Ashra-10 (Thorn)

431 18 0
                                    



"I'd catch a grenade for you
Throw my hand on a blade for you
I'd jump in front of a train for you
You know I'd do anything for you"


Seb

Halos tatlong linggo na din ang nakalipas magmula ang nangyari sa Batangas. Tatlong linggo akong hindi halos makatulog ng maayos dahil sa nangyari samin. Swerte nalang kung maalala niya yung halikan portion namin o hindi. Pero sino bang niloloko ko, maalala man niya yun o hindi wala naman sa kanya yun. Aasa pa ba ako.Hay buhay, oo.

"Hoy seb, oiiiiii!," pinapatawag ka ni Dr. Diyab si Nurse Tally.

"Bakit daw ba?", tanong ko.

" Abay ewan ko", kibit balikat niya.

"Sanay tinanong mo ng hindi na ako pumunta doon", lokong sagot ko.

"Eh kung hambalusin kaya kita ng BP apparatus ng makita mo!," gigil na sabi niya.Punta ka na doon. Bwesit ka.

Ang highblood naman nito ni Tally.Talian ko kaya siya.

-

"How's everything Votrex?", Si tanda. Habang nagsasalin ng alak sa shot glass niya.

"We are doing great, man."I politely replied.

"Clock is ticking Votrex and I guess I gave you enough time to clear your mind. Fix yourself and you know what you will do", maotoridad na pagkasabi niya.

Yeah I need to ready myself.This is it.

-
Shot for three points, sigaw ko habang nasa ere ang bola and then pumasok nga.

"Hayop wala ka padin mintis seb!", si Jeth.

Tumawa lang akong bilang tugon. Naglalaro kami ng basketball medyo katuwaan lang pag nagsabay-sabay kami ng off na tatlo. Nasa basketball court kami ngayon malapit lang din sa workplace namin.

"Magaling ka pa din sa ilalim Jeth", sabay hagis ng gatorade sa kanya.

Way back training days namin bilang agent.They held a game para sa mga trainee to relieved the stress daw well hindi siya totally nakakawala pero nakaka gain ng friendship kasi iba't-ibang team ang kasama mo eh. Basketball and boxing lang ang inallowed nila. Maybe because to test your endurance also so pasok pa din siya sa training test.

"Kamusta magiging mission mo Seb?", si Cram.

"He wants to make it as soon as possible", they know who I am talking about.

Matapos namin magpaalam sa isa't isa dahil may kanya-kanya din silang agenda.Nag sabi lang sila ng goodluck sa akin. At kung kailangan ko ng tulong daw tawagan ko lang sila anytime.



Nakaupo lang ako habang nag aantay sa kanya na lumabas ngayon. Nagmamasid
kung may kakaibang pangyayari sa paligid. Nag iikot ang aking mata. Parang orasan na hindi alam kong kailan titigil at kailan siya lalabas kasi hindi ko pa kabisado ang whereabouts niya.Mukhang akong stalker sa lagay ko ngayon.

Seriously kailan ba lalabas sa coffee shop tong babaeng ito. Kanina pa kaya ako dito sa loob ng sasakyan ko. Masakit na ang pwet ko.

Nakaupo ako sa bandang likod nila.Yes may kasama siya at pumasok na din ako sa coffee shop.Kung hindi ako nagkakamali ito yung mokong na yumakap sa kanya sa hyper market. Kaya naman pala inabot ng dalawang oras naglandian pala ang babaeng ito.

Habang ako doon namuti na ang mata kakahintay sa wala. Ay mali, hindi pala niya alam na I'm watching her whereabouts may apat na araw na nakalipas.

Kahit ano talaga isuot nitong sunshine ko babagay at babagay. Kahit siguro basahan mag mumukha pa din siyang tao.

She's wearing a black mini dress wrap skirt today. Hapit na hapit sa katawan niya.Kung magiging asawa ko to never tong magsusuot ng maiksi. Wait asawa agad hindi pa nga ako kilala nito.Erase erase erase.

Pero dreams do come true diba. Pray hards it works that's the slogan sa caloocan.Ngisi ko. Hay ang puso ko nahuhulog na naman.

Lagkit ng tingin ni mokong ah.Sarap na sarap sa view ba? Burahin ko kaya mukha nitong animal nato. Maka tingin akala mo naman asawa.Pero truth is, hindi ko alam kung kaano-ano niya to. Wala man akong nabasa sa profile niya na fiancee or bf niya ngayon. O baka hindi lng sinaling ilagay ni tanda at ng tatay ng sunshine ko.
Bakit ba kasi naiinis ako, wala naman akong paki sa kanila. Mission kong bantayan siya at ang mga threats nila.

Pero hindi ko maipapangako sa sarili kong hindi maging mabilis at madali to.Pero hangga't maaari tapusin ko ng maaga ito. Mahirap maging bitag ang puso.

Mas lalo akong nahuhulog pag ngumingiti kang ganyan. Ipagdadamot kita pag ngumiti kapa ulit. At baka hindi ko matapos ang misyon ko't makidnap kita.

Hay.... my Unique Raya Tairi.

White Love: UhibbukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon