Nakatulala lang ako. Iniisip ko pa rin iyung nangyari noong birthday ni Via. Noong araw na iyun ay umuwi agad ako. Ni hindi na nga ako nagpaalam kina Renzo na aalis na ako, pati kay Matthew ay hindi na rin... haayyy, speaking of Matthew, halos wasakin na nga niya iyung pinto ng kwarto ko sa kakakatok pagkauwi niya.
Galit na galit talaga siya dahil hindi ako sumabay sa kanya tapos iniwan ko pa siya doon. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang aking pag iyak.
Kaninang umaga, ayaw niya akong pansinin o kausapin man lang kasi galit talaga siya!
Pag galit pa naman iyun daig pa ang may period kung magtaray. Ang cold niya sa akin, grabe siya!
At ngayon.... namumugto pa rin ang aking mga mata. Grabe, ganito pala ang feeling kapag inlove ka, masakit lalo na kung iyung taong mahal mo ay may mahal ng iba at ang masaklap pa dito, best friend mo iyung taong mahal niya
"ELLA"
Alam ko naman eh. Alam kong hindi ako ang gusto niya at kailanman ay hindi magiging ako
"Ella"
Alam ko iyun pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. Bakit ba? Bakit ba---
"Ella!"
"BAKIT BA?!!" Sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko
Huli na nung mapagtanto kong iyung terror teacher pala namin sa Math ang nasigawan ko. Nanlisik ng kanyang mga mata at kulang nalang ay maglampasay na ako dahil sa sama ng tingin niya.
Patay!
"Ms. Ella, GET OUT OF THIS CLASSROOM NOW!!" sigaw ng teacher namin habang nakaturo sa may pintuan
No choice na lang ako. Sumunod na ako sa gustong mangyari ng teacher namin. Lumabas ako ng classroom dala ang aking bag, dala ang bigat ng aking loob at dala ng kahihiyan na dala ng kalukahan ko
This is one of my worst days! Ang malas ko naman, sabi na nga ba eh. Pahamak lang si Renzo. Nang dahil sa kakaisip ko sa kanya, napalabas ako ng classroom!
Love really is a troublesome thing
Nagpunta na lang ako ng library para ituon ko nalang sa pagbabasa ang sarili ko. Kailangan kong libangin ang aking sarili
"Hi, wala ka bang klase ngayon?" tanong bigla ng isang lalaking umupo sa harap ko.
Ang unang prinsipe ng storya kong walang kabuluhan.... si Nathan
"Nathan" sabi ko. Grabe, namiss ko rin itong lalaking ito
Speaking of Nathan, di ko yata siya nakita kagabi sa party ni Via
"Wala kang kasama?" Nakangiting tanong niya sa akin
"Wala eh, may klase pa sila. Ako lang yata ang napaaga ang labas dahil namiss ako ng library" sabi ko tapos naglungkot lungkutan ako. Bigla naman siyang napatawa kaya kumunot ang aking noo
"Alam mo, para kang isang comic-relief. Good, masaya na ulit ako dahil sayo. Thank you, Elle"sabi niiya tapos pinat niya ang ulo ko
"Elle?" sabi ko, para kasing letter 'L' iyung sinabi niya
"Ellerie. Di ba Ellerie ang totoong pangalan mo" nakangiting sabi ni Nathan. Bigla tuloy bumilis ang tibokng aking puso. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti
"How did you know?" tanong ko. Grabe, kinikilig ako dahil may nickname siya sa akin
"You're brother told me" sabi niya with his killer smile
"Si Matthew?" gulat kong tanong
"Oo" sabi niya habang nakangiti
Aba himala, si Matthew? Iyung masungit na iyun? Nakipag usap kay Nathan?
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Fiksi SejarahDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...