So... what's next?
Nakatingala ako sa Casa Aragon. Kakarating ko lang at di agad ako pumasok. I'm now in front of its rusty gates, thinking what I should do next.
Its not like I can just barge in, right?
Lumapit ako sa may gate, kumapit sa marumi, kinakalawang at pinupuluputan ng mga baging na gate.
"Tao po!!" Sigaw ko. The creepy thing is, nag echo siya ng paulit-ulit.
"Taooo pooo!!!!-"
"Neng"
"Ay tao pong kapre!!" Napahawak ako sa aking dibdib. Mabilis ang tibok ng puso, at muntikan na yatang atakihin sa sobrang gulat
"Anong taong kapre?" Kunot noong tanong ng isang matandang babaeng nasa harap ko. Nasa likuran ko siya kanina kaya di ko siya nakita.
"Ay hindi po kayo yun. Nagulat lang po ako." Sabi ko matapos kong huminga ng malalim. Kaloka naman tong si manang, bigla nalang sumusulpot wala man lang warning. Kitang tense na tense ako rito eh.
"Papasok ka ba sa loob?" Tanong niya.
Napangiti ako. Baka katiwala si manang tapos papasukin ako
"Opo, kaso wala pong tao sa loob eh kaya di po ako makapasok." Sabi ko. Lumapit siya sa pwesto ko kaya medyo napaurong ako. Ang creepy rin kasi ni manang eh.
Tinitigan niya ako bago tumingin sa gate tapos itinulak niya ito ng marahan kaya ito bumukas.
"Pumasok ka na, baka hindi ka narinig ni Ka Lumeng kanina nang tumawag ka." Sabi niya. Napatingin ako sa loob ng Casa bago ngumiti
"Salamat p-" natigilan ako at nanlaki ang mga mata
Oh My Gosh!!
Napatingin ako sa paligid. Hala, nasan na si manang!!
Bigla akong nakaramdam ng matinding kilabot. Don't tell me, may multo rito? Oh no!
Muli akong napatingin sa lumang Casa at napalunok ng wala sa oras. Tahimik ang paligid, maraming tuyong dahon sa lupa na tila naipon na sa loob ng ilang taon, ang mga patay na halaman sa paligid ay nakakatakot rin.
Sinimulan ko ng ihakbang ang aking isang paa, nasundan ito ng isa pa at isa pa hanggang sa maglakad na ako papasok. Napatingin ako sa fountain na nasa gitna. Mayroon itong babaeng statue na may hawak na vase. Natakot rin ako kasi pakiramdam ko, anytime ay titingin sakin yung statue.
"T-Tao po!" Sigaw ko ulit. Gosh gusto ko ng kasama, dapat yata nagpasama nalang ako kina Matthew kanina eh. Hindi pa naman huli ang lahat, pede ko pa silang tawagan.
Nilabas ko ang phone na nasa bulsa ko. Natigilan ako nang biglang humangin ng matakas kaya nagliparan ang ilang mga tuyong dahon. Nakaramdam ako lalo ng kilabot at nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Muli na naman akong napalunok. Tinignan ko ang phone ko, napakagat labi ako nanag makita kong walang signal. Itinaas ko ito at sinubukang maghanap ng signal pero wala talaga.
Then suddenly, I hear d a creaking noise. Unti unti akong napalingon sa likod ko. I froze when I saw that the main door to the entrance to the house is already open. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa loob ng bahay.
Napatingin ako sa paligid. Hindi naman siya makalat, madilim ng konti sa lugar at ang tanging liwanag lamang ay ang mga sinag ng araw na tumatagos sa mga sirang dingding ng bahay.
May ilang mga gamit na tinakpan ng puting tela na medyo brown na dahil sa namuong gabok.
Naaalala ko pa kung nasaan yung portrait ni Montecilla na nakita namin last time. I went there and I found it again.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...