Kabanata 41: School Trip (Part 2)

858 29 2
                                    


Pia's POV

Sabi sa akin may malagim- este plan na daw siya para sa kanilang dalawa ni Matthew. Hanga din ako sa best friend kong ito eh, kasi nagagawa niyang ipagsigawan sa harap ng maraming tao kung sino ang gusto niya at kung gaano niya kagusto ang taong ito. Kahit ilang beses na siyang nareject ni Matthew ay di pa rin siya sumusuko. She must really love Matthew Blanco so much.

Kaya lang, bestpren, may mga bagay na dapat hindi na natin ipinipilit. Kung ayaw nila sa atin edi ayaw nila. Pag ayaw na niya, dapat ayawan na. Kapag ayaw niya sayo, huwag mo ng ipilit pa sarili mo. Hindi naman siya ang masasaktan sa huli eh, ikaw. Kahit ano pang gawin mo, ikaw pa rin ang talo sa labang ito. Napailing nalang ako sa kat*ngahan ng kaibigan ko.

Napatingin naman ako kay Matthew na may nakasalpak na headset sa magkabilang tenga. Seryoso siyang nakatingin sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip.

Isa pa itong lalaking ito, alam ko namang may gusto siya kay Via eh kaso pinagmumukha niyang unwanted ang kaibigan ko. Bakit kasi nagpapacoward pa siya at di nalang tanggapin si Via. Pinapaasa niya bespren ko eh. Alam kong si Via naman talaga ang nagpipilit eh kasi siguro napifeel ni Via na may something din sa kanya si Matthew, kaso itong si mokong, nagpapabebe pa at tinatanggihan si Via. Ano bang problema niya? Pwede naman siyang umamin kay Via, kung ang pinapangamba niya ay dahil nag aaral pa sila, huwag siyang mag alala, Top Student si Via at alam niya ang limit niya. 

Tsk, naiiyamot ako sa dalawang ito. Naturingang matalino, dinaig pa ng kagaya ko. Iyan ang problema sa mga inuuna ang utak eh, kapag umabot na sa puso ang usapan bigla nalang nabobobo.

Teka, ano nga bang pake ko? Di ba iniwan ko na yung pake ko sa bahay kanina kasi baka maibalibang ko lang sa kanilang dalawa?

Kainis!

Tutulog na nga lang ako, at least yun may kwenta.

-----------------------------------------

Narramdaman ko nalang ang pagyugyog sa akin ni Via kaya nagising ako. Umaandar pa naman ang bus pero wagas manggising itong si ViVi

"Pia, We're here!!" 

Napatingin ako sa paligid, nagsisimula na ring mag ingay yung mga kaklase namin kasi nakikita na namin yung isang malaking sign na nagsasabing

WELCOME TO SAN ILDEFONSO!!

San Ildefonso? Sa San Ildefonso pala kami pupunta eh, may pasecret secret pa silang nalalaman

Npatingin naman ako kay Via

"San Ildefonso.....Simon" mahina niyang sabi to the point na parang bulong na sa sarili yung ginawa niya

Simon?  Who's Simon?

Napatingin naman ako kay Matthew, nanlaki ang mga mata ko nung nahuli ko siyang nakatitig kay Via

Narinig ba niya yun?

"Ok, Students, get your things! And follow me" sabi nung teacher namin nung tumigil yung bus

"Huy Via" tawag ko kay Via na naiwang nakatulala

"Uhm, bakita Pia?" sabi ko 

"Bababa na tayo" sabi ko tapos kinuha ko na ang gamit ko. Buti nalang ay kumilos na siya. Nahulog yung bag niya kaya agad kong pinulot ito

"Thank you, Pia!" nakangiti niyang sabi habang nakapeace sign. Paano ba ito?

"Tara na nga" nakangiti kong sabi bago niya kinuha yung iba pa niyang gamit. Pagbaba namin sa bus ay kitang kita ko ang mga estudyanteng nagbababaan sa kani kanilang assigned bus. Pumila na ang by grade at section kay agad naming hinanap ni Via yung section namin

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon