Ella's POV
May ibig sabihin ba iyung nakita at nabasa ko dun sa diary ni Montecilla?
Bakit ganoon? kahit hindi naman ako si Montecilla ay pakiramdam ko ang sakit sakit
Nagmumukmok lang ako ng biglang may nagsalita sa likod ko
"anong problema mo?"
Napalingon ako sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko
"N-Nathan" sabi ko, laking gulat ko nung umupo siya sa tabi ko. Nasa library kami ngayon at nasa pinakadulo kami
Ngumiti siya sa akin
Oh My Gosh!, wag Nathan...natutunaw ako sa mga ngiti mo!!
"So...mag-isa ka yata ngayon, nasaan sina Renzo?" tanong niya habang nakangiti pa rin
"A-Ah n-nasa c-classroom pa sila" oh my gosh! Ella huwag ka ngang mabulol sa harap niya, nakakahiya ka!!
"Would you mind if I join You?" tanong niya habang nakangiti....
nagnod lang ako ng paulit ulit, mukhang nagtaka naman siya
"ah I mean I won't mind" sabi ko habang awkward na nakangiti
"ah ganoon ba" sabi niya habang nakangiti pa rin.
Grabe kinikilig ako kay crush! Notice me, crush!!
Ella, nakakahiya ka ang harot mo!!!
Hay kung sana si Renzo palagi ring nakangiti tulad ni Nathan, edi sana masaya
"Sorry for not smiling like Nathan"
Napalingon agad ako sa likod ko dahil sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko siya sa likod ko. Nasabi ko yata ng malakas ang nasa isip ko
"Renzo!" masayang sabi ni Nathan tapos lumapit si Nathan kay Renzo
"gusto mo bang sumama samin ni Ella habang nagbabasa?" alok ni Nathan kay Renzo
Nathan no!!, paano natin masosolo ang isa't isa kung kasama natin si Renzo?
Nakita kong nakatingin sa akin si Renzo kaya napalunok ako
"naaahh, sa tingin ko mas masaya kung kayo nalang ni Ella ang magkasama, Di ba Ella?" sabi niya habang nakangisi
Kinabahan naman ako bigla, galit kaya siya dahil sa sinabi ko kanina?...
Hindi nalang ako nagsalita baka mamaya kung ano pa iyung masabi ko, madaldal pa naman ako
"sige, kung diyan ka masaya eh. Sino ba naman ako para pigilan ka" pagdadrama ni Nathan tapos malungkot na naupo sa tabi ko
Seriously, Nathan?
"Aish, fine...pero dito ako uupo" sabi niya sabay upo sa pagitan namin ni Nathan...at talagang sa gitna ka pa umupo ah at ito namang si Nathan parang tuwang tuwa sa nakikita
Kumuha ng libro si Renzo tapos nagsimula na siyang magbasa
So kacareerin na ni Renzo ang pagbabasa ah, kinuha ko nalang iyung diary ni Montecilla para basahin. Napatingin naman si Renzo dun sa diary.
"pwede bang pahiram muna, mabilis lang ito" sabi niya..hindi pa ako nakakapagsalita ay nakuha na niya iyung diary sa kamay ko
Then sinimulan na niyang basahin, nakita kong nangunot ang noo niya. Siguro nabasa niyang nagspanish si Montecilla tapos hindi niya naintindihan , laugh trip iyun for sure!
Ibinalik niya sa akin ang diary tapos parang nalulungkot siya
"sabi na" narinig kong bulong niya tapos bigla nalang siyang natulala sa kawalan, problema nito?
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...