Talata o arbain- 43 (Uhibukki)

724 23 1
                                    

"If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever, so clearly"




Seb



"Rasp." Tawag ko sa isang kambal namin.

"Psst."

Sitsit ko pa.

Sa dalawa, si Rasp yung tipong laging on the go at maliit na version ko.

Pero yung kambal nito akala mo dalaga na kung umasta. Ewan mana talaga kay Unique yun.

Tamo 'to siya wala pa nga akong sinasabi naka busangot na. Tamad-tamad.

"What umma?" Pabagot niyang sagot sa akin with her rolling eyes na nahawa na yata sa kambal niya. May kamot pa sa leeg na kasama.

Mana ka talaga sa nanay mong isa. Sabay tingin sa orasan na nakadikit sa wall namin. Alas 10:37 na pala ng umaga.

"Wag mo akong ma what what dyan. Ka bata-bata mo pa napaka tamad mo na." Tinaasan ko siyang kilay sabay lapag ng cellphone kong hawak.

Tumayo ako't lumapit sa kinaroon niya binigyan siya ng matunog na halik sa pisngi. Nakangisi akong pinagmamasdan siya.

"Ummmmaaaa!!!" Sabay punas kunyari ng pisngi niya. "Yuck! Laway niyo po."

Di madisturbo sa one piece niyang pinapanood. Well, mana ka talaga sa akin. Pati sa hilig ko.

"Anong episode kana?" Tumabi sa kanya inusod ko ang unan na nasa gilid niya.

Kahit alam ko at nakikita ko naman na nasa episode 989 na siya.

"Shhhh. Ang ingay mo ma." Tutok pa rin sa flat screen na mukha ni Luffy ang nandun.

Magsasalita na sana ako pero nabitin pa.

"Tapos na ako ma, sa assignment ko. Sa pagligpit ng bed ko. Sa arts na pinapagawa ni ummi pati yung magiging next assignment na ibibigay ni titser sinagutan ko na rin." Pero yung tingin di na alis sa flat screen inayos lang konti ang anti-rad nyang eyeglasses. "Saturday po ngayon." Dugtong niya pa.

Napangiti pa ako kasi kilalang-kilala niya na ako. Sabi ko nga sa isip-isip ko. Haist. Hirap palakihin ang kawangis mo. Napapailing pa ako.

"Sabi ko nga."

Mana sa nanay.

"Umma?" Seryoso pa rin siyang nakakatutok sa flat screen ng lumingon ako sa kanya.

"Yes, baby?" Sinalabay ko yung right arm ko sa kanya. "What is it?"

"You know what's uhibukki?" Seryosong tanong niya at lumingon na sa akin.

"Don't have any idea. Why?" Ganti ko sa kanya. "Ask your ummi, baby baka alam ni mommy mo."

Jusko. Ganun na ba tinuturo sa school. Weird word.

I slowly tap her head. "Assignment niyo ba?"

She shrugged her shoulders. "Nevermind, mom."

"You sure?" I replied.

Kumamot muna siya sa tuhod niya mannerism niya 'to pag may gustong sabihin eh. After ng tuhod sa ilong naman. Tas ilalagay ang index finger sa chin niya then ayon magsasabi na siya.

"Kasi po yung gi.. girl ko na kaklase kasi ma."

See.

Natawa nalang ako pero di ko pinahalata kasi baka maudlot may ugali pa naman 'tong pag pinagtatawanan mo di na itutuloy ang sasabihin kahit iiyak kang dugo. Ewan saan ba nagmana 'tong si Que.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon