Hinawakan ko ang kamay ni Mama na kanina pa nanlalamig at nanginginig.
"Mama, magiging maayos rin po ang lahat." Sabi ko kay Mama. Napatingin naman siya sa akin. Pinisil ko ang kamay niya sabay ngiti.
Ngumiti naman si Mama kahit alam kong kanina pa siya di mapakali.
Nandito kami ngayon sa hukuman para sa gagawing paglilitis kay Papa. Gaya nv inaasahan, si Kuya Juan ang abogado ni Papa.
Napatayo kaming tatlo nina Mama at Kuya Simon nang pumasok na sa loob si Papa na nakagapos ang kamay sa kanyang likod. Kasunod niya ang dalawang guwardiya sibil na nagbabantay sa kanya
"Miguel" narinig kong bigkas ni Mama. Napansin kami ni Papa kaya habang naglalakad hanggang sa paupuin siya ay sa amin lamang nakapako ang kanyang paningin.
Nahabag ako sa itsura ng aking ama. Suot pa rin niya ang damit na suot niya noong araw na bigla siyang hinuli ng Heneral sa aming tahanan. Ang pinagkaiba lamang, marumi na ang kanyang damit.
Tila hindi nakatulog ng maayos ang aking ama. Parang tumanda rin siya ng ilang taon sa kanyang itsura gayong napakabata pa niya.
Maya maya ay dumating na ang punong hukom na si Hukom Castellano. Napatayo ang lahat biglang paggalang dito. Nang magawi ang kanyang paningin kay Papa ay tila nagulat ito at napailing nalamang bago naupo sa kanyang upuan.
"Simulan na." sabi niya.
-------------------
"Ayon sa mga ebidensiyang nakalap mula sa iyong Hacienda, ikaw, Don Miguel Aragon ay napatunayang nagtatago ng mga ilegal na armas. Umaamin ka ba sa kasalanang iyung ginawa?" tanong ng Hukom
"N-Nagsasabi ako ng totoo, wala akong kinalaman sa mga armas na inyong natagpuan. Inosente ako." sabi ni Papa habang nakaluhod.
"Ikaw ba'y may katibayan? Kung gayo'y ipakita mo sa amin."
Natahimik si Papa kaya nagkaroon na muli ng bulong bulungan sa paligid.
"Mahal na hukom, kung inyung pagbibigyan, nais po naming maghanap pa ng mas malakas at sapat na katibayan upang maipakita sa inyo na inosente ang nasasakdal." Sabi ni Kuya Juan kaya napatingin kaming lahat sa sasabihin ng hukom
"Ano ang iyung nais sabihin?" sabi naman ng Hukom
"Nais po namin na bigyan niyo pa kami ng sapat na oras bago kayo humatol." matapang na sabi ni Kuya. Natagalan bago muling nagsalita si Hukom Castellano
"Pumapayag ako. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw, ngunit sa oras na wala kayong maiharap sa aking katibayan, batas na ang huhusga sa kanya." sabi niya.
"Maraming salamat po!" sabi ni Kuya Juan ng may paggalang. Muli na namang nagbulungan ang mga tao sa paligid kaya minabuti ni Hukom Castellano na gamitin ang kanyang maso upang mapatahimik ang mga ito.
Tumayo ito at walang pasabing lumabas ng hukuman. Lumapit naman ang mga bantay ni Papa upang ito'y itayo. Napatingin siya sa amin bago muling tumalikod.
Nanginginig ang mga kamay ni Mama nang makaupo kaming muli. Napatingin naman kami nina Kuya Simon kay Kuya Juan nang ito'y lumapit sa amin. Seryoso lang ito at mukhang malalim ang iniisip
"Paumanhin, Mama. Hindi pa rin sapat ang mga ebidensiyang hawak ko. Masyadong malakas ang kanilang ebidensiya laban kay Papa lalo pa't sa mismong hacienda nila ito natagpuan." sabi niya. Hindi naman nakatakas sa akin ang mahigpit na pagyukom ng kanyang mga kamay.
---------------------
Tahimik lamang ako habang nakadungaw sa bintana ng aming kalesa. Malapit na kami sa aming Hacienda nang may mapansin akong itim na usok na doon nagmumula. Napatingin ako kay Kuya Simon na kasama ko sa kalesa. Nakatingin rin siya sa labas ng bintana habang gulat at nanlalaki ang mga mata. Nang nasa may tarangkahan na kami ng aming Hacienda ay napatigil ang kalesa. Agad na bumaba si Kuya ng kalesa
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...