Kabanata 75: 1895

231 10 2
                                    

"Hindi pa rin lumalabas ng kanyang silid si Mercedes kaya't ako'y humihingi ng paumanhin sa iyo, binibini kung sakaling hindi pumayag ang aking anak na humarap sa'yo." Sabi ni Donya Juliana habang nakasunod kami sa kanya papasok sa loob ng kanilang tahanan

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Lorenzo sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya na siyang ikinagaan ng aking nararamdaman.

Nagpunta ako rito upang makausap si ate Mercedes. Alam kong napakahirap ng sitwasyon niya ngayon dahil nawalan rin siya.

"Nais kong malaman mo na niyaya kong magpakasal si Mercedes kahapon. Nais kong ikaw ay maging saksi sa aming pag-iisang dibdib."

Napasapo ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng konting kirot mula rito

Kuya Simon...

"Montecilla?"

Napatingin ako kay Lorenzo na nag-aalalang nakatingin sa akin. Pinilit kong ngumiti upang mawala ang kanyang pag-aalala.

Umupo kaming lahat sa salas. Walang nagsasalita o gumagawa ng ingay hanggang sa lumapit ang isang criada. Inilagay niya sa lamesitang aming nasa harap ang apat na tasa ng kape.

"Carmela, pakitawag naman si Mercedes. Sabihin mayroon siyang mga bisitang nais siyang makausap." Utos ni Donya Juliana sa criada. Agad itong tumalima at umakyat sa ikalawang bahagi ng Casa.

Maya maya ay bumalik ito na nakatungo. Lumapit siya sa donya at bumulong. Napabuntong hininga si Donya Juliana bago siya tumingin sa akin.

"Ayaw bumaba ng aking anak, Binibini. Paumanhin." Sabi niya. Napatungo ako at napakagat labi. Hindi nga ba maaari ngayon? Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil sa aking kamay.

Napatingin ako rito at napaisip.

"Kung ganoon. Maaari po ba akong umakyat at magtungo sa kanyang silid? Nais ko lang po talagang pagaanin ang loob niya." Sabi ko. Kung kailangang magmakaawa ako ay gagawin ko.

Tinitigan ako ni Donya Juliana bago siya napabuntong hininga.

"Sumunod ka sa akin." Sabi niya. Napangiti ako at napatingin kina Lorenzo at Elisa.

"Maraming salamat po." Pagkasabi ko noon ay nagsimula na kaming magtungo sa ikalawang palapag. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang mga pintang nakasabit sa dingding. Kay gaganda ng mga ito.

"Ang galing mo talagang magpinta, Montecilla! Iyong nadadaig ang mga kilalang pintor!"

Napatungo ako at nakaramdam ng lungkot nang maalala ko ang isang pangyayari sa pagitan namin ni kuya Simon matapos niyang makita ang ipininta kong rosas

Tumigil kami sa tapat ng isang silid. Muling tumingin sa akin ang donya bago tumungo at umalis. Napatingin ako kina Lorenzo at Elisa. Gaya ng donya, tinanguhan rin nila ako bago sila lumayo ng kaunti upang mabigyan ako ng pagkakataong makausap ng sarilinan si Ate Mercedes

Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan ni ate Mercedes na wari ko ay gawa sa puno ng Mahogany.

"Hindi ba't sinabi kong ayokong lumabas!!" Rinig kong sigaw mula sa loob kasabay nito ay ang malakas na kalabog na tila may isang bagay na ibinato sa pintuan

"Bakit ba ayaw niyo akong tigilan!" Muli niyang sigaw

Tiniklop ko ang aking kamao bago pumikit at lumunok bago ko iminulat ang aking mga mata

"Ate Mercedes... ako ito, si Montecilla."

Wala akog narinig na ingay mulasa loob, walang sigaw o di kaya'y malakas na kalabog. Tanging nakakabinging katahimikan na biglang sinundan ng hikbi, isang malungkot at puno ng pagdurusang tinig.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon