Sampung taong gulang palang ako noon nang una akong makarating sa bayan ng San Ildefonso. Unang tapak ko palang doon ay alam kong may kakaiba sa bayan na yun. Sa totoo lang, parang ayoko sa San Ildefonso dati dahil pakiramdam ko ay masasakal ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko ay may mawawalang mahalagang mahalaga sa akin kaya hindi na ako naulitan sa pagbabakasyon doon.
Naaalala ko rin na sa tuwing nagkekwento ako sa mga magulang ko tungkol sa mga alaala ng kabataan ko ay ayaw nilang maniwala sa akin. Hindi daw kasi nangyari ang mga sinasabi ko at masyado pa akong bata para maalaala yun. So I kept all of those memories to myself. Wala na rin akong ibang pinagsabihan dahil baka di rin sila maniwala sa mga naalala ko.
I love past life and reincarnation. Naeexcite ako sa tuwing yun ang usapan. Sa totoo lang, napagtanto ko na kaya pala ako mahilig doon dahil palaging about love ang naiisip ko. Lalo lang napalakas ang paniniwala ko doon nang lumaban ako sa quiz bee tungkol sa kasaysayan. Tungkol kasi sa Katipunan at sa Philippines Revolution ang inaral ko noon. Medyo napamahal na ako sa history to the point na pati sina Andres Bonifacio at Jose Rizal ay ginawa kong imaginary asawa. I so love those two. Naiinis din ako minsan kay Emilio Aguinaldo lalo na yung mga tao sa Tejeros Convention, mga walanghiya sila. Inggitero ( sorry medyo bias).
Akala ko mahal ko na ang buong history ng Philippines, yun pala Philippine Revolution ang pinaka. 1892 to 1897, yan ang pinakapaborito kong taon. Hindi ako mahilig sa Americano lalo sa mga Hapon.
Sunod na nagpalakas sa paniniwala ko ay ang mga panaginip ko about Lorenzo. Isang lalaking naka kamisa de tsino at nakasalakot, in short- parang magsasaka pero gwapo hahahaha.
Isa pang katanungan ang nasa puso ko na gusto ko na talagang masagot until now...
"Hanggang kailan ako maghihintay sa'yo?"
Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad akong nasilaw sa sinag ng araw na nagmumula sa siwang ng bintana ko. Dahil nagsisimula na ring maging mainit sa paligid ay agad na rin akong bumangon para ayusin yung latag ng kama ko.
Nang tignan ko ang orasan ay napangiwi ako kasi 8:45 na pala, nakakahiya tuloy kasi tanghali na eh ang aaga pa namang gumising ng mga tao dito sa probinsiya
It's my third day in San Ildefonso pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nasisimulan sa mga balak ko. Nang bumaba ako ay agad kong nakira si Tita Sherryl na nasa kusina at nagkakape. Hawak niya ang cellphone niya at mukhang nagpefacebook. Naks naman Tita, lakas makamillenial ah!
"Hi, Tita. Good morning." Bati ko kay tita nang makalapit ako sa kanya. Agad naman siyang ngumiti at binati rin ako. Inalok niya na rin ako ng kape so I helped myself to make one for me
"Si Beth po ba gising na?" Tanong ko dito.
"Hindi ko alam eh. Siguro, pakikitingin naman, Ella. Baka nagcecellphone lang yun sa kwarto niya kaya di agad lumalabas." Sabi ni Tita habang nakatingin sa cellphone niya
"Sige po." Sabi ko bago ko pinatong sa counter yung tasa kong may lamang kape. Pinuntahan ko naman si Beth sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago ko binuksan. Tama nga si Tita, gising na si pinsan at mukhang enjoy siya sa panonood niya ng video about BTS. Aba't army pala itong pinsan ko ah!
"Sinong bias mo dyan?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin
"Si bebe Jungkook ko." Sabi niya habang kinikilig. Dun ko lang din napansing maraming poster na nakakapit sa pader niya. Puro BTS posters.
"Hinahanap ka na ni Tita." Sabi ko sa kanya
"Sige, wait lang." Sabi niya kaya umalis na ako
Mukhang di sila masyadong magkakasundo ni Ysabel pagdating sa k-pop group ahh. Ayaw ni Ysabel sa BTS eh, ang gusto niya ay EXO at NCT.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Tarihi KurguDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...