko kahapon.Tama nga ang hinala ko.They will do anything para lang makapasok sa condo ni Raya.
Mas mabigat to kaysa sa dati kong misyon sa kanya may apat na taon na ang nakaraan.
Si Cram muna ang pinalit ko sa palihim na pagbabantay kay Raya since I had an urgent meeting kina tanda at don Bruce. Sa ngayon nasa hospital siya at wala sa kompanya niya.
Kinuha ko lahat ng information ang pumapasok at labas sa building ng condo ni Raya. Madali na lang sakin kasi may access si tanda at don Bruce dito. Tsaka chineck isa-isa ang cctv. Lalo na dun sa lalaking pabalik balik or ilang days palang sa building na to. Hindi lang isa ah tatlo sila.
What's their plan? As of now. I will play their game but I will not give them the prize they want. And that's Raya.
Katatawag ko lang kay Cram para mag check sa pansamantalang mission niya. Mas okay pa daw sa alright sabi pa niya.
Sunod kong tinawagan si Jeth para doon sa lalaking may ilang linggo ko ng nahuli. Pero masamang balita lang ang narinig ko.
Patay na yung lalaking na engkwentro ko sa resto dati. Iisa lang kutob namin pareho ni Jeth. Sinadya siyang patayin.
Habang pahaba ng pahaba ang araw ay siyang paiksi ng paiksi naman ang pasensya kong malaman kung sino ang nasa likod nito. As of now blangko. Walang umaamin sa mga nahuhuli namin. They will kill themselves kaysa magsabi samin ng impormasyon.
Nasa labas ako ngayon ng Tairi Hospital at inaabangan si Raya. Uwian na niya at alam kong nakasunod pa din sa kanya si Cram. At ako naman naka distansya lang. Ewan, feel ko siyang ihatid ng tingin ngayon.
Maayos naman ang byahe namin not until may isang dodge car na kulay red ang humarurot patungong sasakyan ni Raya. Napansin din pala ni Cram yun. At hinarang din ang dodge niyang sasakyan. Nice one Cram.I will pay the damage later.
Cram is calling..
So I pressed my smart watch that connected to my earpiece.
"Votrex, I know you're following us.Get out and overtake. Ako ng bahala dito. Secure your assignment first".Mahinahong sabi ni Cram.
Hindi na ako magtataka kung alam ni Cram yun. She's an agent for God Sake. Halos iisa lang ligaw ng utak namin.
"Copy that. 10 meters left and right", bago ko i-nend ang tawag.
Mga dalawa o tatlo ata ang nakasunod sa kanila. Hindi ko alam pero feel ko medyo madami sila. Mabuti na lang naiisip kong sundan si Raya.
Nag overtake na ako papuntang sasakyan ni Raya pero bago ako makarating doon. May narinig akong putok hindi sa gilid ko kundi doon sa sasakyan ni Raya. Mabuti nalang din at sinundo siya ng driver nila kanina na may kasamang dalawang bodyguard.
Damn, marami nga sila. May tatlong naka motorsiklo pa. Nakita kong nakahinto na yung van na sinakyan ni Raya. Hindi ko alam ang nangyayari sa loob.
So minadali kong e.overtake ang motorsiklo ko sa mga sasakyan nag rambulan. My concern most is Raya's safety.
Naabutan ko siyang nakayuko at nanginginig na naman. Habang yung isa niyang bodyguard my tama na sa tagiliran.Hindi ko alam kong buhay pa yung driver nila. Pero mukhang humihinga pa naman. Kinakatok ko yung salamin nila at itinaas ko yung shield ng helmet ko para hindi siya matakot na ako lang to.
"Raya!, hop in", may pagmamadali kong utos. Make it quick", pahabol ko pang sabi.
Kailangan kong bilisan at any moment susulpot yung mga kalaban.
Without any thought naka back ride na sakin si Raya at mahigpit na humawak sa bewang ko. How sweet naman kahit nasa peligro na kami ng buhay namin.
Sinipat ko side mirror na may nakasunod samin.Naka motorsiklo rin.
"Honey, sit in the front!," pasigaw kong sabi sa kanya.Kasi alam kong may mga baril sila. Mas mahihirapan akong idepensa ang sarili namin dahil inaalala ko siya. At anytime magpapaputok sila.
Hindi ko alam kung paano napunta si Raya sa harap ko basta ang importante makakilos na ako ngayon ng medyo maluwag. She's in striding position. Mabuti at naka slacks siya.
It feel so secure when she hug me. Tipong ang sarap ng yakap niya. Ang sarap pag nasa ibang sitwasyon sana kami.
"Hide on me honey and no matter what happen don't open your eyes", pagkatapos kong sabihin yun.
Tsaka ko hinugot ang baril sa gilid ko at nagpaputok sa likod ko. Tumba yung isa at sumemplang. Two goons more.
I'm running na sobra sa ipinagbabawal na kph ng batas kalsada. But what can I do? Her life is at risk here. I will protect here no matter what kahit buhay at katawan ko pa ang kapalit.
Hindi ko matatakasan ang dalawang kumag na to. Racer to base sa pagpapatakbo pa lang ng motor at sanay sa mga baril din. Oh they hired an amazing goons. Tuya ng isip ko.
I am running as fast as I can at nakasunod pa din sila. Damn nadaplisan ako sa balikat pero gasgas lang yan. Nauubusan na ako ng pasensya sa kanila. I will show them what's the real game.
"Hold on tight honey", habang binubulungan si Raya na nakapikit pa din.
After kong sabihin kay Raya yun.Pinag drifting ko yung motor at nag u-turn tas sinalubong ko ng putok yung dalawa. Nagulat siguro sila sa ginawa ko.
Kumikirot na ang balikat ko. Pero hindi ko pinahalata kay Raya at baka mag panic lalo.
She's still hugging me habang mabagal na akong nagpatakbo papunta sa condo niya.
I'm savoring the night with her in this kind of position and situation. The hug still tight na para bang pag niluwagan niya ng yakap ay mawawala ako. Kahit alam niyang stable na kami.
"Bakit mo sinalo ang bala? Stupid!", sermon niya sakin habang ginagamot ang balikat ko.
Ewan ko pero tawang-tawa pa din ako kahit sinabihan niya na akong tanga. Yung katumbas ng stupid na sinasabi niya ay mahal kita. Nangingiti pa rin ako. Ako lang siguro sinabihang tanga na kinikilig pa.
I kiss her head.
"Enough payment for telling me stupid", habang nangingiti pa rin sa kanya.
Siya busy padin kaka first aid sakin. Kung siya man lang ang gagamot sakin.Willing akong sumalo ulit ng bala para sa kanya. Kahit paulit- ulit.
She prepared rice and chicken plus potatoes with garlic and veggies salad. Oh perks of being a doctor and chef and being my wife..... to be. Gusto ko nalang sumalo ulit ng bala kung ganito siya lagi ka sweet. It was too late for our dinner but I think this was the best dinner I had.
She prepares her night routine kahit almost late na.
"Just take a rest Raya. I will watch over you.", sensirong sabi ko.
"Thank you with all my heart, Seb. For protecting me always at any and all costs." Then she kissed me near my lips.
Ako ito natulala. Kahit ilang segundo na siyang wala sa harap ko.Shit, para akong teenager na kinikilig dahil tumingin sakin ang ultimate crush ko.
Kahit naman hindi niya sabihin yun. I will protect her at all costs. Kahit pa kapalit buhay ko. Cliche as it said but wala eh tinamaan ako higit pa sa bullet gun na totoo.
Habang tulog si Raya I check her whole area. Actually hindi naman to kalakihan sabi niya sakin dati. Enough siguro sa limang katao ang pwedeng tumira dito. Well wala akong magagawa kung napaka humble niyang nilalang kahit multi millionaire ang ama niya or pamilya nila.
I wonder kung paano nga ba maging girlfriend si Raya. Maka wonder naman ako hindi ko nga alam kung may bf/gf to eh or worst fiancee . Pero hindi naman siguro siya makikipag make love sakin kung meron. At hindi naman siguro niya ibibigay ang V niya diba?. Ang gulo ng isip ko mas magulo pa sa misyon ko ngayon.
Kailangan ko na talagang bilisan tong misyon ko.
BINABASA MO ANG
White Love: Uhibbuki
RandomI saw you from a distance.Talking to someone I don't know. I'm jealous because you smile easily. Smile, that is up to your eyes then my knees weaken and shake. I'm falling slowly in the distance with you by the way. I'm falling, so please catch me...