1895, Oktubre
Alam kong may mga bagay na nakatakda talagang mangyari. Alam kong ang mga bagay ring ito ay may kanya kanyang kahulugan kung bakit ito kailangang maganap ngunit sa pagkakataong ito... nais kong malaman ang rason...Nasa palengke kami ngayon ni Rosita. Nais kong mamimili ng mga bagong gamit para sa aking pag-aaral. Nais ko ring magtingin ng mga gamit na maaari kong ibigay kina Mama kapag umuwi ako sa San Ildefonso sa bakasyon.
Maraming naggagandahang porselas ang aking nakita. Mga kwintas na gawa sa ginto at may samu't saring bato. Mayroon ding mga porselas para sa lalaki. Alam ko na, bibigyan ko sina kuya ng ganito hahahha.
Habang nagtitingin tingin ako ay biglng nawala ang aking kasamang si Rosita
"Rosita? Asan na iyun?" sabi ko habang pilit na hinahanap si Rosita mula sa kumpulan ng mga tao. Lumabas ako mula sa siksikan ng mga tao. Nagpunta ako sa isag luwag na parte ng palengke. Doon nagdaraan ang mga kalesang paparating. Habang hinahanap ko si Rosita ay nakarinig ako ng ingay di kalayuan sa akin
May isang kalesang nagwawala ang kabayo. Hindi naman alam nung mamang kutsero kung paano niya ito patitigilin. Nagulat ang lahat ng tao malapit dito nang biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo. Hindi na ako umalis sa aking kinatatayuan sapagkat hindi naman ako abot nito kahit na papunta ito sa gawi ko. Nang malapit na ang kabayo ay biglang may tumulak sa akin papunta sa dadaanan nito. Dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak ay napalupagi ako sa lupa.
Napasigaw ang mga tao nang makita nilang nakalupagi ako sa gitna at may balak pa yatang magpasagasa. Nang makabawi ako mula sa pagkakalupagi ay nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong sobrang lapit na ng kalesa sa akin. Natulala ako at di makagalaw dahil sa takot
"Montecilla!" may isang lalaki ang sumigaw at agad akong hinila palayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil pagkaalis na pagkaalis ko sa pwesto ko ay siyang pagdaan ng kalesa. Sa sobrang bilis ng mga yabag nito ay nagkaroon ng gabok sa hangin.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin nung lalaki. Napatingin naman ako dito. Naiyak ako nang mapagtanto kong muntikan na akong mamatay buti na lamang ay dumating siya
"S-salamat sa pagligtas mo sa akin, Joaquin" sabi ko at sunod sunod nang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata. Bigla siyang napabuntong hininga na tila nakaramdam ng kaba ngunit ngayon ay wala na
"salamat naman at umabot ako. Muntikan ka ng mawala sa akin" sabi nya at niyakap ako. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari at ang takot
"Binibini! Binibini!!" nakarinig ako ng sigaw mula sa kumpulan ng mga tao. May isang babaeng nagsusumiksik, si Rosita
"Ayos lang po ba kayo? Nakita ko po iyung nangyari kanina. Patawad po dahil wala ako sa inyong tabi, kung hindi sana ako napatingin sa mga porselas ay hindi sana nangyari ito. Patawarin niyo po ako, Nang dahil sa kain ay muntik na kayong mapahamak. Nararapat lamang po sa akin ang parusang kamatayan." sabi ni Rosita habang umiiyak at nakaluhod sa harap namin ni Joaquin. Nakatungo siya at patuloy lamang sa pag iyak
Nang mapatingin siya sa akin ay nakita niya si Joaquin kaya lalo siyang napatungo. Napagtanto kong tinatangi ni Rosita si Joaquin at ang makita ka ng taong gusto mo na nagkakaganito ay labis na kahihiyan. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Joaquin. Magsasalita na san ito pero inunahan ko na siya.
"Natakot ako nung bigla kang mawala sa aking tabi, Rosita. Ako ang dapat na humingi ng paumanhin sayo, nang dahil sa akin ay umiiyak ka. Huwag kang mag-alala, hindi ako nassaktan at ayos lamang ako." sabi ko sa kanya at niyakap siya. Humagulhol naman siya.
"Patawad po, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Kayo na lamang ang nag iisang taong itinuturing kong kaibigan sa mundong ito. " sabi ni Rosita
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...