Laging mananatili
Sa labi mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili
Nabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil tumunog ang ringtone ng cellphone ko
Ysabell is calling...
"Hello, Ysabel" sagot ko sa kanya
"Hoy anong oras mo ba balak gumising ha?...baka nakakalimutan mong may test tayo ngayon?" sabi ni Ysabel mula sa kabilang linya
Napatingin ako sa orasan ko...
9:35 am
9:35 am lang pala eh....HUWAAT? 9:35!!!! eh 10 am ang test namin, agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at agad akong napatayo
agad kong naibato ang cellphone ko sa kama at tatakbo ng pumunta sa banyo, muntikan pa nga akong madapa sa pagmamadali eh...
less than 5 minutes lang yata akong naligo, wala na kasi yung mga rituals ko eh
Ano ba iyan!!!
masyado kasi akong naexcite sa kwento ni Montecilla eh! tapos madaling araw na ako nakatulog
hindi na ako nakakain at pagkatapos kong magbihis at magsuklay ay nagpaalam na ako kina mama at papa
Nakaalis na daw si Matthew. Iyung bulinggit na iyun, di man lang ako naisip gisingin
tumakbo na ako papuntang sakayan, coding kasi ang sasakyan ni papa eh
"Manong sa may UST po" sabi ko tapos nakaupo na ako
napatingin ako sa orasan ko, nanlaki ang mga mata ko
9:46 am
Nagdadasal na ako sa mga santo at santa, mga diyos at diyosa na kilala ko, makaabot lang ako sa test namin
kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko para tawagan si Ysabel, HALA!! bakit wala?
Kinalkal ko ang bag ko pero wala talaga eh. Natigilan nalang ako nung may narealize akong isang bagay...patay! naiwan ko sa kama!!!
Biglang tumigil iyung jeep na sinasakyan ko
"Naku ineng mukhang matatagalan pa itong traffic, nagkaroon ng banggaan sa dadaanan nating kalsada" sabi ni manong driver
"sige po,bababa na ako" sabi ko sabay baba...tatakbuhin ko nalang dalawang street nalang di naman nandoon na ako..
habang tumatakbo tinignan ko ulit ang relo ko
9:50 am
lalo akong kinabahan...nakaramdam ako ng pagtulo ng tubig mula sa taas...teka kailan pa naging makulimlim ang langit?
biglang umulan ng malakas, binuklat ko ang bag ko pero kung minamalas ka nga naman, wala akong dalang payong!!!
malapit na! konting tiis nalang Ella! kahit pa magmukhang basang sisiw ako basta makaabot ako sa sa test ok lang...
nang sa wakas ay nasa tapat na ako ng UST, pipigilan pa sana ako ni manong guard kasi NO ID NO ENTRY pero tinakbuhan ko na agad siya, tsaka na manong guard mahalaga lang talaga ang test ko ngayon
9:55 am nasa tapat palang ako ng Arch of Centuries....napatingin ako dito at para bang nagslow motion ang lahat pati ang pagtulo ng ulan...Ano ba Ella!! malelelate ka na oh!!... isang makasaysayang marathon ang ginawa ko mula sa Arch of Centuries papunta sa classroom namin
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Fiction HistoriqueDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...