Maaga akong nagising ngayon dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag-unat unat muna ako bago ko tiniklop ang kumot ko at inayos ang aking higaan. Nang mapatingin ako sa sahig ay wala na ang nakalatag na foam dito kagabi. Mukhang maaga ring nagising si Renzo.
Mula rito sa kwarto ay naririnig ko ang malakas na tunog ng pagtama ng gulok sa kahoy. Mukhang maaga ring nagsisibak ng kahoy si Kuya Kim.
Agad akong dumiretso sa CR para magtoothbrush at maghilamos. Inayos ko na rin ang buhok ko. Pinonyyail ko ito para presentable akong tignan.
Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Kuya Kim at Tito Gian na prenteng nakaupo at nagkakape sa may terrace. Mas malakas na ngayon ang tunog na naririnig ko dahil nasa labas na ako.
Teka, kung nandito sila... sinong nagsisibak ng kahoy?
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga nang makita ko kung sino ang hinahanap ko.
"Mukhang sanay sa pagsisibak ng kahoy ang nobyo mo, Ella ah." Sabi ni Tito Gian sabay higop ng kape sa hawak niyang tasa.
"Tito! Bakit niyo naman po yan pinagsibak ng kahoy? Di po yan marunong magsibak!" Sabi ko sa kanya. Tumingin naman silang dalawa sa akin na parang hindi sila naniniwala.
Muli akong napatingin kay Renzo na pinagpapawisan na. Napansin ko namang nakatingin sa kanya sina Tita Lita, Tita Sherryl, Beth at Ate Karen. Ang nakakaloka pa dyan, kumakain sila ng pandesal pero malagkit ang tingin sa Ex ko.
Hindi pa ako nakikita ni Renzo dahil busy pa siya sa ginagawa niya. Nagulat nalang kami ng hubarin niya ang basa niyang t-shirt kaya topless na siya ngayon. Napalunok ako ng wala sa oras.
Napatingin ulit ako sa mga Tita ko na nakanganga. Nabitawan pa ni Tita Lita yung kaninang hawak niyang pandesal.
Ano ba naman yan?! Parang mas gusto niya yung anim na pandesal na nakikita niyang nagsisibak keysa sa pandesal na hawak niya.
"Renzo!" Tawag ko kay Renzo kaya napahinto siya at napatingin sa akin. Napaiwas naman ng tingin sila Tita sa akin na para bang nahuli sila sa ginagawa nila. Pshh
"Bakit ikaw ang nagsisibak ng kahoy? Tignan mo pawisan ka na." Sabi ko sa kanya sabay kuha ng t shirt niya na nakasampay sa balikat niya. Pinunasan ko yung pawis niya sa likod, pati sana sa abs niya kaya lang baka isipin niya minamanyak ko siya.
"Gusto ko sanang magpapawis eh." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Ano ba naman itong batang ito, pawis na pawis.
"Edi sana nagjogging ka nalang." Sabi ko. Tumingin lang siya sa akin. Doon ko lang napansin na nakasweat pants siya. I guess he already did.
"Hayaan mo na iyan, magpalit ka na ng damit baka magkasakit ka pa." Sabi ko sa kanya sabay hampas ng t shkrt niya sa tiyan niya.
Ooopppsss wrong move.
Nanlalaki ang mga mata niya akong tinignan pero patay malisya lang ako. Napatingin ako kina Tita na nahuli kong nakatingin sa amin. Agad naman silang umiwas ng tingin.
Tinulak ko na si Renzo papasok ng bahay para makapag palit na siya ng damit. Pumunta naman ako kina Tita para makipagkwentuhan
"Ella, kape gusto mo?" Sabi ni Tita Sherryl
"Ella, pandesal, masarap din yan." Sabi ni Tita Lita. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil parang double meaning yung sinabi niya. Nagpipigil naman ng tawa sina Ate Karen at Beth.Nagtimpla na ako ng kape sa dalawang tasa. Iyung isa ay nilagyan ko ng gatas while sugar naman dun sa isa pa.
Maya maya ay lumabas na si Renzo. Nakapagpalit na siya ng t shirt at short na hanggang tuhod ang haba. Umupo siya sa tabi ko, ipinatong ko naman yung kapeng may asukal sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...