"Ella! Ella!" nagising ako dahil sa liwanag ng langit na nagmumula sa bukas naming bintana
"Ella, gumising ka na!" narinig ko ang sigaw ni Mama mula sa baba.
Tinignan ko ang oras mula sa aking alarm clock
8:00 am
Tutulog nalang ulit sana ako kaso may nagtanggal bigla ng kumot ko
"Gumising ka na" narinig ko ang boses ng kapatid ko
"5 more minutes...." mahina kong sabi. Grabe antok na antok pa ako
"babangon o babangon?" sabi ni Matthew na may halong pagbabanta
Nagtanong ka pa ng choices parehas din naman pala...
"tutulog" sabi ko sa kanya sabay takip ng unan sa mukha ko. Naramdaman kong umakyat siya sa kama at umupo sa tabi ko
"Ah ganon ah" sabi niya.
"Wahhhhh!! Hahahah!!! Tama naaa!!" napasigaw ako at napapatili kasi bigla akong kiniliti ni Matthew sa tagiliran
"Bangon na kasi" sabi ni Matthew habang nakangisi at enjoy na enjoy sa pangingiliti sa akin
Napilitan tuloy akong bumangon dahil sa pangingiliti niya.
"Babangon din pala eh, gusto pang makatikim ng kiliti" sabi niya sabay baba ng kama ko, binato ko nga siya ng unan pero agad siyang nakailag. Nakakainis, nag-aral kasi siya ng taekwando eh. Talaga itong bulinggit na ito. Susunggaban ko na sana siya kaso bigla siyang nagtatakbo palabras ng kwarto ko
"TOTOY, HUMANDA KA SA AKIN KAPAG NAKITA KITA!!! IHANDA MO NA IYANG TAGILIRAN MO DAHIL DI NA IYAN SISIKATAN NG ARAW BUKAS!!!!!" sigaw ko sa kanya. Lagot talaga sa akin ang totoy na iyun kapag nakita ko siya, pagsisisihan niyang kiniliti pa niya ako
Agad kong sinaraduhan ang pinto at nagpunta sa banyo. Ginawa ko na ang aking morning rituals, toothbrush, mumog, hugas mukha, nagpony tail na din ako ng buhok para hindi laging nakalugay. Nagsuot ako ng makapal na sando at maiksing short.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nadatnan kong naghahain si mama ng umagahan habang iyun si totoy nagbabasa ng libro sa sofa. Itong batang ito, di muna tinulungan si mamang maghain. Napansin kong napatingin sa akin si Matthew.
Susunggaban ko na sana siya pero tinabuhan niya agad ako. Tsk!
"Ano ba iyan ate, ang laswa naman ng suot mo. Masyadong maiksi ang short mo tapos nakasando ka lang. Nakakasuka kaya ang figure mo, nakakawala ng gana" sabi ni Matthew na akala mo ay diring diri sa itsura ko
Aba itong batang ito! Kanina ka pa ah!
Agad naman siyang nagtatakbo sa kwarto niya. Narinig ko nalang na parang nag-ingay siya sa kwarto niya
"Tignan niyo na mama, iyung totoy na iyun, makapanglait akala naman niya kanasa nasa katawan niya" sabi ko kay mama tapos tinulungan ko siyang maghain
Maya maya ay lumabas na si Matthew tapos bigla niya akong binato ng kung ano
Talaga itong totoy na ito!!
Pagtingin ko sa ibinato niya..
Isang jogging pants at maluwag niyang t-shirt na may nakasulat na
'LIVE LIFE TO THE FULLEST'
"Suotin mo iyan para magmukha kang tao" sabi ni Matthew sabay upo sa sofa at nagbasa ulit siya ng libro.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Narrativa StoricaDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...