"Hello!"
Nagkatinginan kami ni Matthew.
"V-Via" napataas ang aking kilay nung nabulol si Matthew. Napangiti naman ng sobra si Via.
"Mat-Mat Kooo!!"sabi ni Via sabay yakap kay Matthew. Pilit namang tinatanggal ni Matthew ang pagkakayakap sa kanya ni Via at parang the struggle is real talaga dahil hirap na hirap siyang kumawala. Ayaw ba niya kay Via?
"What are you doing here?" inis na tanong ni Matt pero ngumiti lang si Via sa kanya
"Sino iyan?" sabi ni Mama mula sa kusina. Maya maya ay di ko na namalayang nasa tabi ko na pala siya
"Hello po Tita!" masayang bati ni Via tapos nagmano siya kay Mama
Nagtaka naman si Mama at napatingin sa aming dalawa ni Matt. Napangiti si Mama at pinapasok niya si Via. Bigla naman akong hinila ni Mama papuntang kusina
"Sino iyun? Girlfriend ni Bunso?" tanong sa akin ni Mama
"Soon to be, Mama" sabi ko at mukhang natuwa naman si Mama. Napangiti na lang ako.
Magkasama kami ni Via sa kwarto ko kaya magkatabi kaming matutulog.
"Ah so gusto mong magsleep over" sabi ko habang inaayos ang higaan namin
"Uhhmm..." sabi niya habang nakangiti
Pumunta ako sa aking tokador at kinuha ko ang brush ko at lumapit ako sa kanya na nakaupo sa kama ko. Pumunta ako sa likod niya. Binarush ko ang kanyang buhok. Hindi naman siya nagreklamo kaya nagpatuloy lang ako
"Alam mo, Via. Matagal ko ng gustong gawin ito sa magiging kapatid kong babae" sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagbabrush ng buhok niya
"Talaga Ate Ella...alam mo, matagal ko na ring gustong magkaroon ng ate. Puro kuya lang kuya lang kasi ang mayroon ako eh...uhhmmm ibig sabihin ba nito, gusto mo na ako para kay Mat Mat?" masayang sabi ni Via
"Oo naman" nakangiti kong sabi. Narinig kong napayes siya
"Via, ano bang nagustuhan mo sa kapatid ko?" tanong ko sa kanya. napaisip naman siya
"Hmm... nung una ko siyang makita, tumibok agad ng mabilis ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Parang lungkot at saya ang dala noon sa akin pero hindi ko alam kung bakit.... Siguro dahil sa gwapo siya, pero alam kong hindi lang iyun dahil doon....masungit siya, matapang, mean and straightforward. Pakiramdam ko siya na talaga.... siya na ang matagal kong hinihintay na bumalik sa buhay ko..." sabi niya habang nakangiti at parang nagbibilang. Napangiti naman ako
"Thank you, Via... thank you for loving my brother just the way he is" sabi ko. I'm really grateful to her, because she loves my not cute little brother
Napaisip naman ako. Bakit ba iniiwasan ni Matthew si Via? Sa tingin ko naman may gusto siya dito pero bakit?
Humarap si Via sa akin habang nakangiti tapos biglang lumabas ang kanyang malalalim na dimples
"Uhmm.. Via... may *ehem* girlfriend na ba ang kuya mo?" tanong ko sa kanya. Grabe kinabahan ako dun ah
"Which one ate?... si Kuya Nathan o.... si Kuya Renzo?" Ngumiti siya ng mapang asar nung binanggit niya iyung pangalan ni Renzo
Crap! Bakit ba nakalimutan kong banggitin ang pangalan ni Renzo kanina nung tinanong ko siya? Nakakahiya na tuloy sumagot
At saka bakit ba tinanong ko pa? Alam ko namang wala ah?!
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...