Si'tash-16 (Hypoxia)

346 15 0
                                    


"Buttercup don't break my heart"


Seb

Matulin na araw ang lumipas habang patuloy pa din ang pagmamanman ko kay Raya na hindi pa din niya alam. Nag aantay lang din ako kay Don Bruce at tanda kung anong balak nilang gawin sakin.Nasabi ko na din ang nangyaring insidente sa mall.

Malamang din nasabi na din ni Raya sa dad niya. Pero sinabi lang ni Tanda sa akin I know they can trust me daw. By hook or crook daw I can protect Raya.I don't know bakit nila nasabi yun. Nagsa walang kibo na lang din ako.

Habang lumilipas ang araw unti unti na talaga akong nahuhulog kay Raya at hindi pwede to.

Sa side niya hindi ko masasabi kasi hindi naman kami araw-araw nagkikita.Siya oo, pero ako around the clock ata akong nakabantay.Nang hindi niya alam.

I don't have any guts na pag usapan ang nangyari samin may dalawang linggo na ang nakaraan.Hay naku, ewan ang gulo.Mas magulo pa sa wiring ng computer.

Really, she act like nothing happened between us pag nakasalubong kami sa hospital.

Tulad ngayon kasabay niyang kumain si Ms.Bagtik na naman.Seryoso wala ba tong trabaho si kuragtong na to.Sakit sila sa mata at tainga.

"Hoy seb, panis na ang pagkain mo kakatingin kay doc Unique at doon sa kasama niya", siko sakin ni Nurse Joy.

"Ah panis na ba? Ilan araw na ba tayo dito sa cafeteria?", ganting biro ko sa kanya.

"Baby naman eh sungit mo",sabay yakap niya sa braso ko.

"Baby your face!", na kinasimangot niya lalo.

Ewan ko ba dito sa babaeng to maka baby sakin eh hindi naman kami magjowa. Alam kong bisexual si Joy at alam ko din na may gusto to sakin.Pagsasawalang kibo ko na lang.Not my priority now.May mission pa ako.

Sakto naman nakahilig ang ulo ni nurse Joy sa balikat ko ay ang pagdaan nila doc sa gilid namin.Kung nakakamatay lang siguro ang tingin niya.Bulagta na siguro ako at ang impaktang nahilig sa balikat ko ay pinaglamayan na.Yung kilay ni doc mas mataas pa sa skyway na pinagawa ni tatay digong.

Problema noong isang yun. Minadali ko na din ang pagkain namin at pabalang na inalis ang ulo ng impaktang to. Tignan lang ako ng masama saying problema mo. Nasabi ko nalang tapos na yung break wag siyang mag inarte na dyan. Andun na yung assignment ko kanina pa sa taas.Hindi pwedeng mawala sa paningin ko yun.

Hanggang sa taas nakikipag harot pa din sakin si Joy impakta talaga to nasa duty kami eh.Habang nagsusulat akong documentation sa patient record.Naka angkla padin si Joy sakin.Bigwasan ko kaya to.

Isang tikhim ang narinig namin sa likod. Tikhim palang kilala ko na.

"Hi doc!", bati ng head nurse namin.

"Yes hi!, what time is my next operation?", tanong niya sa head nurse namin.

"3:30pm po doc, scrub at circulating nurse niyo po si Joy at Seb", ganang sabi ng hn namin.

"Okay, remind me later. And by the way what's your name again?.Facing to Joy with crossing arm pa. Flirting is forbidden here pointing finger down sa floor." Sabay alis papapunta sa office niya.

Ako natawa at yung head nurse namin. Yung isa nakayuko na hindi malaman ang gagawin.Sabay sabing samin may mens si doc no.

Hay naku doc, mag opera na lang tayo para mawala ang pagsusungit mo ngayon araw na to.

I'm waiting specifically sa lobby ng hospital, inaantay si Raya. Wala siyang kotseng dala ngayon oo alam ko kasi hinatid siya ng driver nila kanina. Malamang dahil sa coding siguro or hindi ko alam.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon