Ysabel's POV
I was happy when I chose Migs of all people. Sa totoo lang, noon pa man, sa kanya ako unang nakaramdam ng koneksyon.
You know, I felt the sense of familiarity with him the moment I laid my eyes on him.
Elisa... Juancho.... Luiz.... Montecilla.... at Lorenzo.
Who would have thought? Na yung diary na dinala ni Ella para sa project nila ang magpapabago ng lahat?
I was never a superstitious person. I believe in science actually. When I met Ella, I never thought that we would have something deeper that's connected to out past life.
To think na kalolalolahan niya ang past life ko di ba. Like wtf, nagkaapo pa rin pala ako at naging kaibigan ko pa.
Until the end, I was very stubborn.
Elisa Buencamino.
Even after marriage, I never considered myself as Mrs. Elisa Geronimo. I've always wanted to be Juancho's bride. Akala ko noong pinakasalan ko si Luiz, my life would end just like that but when I see Ella. Naisip ko na, maybe it wasn't really a bad idea.
Pero syempre, naiisip ko rin, paano kaya ang buhay ko kung si Juancho ang nakatuluyan ko? Magkakaroon pa rin kaya ako ng apo at kaibigan na kagaya ni Ella?
Hay nako, walang mangyayari kung iisipin ko pa rin iyun ngayon. Ang mahalaga, hindi ako makakasal ulit sa iba. Ipaglalaban ko talaga sa parents ko si Migs. I won't repeat history and definitely my mistake.
I was on my way to meet Migs when the rain suddenly fell. Sisilong na sana ako nang makita ko si Renzo na naglalakad sa gitna ng ulan. Mukhang may malalim siyang iniisip na di na niya napapansin na nababasa na siya ng ulan.
Why is he here? I thought he's in San Ildefonso with Ella?
Tumakbo ako papunta sa kanya
"Renzo!" Tawag ko sa kanya pero mukhang wala siyang narinig
Baka masyadong malakas ang ulan kaya di niya ako narinig
"Renzo!" Tawag ko ulit sa kanya pero wala pa rin siyang response. Patuloy lang siya sa paglalakad na parang wala sa sarili at nakatungo lang.
Ano bang problema nito? Bakit kung makatungo ito kala mo pasan na niya ang problema ng Pangulo ng lahat ng bansa? Biglang lumakas ang ulan kaya hinawakan ko na siya sa wrist niya para hilahin at makasilong na kami.
Nagulat ako nang muntikan pa siyang madapa dahil sa paghila ko sa kanya ng biglaan.
Renzo?!
Doon lang siya parang biglang natauhan. Napatingin siya sa paligid at mukhang nagulat pa siya nang mapansin niyang umuulan at nababasa na siya. Sunod siyang napatingin sa kamay kong nakahawak sa palapulsuhan niya bago dahan dahang napatingin sa akin.
Nangunot ang noo niya at nabalot ng pagtataka ang mukha niya
"Ysabel?" Gulat niyang sabi. Nangunot rin ang noo ko.
"Duuh, saan ka pa ba makakakita ng ganito kagandang dyosa kung hindi si Ysabel di ba?" Biro ko sa kanya. Natahimik naman siya.
Ok stop na, na-awkwardan ako bigla
"Tatayo ka nalang ba diyan? Umuulan na oh, tara na!" Sabi ko bago ko siya hinila ulit. Mabuti nalang di pa siya umangal pa kaya matiwasay kaming nakapasok sa isang cofee shop na malapit.
Binitiwan ko na agad ang kamay niya nang makapasok na kami. Pinagpagan ko ang sarili ko kasi gosh, basang sisiw na naman ang moment ko rito.
Napansin kong nagtitinginan sa amin ang mga tao sa coffee shop pati mga staff.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...