Kabanata 60: Lihim

394 21 3
                                    

Naiwan kami ni Kuya Simon na nasa salas. Natulala na lamang kaming dalawa dahil sa nasaksihan namin kanina. Ang ilang mga katulong maging mga kusinera ay kasama na rin namin dahil tinipon kami ng mga guwardiya sibil. Di ko maiwasang di mapatingin sa kanila.

Ang ialan ay nakatungo at nakatulala rin, samantalang ang ilang nakababatang criada ay tahimik lang na umiiyak sa isang sulok. Napatingin naman ako kay Rosita na nakaupo sa may hagdanan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin na tila magiging maayos rin ang lahat. Nginitian ko rin siya bilang kapalit

Napatingin ako sa kamay kong nanginginig ngayon, kanina pa ito hawak ni Kuya at ayaw niyang bitawan. Kapag sinabi kong pupunta ako ng palikuran ay sinasamahan niya ako hanggang sa labas. Buti na lamang ay di kami tinatanong ng mga nakabantay sa amin.

Maya maya ay nakarinig kami ng ingay mula sa labas kaya naagaw noon ang atensiyon namin ni Kuya. Napatayo ako nang makita ang aking Kuya Juan

"Anong ibig sabihin nito?" iritang tanong ni Kuya Juan habang kausap ang isang guwardiya sibil na nasa may pintuan ng aming tahanan. Napatingin siya sa loob kaya nagtama ang aming mga mata.

Pinapasok siya ng mga guwardiya kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at ganoon rin ang ginawa niya. Lumapit rin sa amin si Kuya Simon.

"Anong nangyayari rito, Simon?" seryosong sabi ni Kuya Juan habang nakayakap sa akin

"Bigla na lamang silang dumaing dito kuya sa pangunguna ni Heneral Isidro. Pinaratangan nila si Papa na nagtatago ng ilegal na armas at pinangangambahang may balak na umalsa.... Ang masama rito, may nakita silang mga baril at pulbura sa bodega ni Papa." seryoso ngunit malungkot na sabi ni Kuya Simon.

"P-Paanong... imposible ito." sabi ni Kuya Juan at napaisip

Nagkatinginan sina Kuya at tila nag-uusap sa isip kaya nakaramdam ako ng konting pagtataka

"Sandali lang muna, Montecilla. May pag-uusapan lamang kami ni Simon pero babalik rin kami kaagad." sabi ni Kuya Juan bago ako binitawan at inilalayang umupo muli bago sila nagtungo sa kusina. Dahil nakaramdam ako ng pagtataka ay nagtungo rin ako sa kusina. Patawad mga kuya ngunit mukhang may talento ako pagdating sa pagiging tsismosa at nakikinig sa usapan ng may usapan

"Kuya... baka maparusahan si Papa."

Natakot ako sa sinabi ni Kuya Simon kaya napatingin ako rito. Mapaparusahan si Papa? Iniisip ko palang na haharap rin siya sa harap ng hukom ay natatakot na ako. 

"Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan/" narinig kong sabi ni Kuya Juan bago niya pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok. Naawa ako kay kuya Juan dahil mukhang pagod na pagod siya at ilang araw na walang maayos na tulog tapos ganito pa ang madadatnan niya. 

Pabalik na sana ako sa salas nang mapadaan ako sa opisina ni Papa. Napatingin ako sa paligid ko ngunit mukhang wala namang nakakapansin. Papasok na sana ako sa loob nang may marinig kaming ingay mula sa labas

Maging sina Kuya ay lumabas ng kusina kaya dali-dali akong nagpuntang salas.

"Mierda! Anong ibig sabihin nito, Heneral?" galit na sabi ni Papa nang ipag-utos ng Heneral na dakpin siya. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa gulat. Galit na galit si Papa at mababakas sa kanyang mukha ang gulat

"Paumanhin, Don Miguel ngunit kailangan niyong sumama sa amin sa piitan." kalmadong sabi ng Heneral

"Piitan? Anong?!.." nanginig ang aking kamay nang hinawakan ng mga guwardiya sibil si Papa

"S-sandali lamang, Heneral. Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung bakit niyo dinadakip ang aking esposo?" sabi ni Mama na ngayo'y nakahawak sa kanyang tiyan. Agad akong lumapit dito para alalayan at hawakan ang kamay

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon