Disyembre, 1895
Isang malungkot at masalimuot na pangyayari ang muling dumating sa aming pamilya.
Matapos mahulog ni Mama sa hagdan, siya ay dinugo at tuluyang nakunan.
Isang napakalaking dagok at pagsubok na nanaman ito para sa amin. Matapos malaman ni Papa ang masamang balita, agad siyang nagwala at umiyak. Isang kapatid na naman ang nalagas sa aming pamilya at gaya ng kay Kuya Roman, wala akong nagawa.
Babae ang kapatid naming pumanaw. Pinangalanan siyang Theresita ng aking tumatangis na ina. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Naaawa ako sa kapatid ko. Hindi pa niya nasisilayan ng mundo ay kinuha na siya agad sa amin.
Lalong sumasakit ang aking puso kapag nakikita ko ang aking mga magulang lalo na si Mama. Labis ang kanyang pagsisi sa sarili dahil sa nangyari. Si Papa, ang aking ama ay di makausap ng matino dahil palagi siyang umiinom ng alak hanggang sa mawalan ng malay.
Si Kuya Juan ang naiwang namamahala ng aming hacienda. Madaling araw aalis at kung umuwi ay hatinggabi na. Halos hindi ko na siya maabutan. Hind nakikita o nakakausap man lang.
Akala ko malungkot na ang bahay namin noon, mas may ilulungkot pa pala.
"Huwag kang magmukmok dyan! Lalo kang papangit. Nakakapangit ang lungkot alam mo ba yun?" Sabi ni Kuya Simon bago ako inakbayan. Napatingin naman ako sa kanya
Ngumiti siya sa akin bago niya pinisil ang pisngi ko.
"Aray, Kuya!" Sabi ko tapos hinampas ko siya sa balikat. Tumawa naman siya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ayaw mong gumaya sa akin, hindi nagpapadala sa lungkot at isipin. Kaya ka pumapangit eh." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ako? Pangit? Bakit gwapo ka ba?" Panghahamon ko sa kanya na ikinangisi niya
"Ako ay huwag mong kinukwestiyon ang kagwapuhan, Montecilla. Baka nakakalimutan mong ikaw lang ang pangit sa pamilyang ito." Taas kilay niyang sabi na ikinanganga ko at ikinalaki ng mga mata
Tumawa naman siya sa reaksiyon ko
"Biro lang, kapatid mo ako eh kaya siyempre maganda ka." Sabi niya sabay kiliti sa baba ko na para akong pusa.
"Halika ka nga, bunso." Sabi niya tapos niyakap niya ako.
"Malapit na pala ang pasko anong gusto mong regalo?" Tanong niya. Natigilan naman ako at napatingala sa kanya.
Malapit na pala ang pasko. Malungkot lamang ay ito ang unang pasko na di kami kumpleto.
"Sabihin mo lamang at ibibigay sa'yo ni Kuya kahit ano basta't kaya ko." Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Niyakap ko siya pabalik. Ipinulilupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya.
"Kahit huwag mo na akong bigyan ng kahit na ano, ang mahalaga ay magkakasama tayo sa araw ng pasko." Sabi ko sa kanya. Humiwalay naman siya ng konti para tignan ako
"Talaga? Akala ko pa naman ay hihiling ka ng panibagong libro." Nakangiting sabi niya
"Bibigyan mo ba ako?" Nakangiti kong tanong.
"Aba oo, kung yun ang nais mo." Sabi niya. Napangiti nalang ako ag muli siyang niyakap.
Palaging ganito ang nangyayari. Kapag nalulungkot ako, ginagawa ni Kuya Simon lahat ng paraan para mapasaya ako at mawala sa isip ko ang problema't pinagdadaanan ng pamilya namin.
"Kuya, kamusta na kayo ni ate Mercedes?" Tanong ko sa kanya habang nammasyal kami sa aming hardin. Nakaalalay siya sa akin habang hawak ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...