Maraming gamit ang nagkalat sa sahig, mga basag na mamahaling plorera, mga bulaklak na nagkalat maging ang mga talulot nito.
Bumilis ang tibok ng aking puso, nakaramdam ako ng pambihirang takot sa aking dibdib. Mas lalo akong nakaramdam ng panghihina nang makita ko ang ilang patak ng dugo na nagkalat sa sahig at pader.
Anong nangyari? Sinong may gawa nito?
Napadako ang tingin ko sa ikalawang palapag ng aming tahanan. Ang mga dugo ay nagmula sa gawing yaon. Dahan-dahan akong naglakad patungo dito at....
"HIINNDEEEE!!!!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Mabilis ang aking paghugot ng hininga gayundin ang tibok ng aking puso. Basang basa ako ng pawis. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko.
Bumaba ako sa aking kama at lumabas ng kwarto. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagkakaroon ko ng masamang panaginip. HIndi ko siya maintindihan pero madalas akong nagigising na sumisigaw. Ok lang sana kung hindi nauulit yung panaginip eh, kaso hindi.
Ang mga dugong nadadaanan ko sa panaginip na yun at yung nakita ko, nagdala yun ng matinding takot at sakit sa puso ko. HIndi ko alam kung ano yung nakita ko kasi nakakalimutan ko siya kaagad kapag nagigising ako.
I hate this nightmare. Parang anytime ay pwede siyang mangyari sa akin and I don't want that to happen. Ilang araw na rin akong di nakakatulog ng ayos. Nagkakaroon na nga ako ng eyebags. *sigh. Mamaya maturn off niyan si Renzo sa akin eh.... ano ba yan, Ella. Nanaginip ka na nga ng masama, nagawa mo pa ring lumandi haayyy naku!!
------
"Anong problema mo at ganyan ka?" Tanong sa akin ni Ysabel. Pano ba naman, tamad na tamad akong kumilos. Nakakaantok kaya! Tapos may test pa kami mamaya, baka di ako makapagfocus. Ayokong bumagsak!Nung nagtime na, biglang pumasok yung prof namin sa History
"I hope 3 months are enough for you to finish your project. Next next week na ang presentation. Hindi lang ako ang makikinig sa inyo. I invited other Profs too to judge you. Now, I'm giving you this time to prepare for your project" sabi ng Prof namin sabay alis. Sus, if I know, tinatamad lang yan magturo eh. Tsk Tsk Tsk.
Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko para pumunta sa kani-kanilang partners. Si Migs ay lumapit na rin kay Ysabel. Napatingin ako kay Renzo, mukhang malalim ang iniisip niya. Baka nga di niya narinig yung sinabi ni Prof eh.
"Renzo" tawag ko sa atensyon niya. Kaya lang ang lakas makatingin sa kawalan eh
"Renzo" sabi ko ulit. This time with matching kulbit na.
"Hmm?" sabi niya. Tapos napatingin siya sa akin.
"Anyare sayo? lalim ng iniisip mo ah" sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Wala. Gaya ng sinabi mo, may iniisip lang ako." sabi niya tapos napatingin siya sa paligid at nangunot ang noo niya kasi nakita niyang busing busy ang mga kaklase namin
Napangiti nalang ako. Tignan mo nga naman, in the span of three months, I didn't expect my enemy to be my lover the next day.
"Anong meron?" tanong niya na halatang clueless. Hay nako. Kapag nalaman laman kong hindi ako ang iniisip mo kanina, malilintikan ka sa akin. You're so space out.
"Next next week na yung presentation natin. Kailangan pa nating ifinalize yung project natin kaya ibinigay na sa atin ni Prof yung time na to para gawin yun" sabi ko tapos natawa ako ng konti
"Ahh, ganon ba" sabi niya sabay kuha ng calculator sa bag niya. Nangunot naman ang noo ko
"Aanhin mo yan?" tanong ko sa kanya sabay turo sa calcu na hawak niya. Napatingin naman siya sa hawak niya at nagulat. Natawa naman ako ng konti nung dali dali niyang itinago sa bag niya yung calcu
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...