Kabanata 82: Nakaraan (Part 6)

197 10 3
                                    

Napatingin ang doktorang si Noa sa kanyang pasyenteng nakahiga ngayon sa recliner sofa sa kanyang opisina. Kapansin pansin ang ilang butil ng mga pawis na namumuo sa noo ng dalaga. Nakakunot ang mga noo nito habang mariing nakapikit. Kasabay noon ay ang mahihinang bulong na maririnig mula kay Ella.

"Huwag... hindi...."

Matapos noon ay tumulo ang ilang mga luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata

"Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang pangalan mo?" Tanong ni Noa. Hindi agad sumagot si Ella na tila pilit na rinerehistro sa isip ang narinig na tanong.

"Ella?" Muling tanong ni Noa

"M- Montecilla. Ako si... Montecilla Aragon."

Tumungo tungo si Noa bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ella

"Montecilla, maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nakikita mo?" Sinimulan na ni Noa na magtanong sa kanyang pasyente habang sumasailalim ito sa hipnotismo. Hindi sumagot si Ella at nanatiling tikom ang bibig.

"Montecilla?" Ulit ni Noa sa pangalan na sinabi ni Ella

"B-babae... dugo.... mga lalaking may... may mga baril..." bulong ni Ella na tila kinakapos ng hininga at nahihirapang magpokus sa pagsasalita

"Maaari mo bang sabihin sa akin kung nasaan ka ngayon?"

"N-Nasa gubatan ako... m-malapit sa... sa mansyon namin. Tumatakbo ako. M-may humahabol sa akin.... sa amin..." Muling nangunot ang noo ni Ella at umiyak.

"Sinong kasama mo? Kilala mo ba?" Mabagal at marahang tanong ni Noa. Nakita ni Noa na napakagat labi si Ella na tila pinipigilan ang sariling humikbi

"K-Kuya ko.... kasama ko ang Kuya ko pero... sa ilalim ng puno... n-namatay siya... ugh! *Huff! *huff!" Pagkasabi noon ni Ella ay biglang lumalim at bumigat ang kanyang paghinga.

"Ella?" Napaayos ng upo si Noa dahil sa biglang pagbabago ni Ella. Namutla ito at tila nahihirapang huminga

"M-May babae... pinagkatiwalaan ko siya... p-pero p-pinatay niya ang kapatid ko.... ugh! Tinuring ko siyang parang kapatid! Pero sinira niya ang buhay ko! *sob* *sniff*" lumakas ang boses ni Ella na tila sumisigaw sa galit at labis na kalungkutan.

"Montecilla, huminahon ka." Mabagal ngunit dahan dahang sabi ni Noa habang pilit na pinapakalma si Ella. Kapag hindi pa rin nagbago ang itsura niya ay wala siyang magagawa kundi putulin ang hipnotismo. Tila naintidihan ito ni Montecilla at muling nahinahon.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Noa kay Ella

Hindi sumagot si Ella o Montecilla at itinikom ang mga kamay ng mahigpit. Pinagmasdan ni Noa si Ella na ngayon ay basang basa ng pawis at luha ang mukha.

"Pagkabilang ko ng tatlo, imumulat mo ang mga mata mo." Sabi ni Noa. Mukhang kailangan niya munang itigil ang session na ito dahil nag-aalala siya sa mental state ni Ella. Base sa kanyang mga narinig, hindi maganda ang mga alaalang bumalik kay Ella.

"Isa... dalawa... tatlo!"

Pagkabigkas ni Noa ng tatlo ay iminulat ni Ella ang kanyang mga mata. Matapos noon ay panandaliang tinitigan ni Ella ang liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa itaas. Pinilit niyang bumangon kahit tila nanghihina at nanlalambot siya. Hindi siya makapaniwala sa mga alaalang nakita.

Tuloy tuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha at ang pagpipigil niya ng paghikbi. Ang sakit ng dibdib niya, nanainikip ito at hindi niya alam kung kailan ito matatapos. Hinawakan niya ang parteng dibdib niya at bahagya itong pinukpok bago muling nagpigil ng hagulhol.

Namatay sila. Namatay silang lahat. Ang pamilya niya sa nakaraang buhay niya. Ang pamilyang paulit ulit na binabanggit ni Montecilla sa diary niya. Lahat sila wala na.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon