Kabanata 3: Unang Pagkikita

3.6K 111 1
                                    

----------------

Sino kaya siya?

May napansin ako kulay gintong relos sa sahig, agad ko itong pinulot

Sa kanya kaya ito?....Sana magkita ulit kami

Nagulat ako kasi biglang may nakasagi sa aking babae at natapon sa akin ang hawak niyang alak

"Lo Siento Senyora!...paumanhin"(Patawad) sabi niya habang pinapahiran ang aking damit

"Esta Bien, Senyora....huwag na po kayong mag-alala" ( Ayos lang) sabi ko habang pinapatigil siya sa pag pupunas ng damit ko

"Anong problema, Montecilla?" tanong ni Kuya Simon ng lumapit siya sa akin

"Natapunan niya ako ng alak pero hindi naman niya sinasadya" sabi ko habang pinapatigil pa rin ang binibini sa kanyang ginagawa

Tumingin si Kuya Simon sa binibining nakasagi sa akin

"M-Mercedes?" sabi ni kuya kaya napatingin sa kanya iyung babae

"S-Simon?...a-anong ginagawa mo dito?" tanong ng babae at napatingin siya sa akin...tila inaalam niya kung sino ang nasa likod ng aking maskara. Kita ko ang gulat at pagtatakang nakarehistro sa kanyang mga mata...at sandali..sakit at hinanakit?

"Ah, siyanga pala, si Montecilla, Ang bunso kong kapatid" pakilala sa akin ni Kuya Simon kaya nginitian ko yung Tinawag niyang Mercedes

"Ako naman si Mercedes...paumanhin ulit sa nangyari kanina pero hindi ko sinasadya, Nagagalak akong makilala ka, Binibining Montecilla" sabi niya sa akin at tinanggal niya ang kanyang maskara...nakita ko ang napakaganda niyang mukha na nakangiti, nawala rin ang mga emosyong nakita ko kanina sa kanyang mga mata at napalitan ito ng galak

"wag mo ng isipin iyon...uhm...magkakilala pala kayo ng kuya ko" sabi ko tapos tumingin ako kay Kuya at natutuwa ako kasi nakita kong namula siya. Mukhang may pang-asar na ako ah

Saglit naman silang nagkatinginan sa isa-t isa ngunit agad din silang nag-iwas. Nakita ko ang pamumula sa kanilang mga mukha kaya lalo akong napangiti

"May dala akong damit pamalit, kung maari sana ay iyun muna ang iyong gamitin" sabi niya...hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina...sinabi ng ayos lang eh

" naku..hindi na kailangan--" nakita kong nakatingin sa akin si Kuya Simon at parang sinasabing...Tanggapin-mo-na

"sige..kung maaari sana" sabi ko, gusto kong matawa ng malakas dahil nakahinga ng maluwag si Kuya...mukhang nagbibinata na si Kuya ah....marunong ng umibig hihihi

Natuwa naman si Mercedes....hinawakan ko siya sa braso at hinila palayo kay kuya...hahaha

Nakuha na ni Mercedes ang damit, kulay rosas ito na baro't saya.. Kulay puti ang baro nito at kulay pula naman ang saya, tinernuhan niya ng puting pañuelo

"ilang taon ka na binibini?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami

"labing siyam, ikaw Ate Mercedes?" nakiki ate na ako sa kanya kasi nakikita ko na ang hinaharap

"Bente-uno" sabi niya at natawa ng kaunti kaya napatingin ako sa kanya

"magkasing edad kayo ni kuya Simon!" sabi ko habang nakangiti

"At kasing edad mo rin ang aking bunsong kapatid" sabi niya habang nakangiti

tumigil kami sa isang kwarto

"ito ay nakalaang silid para sa mga bisita. Sa ngayon ay ako ang gumagamit nito, hahayaan kitang gamitin ito, tutal kapatid ka naman ni Simon at isa ka na ring kaibigan" sabi niya habang binubuksan ang pintuan..

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon