Kabanata 47: Busy

747 24 6
                                    

"Ella, hanggang kailan ka ba magmumukmok dyan?" Inis na tanong sa akin ni Ysabel
"Kapag dumating na si Renzo" sabi ko sabay balik sa pag tingin ko sa labas
"Absent nga si Renzo eh, bukas pa yun dadating" sabi ni Ysabel

Nagpapadyak nalang ako. Kainis naman eh, ipaalala ba naman sa akin. Nagtext sa akin kaninang umaga si Renzo. Sinabi niyang di siya makakapasok dahil may 'important matters' pa siyang kailangang gawin.

Miss ko na jowa ko eh!!!!

"Hoy! Hoy! Luka, magtigil ka nga dyan. Iyang nguso mo, humahaba na naman." Sabi niya sa akin. Alam kong ang OA kong magreact pero anong gagawin ko? Eh sa namimiss ko Lorenzo ko eh

Umupo nalang sa tabi ko si Ysabel. Dun sa upuan ni Renzo. Nasa classroom kami ngayon. Walang masyadong teacher kasi busy din sila

"Himala yata at sa akin ka tumabi ngayon" sabi ko kay Ysabel. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti nalang

"Ayaw mo nun? May karamay ka sa pagdadrama mo dyan" sabi ni Ysabel sabay kuha ng diary ni Montecilla sa bag ko

"Oy ingatan mo iyan" sabi ko aa kanya

"Siya lang naman ang di ako iniingatan eh. Awts" sabi ni Ysabel sabay tawa sa sarili niyang joke

"Ikaw ang magtigil dyan, Ysabel" sabi ko sa kanya. Nakita kong binabasa niya yung diary. Kaya nanahimik nalang din ako

"Natapos mo na bang basahin ito, Ella?" Biglang tanong sa akin ni Ysabel

"Hindi pa eh" sabi ko

Naalala ko naman bigla na next week na pala ang presentation namin sa project namin. Hindi ko masyadong nakikita ang content ng power point namin eh kasi si Renzo ang gumawa

"Saan ka na bang part?" Sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya tapos pinuntahan ko yung part na binasa ko kagabi. Yung ang sinulat ni Montecilla sa Diary niya ay namasyal sila ni Joaquin sa Maynila

Pagkaturo ko sa kanya ay nagmukmok na ulit ako

"Patapos ka na pala eh" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Patapos na ako? Eh ang kapal pa ng natirang pages ah

Lumingon ako ulit kay Ysabel. Pinakita niya sa akin na konti na nga lang ang natitirang pages na di ko pa nababasa. Ngek, ibig sabihin mawawalan na ako ng adventure sa pagbabasa ng diary ni Montecilla? Luh.

Pagkarating ko sa bahay, agad kong inilagay sa kwarto ko ang gamit ko. Pagkabihis ko ay lumabas ako ng kwarto dala ang diary ni Montecilla.

No matter how I look at it, the pages are running out. Malapit ko nang tapusin ang diary. But why do I feel like I'm just ending the first part of a story?

Maya maya pa biglang dumating si Matthew.

"Himala yata at nasa labas ka ng kwarto mo?" Sabi ng 'mabait' kong kapatid

"Grabe ka" sabi ko sa kanya. 

"Umalis si Mama kanina, may ice cream sa ref, tig-isa tayo" sabi ko tapos tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa pagbabasa. Narinig ko nalang na parang may tumatakbo kaya napatingin ako kay Matthew na parang madadapa sa pagmamadali. Akala mo ay di na siya masisikatan ng araw bukas- scratch that, mukhang wala ng bukas para sa kanya.

At ang rason lang naman? pambihira, yung ice cream lang naman! Minsan ang ewan rin ng kapatid ko eh. Napailing nalang ako

Umupo naman sa tabi ko si Matthew habang may hawak na ice cream

"Ate, ano yang binabasa mo?" tanong ni Matthew habang nakatingin sa hawak kong diary

"Diary" sabi ko. Nanghinayang na naman ako kasi patapos na talaga ako

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon