Kabanata 31: Luiz

1.7K 59 4
                                    

1895, Hunyo
   Ang magmahal ay isang biyaya ng diyos sa atin kaya dapat nating tanggapin ng buo at bukal sa puso...

"Dahan dahan Lang"
"Malapit na ba tayo?" Nakangiti Kong tanong Kay Lorenzo.

Pinadalhan ako ng liham ni Lorenzo, Ang Sabi Niya ay magkita daw kami sa aming sekretong lugar. Pero pagdating ko doon ay Wala siya. Nagulat na lamang ako nung biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti agad ako.

Sinabi Niya sa akin na may surpresa siya para sa akin Kaya ito, may papiring piring pa siyang nalalaman

Nung tumigil kami ay tinanggal niya ang aking piring.

Pagmulat ko ay agad akong nanibago sa sinag ng liwanag pero nung sa tingin ko ay maayos na ay iminulat ko Ang aking mga mata

Nanlaki Ang aking mga mata at agad akong napangiti. Niyakap ko si Lorenzo

"Salamat, Lorenzo" Sabi ko

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

"Oo Naman" Sabi ko tapos tumingin muli ako sa inihanda Niya. May nakalatag na tela sa lupa at may mga pagkain. Gustong gusto ko Ang mga ganitong bagay. Kahit simple ay masaya. Wala na kami ngayon sa among sekretong Lugar kundi nasa tabing dagat. Nagkuwentuhan kami ni Lorenzo hanggang sa humapon. Tunay na napakasaya ko kahit patago kaming nagkikita.

"Oo nga pala, Lorenzo. Maaari mo ba akong samahan sa palengke bukas?" Tanong ko sa kanya

"Bakit Naman?" Nakangiting tanong ni Lorenzo

Ngumiti Lang din ako

Kinabukasan...

Pupunta kami ni Lorenzo sa palengke mamaya hmm, Ang saya saya ko

Naglalakad ako papunta sa palengke ng biglang..

"Montecilla, tulungan mo ako!" Nagulat ako nung bigla akong hinawakan ni Elisa sa dalawang kamay

"Binibining Elisa!" Biglang humigpit Ang pagkakakapit sa akin ni Elisa.

"Sumama na po kayo sa Amin" Sabi nung isang guardiya sibil

"Ayoko!" Tapos nagtago sa likod ko si Elisa. Hindi ko naiintindihan Ang nangyayari Basta Ang Alam ko, natatakot si Elisa sa Kanila

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa kaibigan ko" tanong ko sa kanila

"Paumahin po, binibining Aragon. Ngunit ipinag uutos po ni Senyor Fernando na bumalik Ang kanyang anak na si senyorita Elisa sa kanilang tahanan" tumaas Naman Ang aking isang kilay at napatingin ako Kay Elisa na nasa likuran ko. Umiling iling Naman agad siya

"Sige na, bumalik ka na. Ako na Ang bahala" Sabi ko

"Ngunit binibi---"

"Sige na o gusto mong sabihin ko sa aking kapatid na heneral at sa aking ama na Hindi mo ako iginagalang? Alam mo ba Kung gaano kahalaga Ang katayuan ko sa aking pamilya? Isang maling galaw mo Lang na maaaring magdulot sa akin ng kalungkutan, mawawalan ka ng kasiyahan" pananakot ko sa kanya. Naku bahagya na akong nagmukhang masama Sana madala ka, pakiusap. Pinagpapawisan ako dahil sa sinabi ko. Gagana Kaya?

"P-paumanhin pi, binibini. Aalis na po ako ngunit..." Kitang Kita ko na nalulungkot siya

Patawad kuyang guwardiya sibil...

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon