#RenzElla!!
#EllZo!!
#KamiNa!!!
#NaniniwalaNaAkoSaForever!!
Nakangiti akong bumangon sa kama ko tapos inayos ko rin iyung latag ng kama ko at tiniklop ko iyung kumot ko tapos hanggang sa banyo kumakanta pa rin ako
Naniniwala na ako sa forever~
Nakangiti at pakanta kanta pa ako nung lumabas ako ng kwarto. Inaalala ko iyung mga sandaling kasama ko si Renzo kahapon.
Flashback
Magkaholding hands kami ni Renzo na bumalik sa tapat ng simbahan. Take note MAGKAHOLDING HANDS!!!!!
Dream come true iyun mga repapits!!! Dati hanggang panaginip lang ako, kung minsan nga eh imagination na, akala tuloy nina Ysabel naghallucination na ako hahahaha
Biglang nagvibrate iyung phone ko kaya biglang nawala tuloy ako sa aking moment
"Sandali lang ha" sabi ko tapos kinuha ko iyung cellphone ko sa bag ko
Ysabel calling...
Aba buti naman at naisipan ng magaling kong kaibigan ang tawagan ako. Sinagot ko naman agad ito
"Hello Ysab--"
"You're welcome!" masayang sabi ni Ysabel, pagkasagot na pagkasagot ko sa telepono
"Wait.. sinet up mo ba kami ni Renzo kaya ka nagsasabi ng ganyan?" tanong ko sa kanya. Grabe siya
"Yup! di ba para paraan din, dahil maganda akong kupido, tinulungan na kita para magquality time kayo ng labs mo" sabi ni Ysabel tapos tumawa siya ng konti
"Hay nako Ysabel, hindi ako nadadala sa mga tawa tawa mo, naku kung alam mo lang kung ano iyung naramdaman ko nung iniwan niyo kami, naku" sabi ko kay Ysabel na may halong panggigigil
"Ha? Hindi ka ba nag enjoy? sorry na" sabi ni Ysabel. Napangiti naman ako
"Naku kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung iniwan niyo kami sa simbahan. Kinilig ako ng buong araw, grabe. Next time ulit hahaha" sabi ko habang nakangiti, natawa naman si Ysabel. Pagkatapos naming mag usap ni Ysabel ay agad akong bumalik sa tabi ni Renzo, naks!
This is real!!!
Ngumiti siya
"Kausap mo ba si Ysabel?" tanong niya nag nod naman agad ako
"Tinanong mo ba ang daan pabalik?" tanong niya. Natigilan naman ako at dahan dahang umiling
"Hindi lang ako nag sasalita kasi gusto kong mapansin mo pero... may cellphone kang dala, naisip mo bang tawagan sila?" nakangiting tanong ni Renzo kaya ngumiti na lang din ako at umiling
Nope, hindi ko naisip hahahaha
Napatingin naman ako sa cellphone ko at laking panlulumo ko nung mapansin kong low bat na ito.
"Sinasabi ko na nga ba" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, then bigla siyang may kinuha sa bulsa niya. Iyung cellphone niya, dala niya pala!!
Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya tapos ngumisi lang siya
"Sinadya mo bang hindi ilabas iyang blue mong cp?" sabi ko tapos ang sama ng tingin ko sa cellphone niya
Ngumisi naman siya at pinindot niya iyung cellphone niya. Maya maya ay dumating na sina Migs para sunduin kami
End of Flashback
"Mukhang masaya ka ngayon ah" nakangiting sabi ni Mama, tumingin naman ako sa salamin para ayusin ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...