Hidash-11 (Distance)

417 17 0
                                    


"Tell me how to win your heart
for I haven't got a clue
But let me start by saying, I love you."

Unique

Feel ko talaga parang may nakatingin sakin kanina pa. Hindi ko mawari pero diba minsan parang yung senses natin basta-basta na lang gumagana. Paglingon ko sa gilid ko wala naman. Lingon sa likod wala din.Tingin sa harap mas lalong wala. Normal na gawain ng mga tao pag nasa coffee shop.

"Vince, may napapansin ka ba magmula kanina?, tanong ko sa kasama ko.

"What do you mean ba?, balik na tanong niya.

"Nevermind," then shrugged my shoulders.

Halos umabot kami ng mga tatlong oras dito sa coffee shop na to. It's okay cause my cousin owns this establishment. Kaya kahit mag umaga pa ako dito. No problem.

I was about to enter my car ng may napansin akong bulto ng babae. Quiet familiar. When or where that's I don't know. Goodness ano bang meron yung araw na ito at puro question mark ang parang nangyayari. Parang may hindi tama.

Habang binabaybay ang daan may napapansin akong nakasunod sakin. Naka motor siya. Hindi ko maaninag kong babae or lalaki kasi naka all black suit tas helmet medyo malayo naman sa distansya ko. Pero sa itsura niya lalaki malamang. Lalaki lang naman ang may kakayahan mag ganyang outfit. But who knows sa panahon ngayon. Anyhow, kung sino man siya wala akong paki.

Pero kanina pa talaga to eh nakasunod sakin sa coffee shop palang. Sino ba tong damuhong to. May naisip ako sana gumana. Nung may nakita akong intersection lumiko ako. Kahit out of my way lumihis pa din ako. Just to check that if that motorcycle is following me. I felt relief when it going straight. Akala ko kung ano na.

Nakarating pa naman akong buo sa mansyon namin. Hindi ko din alam ano bang meron at may mga bodyguard na naman na nalalaman si dad. My father owns an oil and gas plantation all over the world. It's all about petrochemicals, gas chemicals and all chemicals minsan nagbabase pa siya middle east. In short ang kompanya ni dad ang nag susupply sa buong mundo. Kaya bihira lang siyang mag pirmi dito. Bukod dyan si mom naman may business din. She's the CEO sa clothing industry and beauty's product niya.

"Unique, where have you been?", malambing na wika ng aking ina.

"Sa coffee shop ni noura mom with vince", at kiniss siya sa cheeks.

"It's a miracle mom that you are here.You take your rest day?", then umupo sa sofa sa tabi niya.

"Anak, its saturday and i miss doing chores here", at tumayo papuntang kusina.

Ow natampal ko ang aking noo. Damn, am I too busy with kahit ang araw? I didn't recognize it. question ko sa sarili ko.

Magbabake lang naman ng banana or orange cake yan si mom. I wonder kung uuwi sila kuya rito.


Makalipas ang isang linggo. Nasa condo ako umuwi nakakatamad kayang baybayin ang mansyon namin. I don't know why pero tinatamad lang akong matulog sa mansyon. I will be there later cause may pag uusapan daw kami ni dad. Hindi ko alam kung bakit. Baka about sa business na naman siguro.

Pagod akong sumalampak sa bed ko ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na sana sasagutin matapos mamatay ang tawag pero tumunog ulit. Argghhh.. who the hell is the caller ko ba. At dinampot ng hindi chinicheck kung sino siya.

"Hello!", Pagalit kong sagot. Istorbo sa siesta time ko eh.

"So i think I disturb someone today", at tumatawang sabi ni dad.

" Dad?", patanong ko naman sabi at ngumiwi.

"Yes anak, just don't forget about the dinner later", at inend ang call.

Sus paano pa ako makaka idlip nito. So i decide to take a bath.I wear a comfortable clothes dress lang naman hanggang lampas tuhod at nakalugay ang aking wavy hair then put some blush on and lipstick then perfect.

I'm about to press the basement floor of the elevator ng may humarang na kamay. Babae malamang, naka ripped jeans, naka blue na t-shirt, leather jacket na black at naka blue cap na may nakalagay na unggoy sa gitna. Cute sa isip isip ko... ng cap. Hindi ko maaninag kasi naka harang ang cap sa mukha. Naka mask siya at sun glasses. Wait bakit ko ba siya chineck. First time.

Papalabas na sana ako ng elevator ng naunahan akong lumabas ng babae kanina. Oo dalawa lang kaming nakasakay. Nabangga ako sa balikat kasi sumabay siya paglabas ko. Antipatika tong bruhildang to. Hindi man lang nag sorry. Bwesit siya.Masakit kaya ang pagbangga niya.

I start my engine at tinungo ang mansyon namin. Nasa kalagitnaan ako ng daan ng may namataan na naman akong motorcycle na parang may sumusunod sakin. Really or baka guni-guni ko na naman lang to. At iwinaksi ang nasa isip ko at nagpatuloy mag drive.

"Hey dad," bati ko kay dad at halik sa pisngi. Matipuno pa din si dad kahit may edad niya.

"Hi Anak, you are already here. Why the sudden change of mind?", tanong niya.

"Dad, you disturbed me in the middle of my siesta so why not come here and beside it I can't take my nap anymore. So I drove here early". Sagot ko.

"Okay and it's better then." Sabi din niya.

"What is it all about dad?, takang tanong ko sa kanya.

Alam kong may sasabihin to eh. Hindi na ako magtataka. Kung tungkol saan ay yun ang hindi ko alam.

"Later anak", at inakbayan ako papuntang dining area.


Nanggigil pa din ako kay dad. Matapos namin mag usap usap sa dining area. Wala naman akong magagawa kasi buhay ko daw ang nakasalalay dito. Damn this life, oo. Binalik na naman niya yung body guard thingy matapos ang apat na taon ito na naman. Wala kaya akong kalayaan pag may ganito na naman. Kahit saan ka magpunta bubuntot at bubuntot sila sayo. Daig ko pa presidente ng pinas.

But the twist is I can freely move sabi ni dad. Hindi ko siya ma-gets eh di sana hindi na siya nag pa bodyguard sakin.

What a life!

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon