Kabanata 35: Para Sa Akin

1.1K 34 2
                                    

Naalimpungatan nanaman ako sa gabi. Napatingin ako sa cellphone ko kung anong oras na. Nagising na naman ako ng alas tres. Hindi na ilit ako makatulog kaya nagdesisyun akong kuhanin mula sa side table ko yung diary ni Montecilla.

Its been a while since I last opened this book. Ano na kayang nangyayari?

1895, Agosto

Habang tumatagal tila nag iiba ang ihip ng hangin. Nagulat nalang ako nung nalaman ko kung anong ginagawa nina Elisa at Juancho sa isa't isa

Nagulat ako nung isang aaw ay napansin kong nag iiwasan sina Elisa at Juancho. Gusto kong tanungin si Elisa pero natitigilan ako kapag sinusubukan ko.

"Bigyan mo muna siya ng oras para mag isip isip" sabi sa akin ni Lorenzo nung napansin niyang nababagabag ako sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko.

Isang buwan na ang nakalilipas mula nung ipaalam sa lahat na ikakasal si Elisa kay Ginoong Luiz. Isang buwan na rin mula nung magbago ang lahat. Malimit ko ngang nakikita ito eh.

Isang araw, niyaya ako ni Lorenzo na mamasyal sa bayan. Siyempre dahil maganda ako- este dahil mahal ko ay pumayag ako. Patago lamang kami. Habang hinihintay ko si Lorenzo na dumating ay nagulat ako nung biglang kumulimlim. Nako naman ulan, maghunos dili ka. Mamamasyal pa kami ni Lorenzo kaya huwag kang aapila

Nangyari nga ang kinakatakot ko. Kasumpa sumpang ulan!! May araw ka rin sa akin! Ay wala nga palang araw kapag umuulan. Galing mo talaga Montecilla

Nakasuot ako ng asul na belo kaya natatakpan ang mukha ko. Agad akong sumilong sa isang lumang bahay na walang nakatira. May isang lalaki ang nakisilong kaya agad akong napatingin dito

"Ginoong Luiz?" Sabi ko kaya napatingin din siya sa akin. Ano ba iyan, akala ko si Lorenzo na

"Ikaw pala iyan, binibining Momtecilla" pagkasabi niya noon ay biglang sumilay ang isang ngiti mula sa kanyang mga labi

Gwapo....

"Anong sabi mo?" Halos mapapitlag ako dahil sa nagsalita sa likod ko

"Magandabg umaga sayo, ginoong Lorenzo" sabi ni Luiz at nginitian niya si Lorenzo

" Walang maganda sa umaga kapag ganito ang dadatnan ko" sabi niya at tumingin sa akin bago sa makulimlim na langit. Anong problema nito

Nagkibit balikat na lamang si Luiz. Naghintay lamang kaming tatlo sa pagtigil ng ulan ngunit mukhang matatagalan pa yata ito.

" Saan ka tutungo, binibini?" Napatingin ako kay Luiz nung tinanong niya ako

"Ah... diyan lang" sabi ko tapos napatingin ako kay Lorenzo bago umiwas ng tingin

"Hmmm... alam mo bang namamangha ako ngayon?" Sabi niya kaya napakunot ang aking noo. At ano naman ang ikinamangha niya sa sitwasyong ito? Alam ba niyang hindi ako makakilos ng malaya dahil nandito siya?

"Bakit naman?" Mahinhin kong tanong. Huhuhu ang gwapo niya masyado kay nahihiya akong tarayan siya.

Nahagip naman ng mata ko na pinalalakihan ako ng mata ni Lorenzo. Paano ang sungit sunvit ko kasi sa kanya noon eh dito kay Luiz huminhin pa ako

" Kasi..." sabi niya tapos inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Akala ko kung ano na ang gagawin niya bubulong lang pala

"Hindi ko inaakala na makikita kong magiging payapa ang sitwasyong ito kahit na kasama mo ang isang Sebastian na kalaban ng inyong pamilya" sabi niya na ikinatigil ko

Nakarinig kami ng isang tunog. Tumikhim kasi si Lorenzo kaya biglang lumayo sa akin si Luiz

Sebastian at Aragon...

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon