Matapos ang speech nung daddy ni Ysabel ay nagpatuloy pa rin ang party. Naging busy yata sina Ysabel at Migs kaya di ko na sila nakita.Nung natapos na sa wakas iyung party ay naunang umalis sina Mama kasi ang sabi ko sa kanila ay pupuntahan ko muna si Ysabel
Hinanap ko naman ng hinanap si Ysabel for sure nagulat iyun dahil sa sinabi ng daddy niya. Hanggang sa makita ko siya pero may kasama siya... wait parang pamilyar itong ganitong scene ah.. saan nga ba
"Migs!" Tawag ni Ysabel kay Migs. Napalingon naman si Migs sa kanya.
"Y-yung kanina... ano... paano ba ito---"
"Congrats, Ysa. Finally matutupad na iyung pangarap mo. Ikakasal ka na kay Nicco. Basta ako yung best man eh" tatawa tawang sabi ni Migs.
Ysabel's POV
Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Hahayaan niya ba talagang magpakasal ako kay Nicco... kay Nicco na di ko na gusto.
"Ok lang sayo? Na... na magpakasal ako kay Nicco?" Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang clutch ko ng mahigpit
"Oo naman! Bakit naman hindi?" Nakangiti niyang sabi.
I felt my heart was crushed into pieces... alam ko naman eh na wala siyang pakialam kung kanino man ako ipakasal kasi... kaibigan lang ako... kaibigan niya lang ako
Bakit ba kailangan ko pang mafriendzone? Sino bang nag imbento nun at masasabunutan ko
"Ayoko" sabi ko kaya unti unting nabura iyung ngiti niya. Gulat siyang napatingin sa akin
"Ayokong pakasalan si Niccolo. Hindi ko na siya mahal..... may mahal na akong iba" nainis ako sa sarili ko nung pumiyok yung boses ko habang sinasabi ko ang mga salitang kanina ko pa gustong isumbong sa kanya
"Ysabel!" Narinig kong biglang may tumawag sa akin
Napapikit na lang ako. Wala na ba talaga akong magagawa sa sitwasyong ito?
"Nicco" nakangiting sabi ni Migs.. Agad ko namang pinahid ang luhang pumaak sa mga mata ko
"Good evening, Kael" nakangiting sabi ni Nicco. Si Nicco lang ang tumatawag kay Mikael ng Kael while ako ay Migs ang tawag sa kanya. Ngumiti naman si Migs.
Nakakasakal. Nasasakal ako sa pgitan nilang dalawa
"Sabel, hinahanap ka na sa loob" sabi ni Nicco na agad ko namang pinakinggan
"Kael, tara sa loob" yaya ni Nicco kay Migs
"Ah no, pauwi na rin ako. May tatapusin pa kasi ako.... Happy birthday again, Ysabel" sabi ni Migs. Napatingin naman ako sa kanya nung tinawag niya akong Ysabel, not the usual Ysa
"Ganoon ba, too bad. By the way, free ka ba sa Sabado? Gusto ko sanang magbonding tayong dalawa" sabi ni Nicco habang nakangiti kay Migs
"Yes, I'm free. At gusto ko ring makipagbonding sayo habang di ka pa ikinakasal" sabi ni Migs habang nakangiti. Para naman akong sinaksak sa dibdib dahil sa sinabi niya
Harap harapan talaga, Mig? Alam mo namang ayaw kong magpakasal sa kanya di pa. At dahil nasaktan aoo ay nagwalk out ako.
I hate Mikael Suarez
Ella's POV
Grabe yung eksenang nakita ko. Ysabel..... nandito lang ako para sayo, promise. Pinuntahan ko naman kaagad siya sa kwarto niya. Kumatok muna ako.
"GO AWAY!!!" Sigaw niya. Nagulat naman ako dahil doon
"Ysabel, its me. Ella, lets talk" sabi mula sa labas. Agad naman akong nakarinig ng pagbukas ng pinto
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...