*Bang! Bang! Bang!
Napuno ng alingawngaw ng putok ng baril ang buong paligid at dumanak ang dugo sa lupa. Hanggang sa huli ay hindi binatawan ni Lorenzo at Montecilla ang kamay ng isa't isa.
Mariin ang yakap ni Montecilla kay Lorenzo. Si Lorenzo naman ay mahigpit rin ang hawak kay Montecilla. Naghintay sila ng ilang sandali upang damdamin ang sakit ngunit-- wala! Walang masakit.
Hindi nanghihina ang kanyang katawan at hindi rin tumatagas ang kahit na anong likido mula sa kanyang katawan. Tila isang panaginip na lumipas lamang ang putok ng mga baril na kanyang narinig kanina.
Iminulat ni Montecilla ang kanyang mga mata at tila sa isang pintig ay muli siyang nakaramdam ng matinding kaba. Napatingin siya kay Lorenzo na nakatingin rin sa kanya. Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang balikat at tila sinusuri.
"May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Lorenzo habang sinusuri ang nobya.
"A-ayos lang ako. I-Ikaw? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Montecilla at gaya ni Lorenzo, sinuri naman niya ang katawan nito
Sabay silang napatingin sa paligid at napahugot ng hininga sa nakita. Ang mga lalaking tumugis sa kanila at tumutok ng baril kanina ay wala na at nakahandusay na sa lupa. Naliligo na ang mga ito sa sarili nilang mga dugo at mga walang buhay. Nanginig ang mga tuhod ni Montecilla at muntikan pa siyang mapaluhod. Muling bumalik sa kanyang alaala ang natuklasang tagpo sa loob ng kanilang tahanan dahil sa mga bangkay na kanyang nakita. Agad naman siyang sinuportahan at niyakap ni Lorenzo.
"Nasaktan ba kayo?"
Nagulat ang dalawa nang may mga boses silang narinig. Lumabas mula sa gubat ang ilang mga kalalakihang may suot na salakot at may takip na itim na bandana sa bibig. May dala ring iba't ibang armas ang mga ito-- itak, gulok, kutsilyo at baril. Muling napahawak ang magkasintahan sa isa't isa. Sino naman ang mga kalalakihang ito.
Naglakad patungo sa unahan nila ang isang lalaki. Tinanggal niyo ang suot na bandana sa mukha at ibinaba ang suot na salakot.
"Ligtas na kayo. Di namin kayo sasaktan." Pagkasabi noon ng lalaki ay nagkatinginan sina Montecilla at Lorenzo
"Ako si Ando. Isa akong mamamayan sa bayang ito. Kung nais niyong maging ligtas ay sumunod na lamang kayo sa amin." Pagkasabi noon ay nagsalita si Lorenzo
"Salamat sa pagligtas sa amin ngunit huwag niyo sanang masamain kung nag-aalinlangan kami ng aking asawa. Paano kami makakasigurado na hindi nila kayo kasamahan at hinid ito isang pain upang lalo kaming mapahamak." Tanong ni Lorenzo.
Tumingin si Ando kay Lorenzo bago nagsalita
"Di ko kayo masisisi kung nahihirapan kayong magtiwala, ngunit maniwala kayo na wala kaming balak na masama sa inyo ng iyong asawa."
Nagtitigan si Lorenzo at Ando bago muling nagsalita ang nauna.
"Ako si Cristobal at ito naman ang aking asawang si Clarita. Utang na loob namin ang buhay namin sa inyo." Sagot ni Lorenzo. Hindi maiwasang di mapatingin ni Montecilla kay Lorenzo, bukod sa inuulit ulit nito na sila ay mag-asawa, pinakilala rin siya nito sa ibang katauhan.
Tumango lamang si Ando sa kanila bago tumalikod. Dahil sa nakaambang panganib sa daan, napagdesisyunan nina Lorenzo na sumunod na lamang muna kay Ando at sa mga kasamahan nito. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isang maliit na bahayan.
"Ligtas kayo rito. Magkakakilala kami rito at magkakapamilya kung kaya't tatanggapin nila kayo."
Malayo na ang baryong iyun sa San Ildefonso. Napag-alaman ni Montecilla na ang lugar iyun ay tinatawag nilang Saragoza, isang bayan na bahagi ng Salvacion.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...