"What are you doing here?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Inirapan niya lang ako bago naglakad papasok sa loob, nabangga niya pa ng konti ang balikot ko. Pinanood ko lang siyang dumiretso sa sofa tapos umupo na para bang siya ang may ari ng bahay. Napacross arm naman ako
"Seriously, why are you here Matthew Blanco?" kunot noong tanong ko sa kanya
"Come on, sis. Give me a break. I'm tired." sabi niya bago inihilig ang ulo sa sandalan ng upuan. Nakasuot siya ng hooded jacket na navy blue. May white t-shirt sa loob at nakablack pants. Suot niya rin yung converse niyang kala mo lagi ay bagong bili. Napabuntong hininga nalang ako.
"Sinong kasama mo?" tanong ko sa kanya bago lumapit sa kanya. Hinila ko ang isang sofa na pang-isahan lang na malapit lang sa inuupuan niyang sofa.
"Wala" walang gana niyang sagot. Bigla naman akong nakaramdam ng konting inis.
"What? Mag-isa kang nagpunta rito? Are you out of your mind? Paano kung may mangyari sa'yo sa daan?" inis kong tanong sa kanya. Napaka kasi eh, feeling matanda. Bakit naman hinyaan ito nila Mama na bumiyahe mag-isa? Lapitin ito ng aksidente eh. Matagal ang byahe mula Manila hanggang dito, kulang kulang tatlong oras.
"Tsk. I'm turning 18 already, I'm not a kid anymore." sabi niya habang nakakunot noo. Napakasungit talaga.
"Itsura mo. Alam ba nila Mama na nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang isang paa niya at sinimulang kalasin ang sintas ng sapatos niya. Nakita ko naman mula sa peripheral view ko na nakatingin siya sa ginagawa ko.
"If you keep doing that, I'll never let you marry."
Napatingin naman ako sa kanya at napangisi.
"Excuse me? At sino naman pong nagsabi sa inyo na hahayaan kita?" sabi ko. He just clicked his tongue at napaayos ng upo bago nagcross arm. Seryoso niya akong tinignan na para bang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya
"Makinig ka, Ms. Ellerie Blanco. Hangga't nandito ako, walang pwedeng manligaw sa'yo." seryosong sabi niya na para bang napakabig deal noon sa kanya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko't natawa ako ng bongga bago biglang binawi at pinalitan ng kunot noo
"Eh kung tuktukan kaya kita! Huwag mo akong binibeast mode, Matthew ha. Huwag mong iniiba ang usapan, babangasan kita. Alam ba nila Mama na nandito ka?" naiinis kong tanong sa kanya
"Tsk!" sabi niya at napaiwas ng tingin. Aba't!
"Nakuuu, Matthew! Kung di lang kita kapatid ay nakatikim ka na sa akin. Isusumbong kita kay Mama. Marnunong ka ng maglayas ngayon ah. Di ka na nagpapaalam." sabi ko at dali daling kinuha ang phone ko na agad naman niyang hinablot.
"Tatlong araw lang naman eh!" inis niyang sabi. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata
"Bugbog gusto mo? Lalo ka dapat ay magpaalam dahil tatlong araw kang mawawala. Shunga ka ba? Ha?" galit kong sabi kay Matthew. Natahimik naman ako. Oww, mukhang ito na ang pagkakataon ko para makaganti sa lahat ng ginagawa niya sa akin. Big sister time! Lagot ka sa aking mokong ka.
"Mag-aalala yun sa'yo baka akala mo. Magugulat ka nalang ay pinaghahanap ka na ng mga pulis kasi naging missing person ka na. Matthew ka ha, isip isip rin pag may time. Nakuu, ginigigil mo ako!" nanggigigil kuno kong sabi. He just lowered his head and avoid making eye contact with me. Napabuntong hininga nalang siya bago binawi ang paa niya. Siya na nag naghubad ng sapatos niya
"Ipagpaalam mo nalang ako. Make it one week." sabi niya pero hindi tumitingin sa akin. Tinitigan ko naman ang kapatid ko. Grabe para ang rebellious stage nito, nakakaloka.
Kinuha ko mula sa kanya ang phone ko bago ko tinawagan si Mama.
"Hello, Ella?" rinig kong sabi ni mama mula sa kabilang linya. Napatingin ako kay Matthew na maayos na inilagay ang sapatos sa gilid ng sofa bago hinubad ang jacket na suot niya.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...