Ysabel's POV
Ilang araw na rin kaming di nagpapansinan- este di ko pinapansin si Migs. Ang sakit grabe. Tapos parang ok lang sa kanya. Nakakabugnot talaga
Bakit ganon ang mga lalaki ano? Wala silang pakealam sa nararamdaman namin. Kami na nga ang nagmahal, kami pa rin ang masasaktan. Mga manhid! Mga paasa! Maextinct sana kayo sa mundo para maging masaya naman kaming mga broken. Haay
"Ysabel, why don't you try this Lasagna" sabi nung isang magandang babae sa harap ko. She's about the age of my parents but she looks so young na parang ka-age ko lang siya.
She's Niccolo's mom... my future mother-in-law
"Mom, did you know, Sabel is quite good in cooking" pagmamalaki sa akin ni Nicco
Mukha namang natuwa yung mom ni Nicco
"Really! Now I'm more excited to make you my daughter than before. I want to eat one of the food that you will make one of these days" sabi ni Tita Lorraine
"Uhmm.... sige po" nahihiya kong sabi. Uminom nalang ako ng wine para malessen ang pagkatense ko
This is not the first time that I met Niccolo's parents, Tita Lorraine and Tito John.
Best friend and business partners sila ni Daddy
Having this dinner means a lot to my family. Ito yung pinakakinatatakutan ko eh, ang magaya ang life ko sa mga teleseryeng napapanood ko sa tv at sa mga nababasa ko sa wattpad.
Di bale na sana eh kung may gusto pa ako kay Niccolo but for gooodness' sake, I'm in love with Mr. Manhid and Paasa, Mikael Suarez!!
Ayokong magaya sa typical mayaman to mayaman story to make the company grow. Baduy nun eh.
Sana all ng naiinlove ay minamahal ng mahal nila
"By the way, Ysabel ija, how is you're study?" Tanong naman nu Tito John
Tumigil ako sa pag inom ng wine at sumagot kay tito
"Maayos naman po, Tito. So far, hindi pa naman ako naeestress sa studies ko" sabi ko tapos bigla silang natawa
Ok, anong nakakatawa dun?
Don't worry, tito. Sa inyo po ako naeestress. Ang pakulo ng love sa life ko grabe!
Maya maya ay biglang dumating yung mga maid tapos isa isa nila kaming hinainan ng beef steak. Hihiwain ko na sana yung akin nung biglang kinuha ito ni Nicco
"I'll cut it for you" sabi niya tapos ngumiti siya sa akin bago niya hiniwa hiwa yung steak. After nun ay ibinalik na niya sa akin
"Thanks.." sabi ko tapos ngumiti ako. Nagngitian naman ang mga magulang ni Nicco.
Nagkwentuhan naman sila about business... duh!
Galit ako sa usapang business no! Kaya nga naglaw nalang ako eh kasi ayokong maipit sa negosyo tapos ngayon gagawin pa akong pakasalin para lang umunlad yung company namin
Habang nasa byahe kami papunta sa mansion namin ay biglabg nagsalita si Nicco
"Sorry, Sabel ha. Napepressure ka yata sa parents ko" sabi niya habang nagmamaneho
"No, it's ok. Ilang years na rin naman mula nung huli ko silang makausap na walang kinalaman sa business" sabi ko. Pero sa kasal meron haaayy
"You know, I studied hard so that I can return to you sooner. But it looks like, I was too late" pabulong niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya
"Anong sabi mo?" Sabi ko. Ngumiti naman siya
"Nothing" sabi niya tapos bigla siyang lumiko. Pumasok na pala kami sa may gate namin.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Narrativa StoricaDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...